You are on page 1of 24

Magtutulungan Para sa

Kalinisan ng Ating
Pamayanan
BALIK-
ARAL
Iguhit ang masayang mukha kung ang
larawan ay nagpapakita ng pagtulong sa
pagpapanatili ng kalinisan ng tahanan at
malungkot na mukha naman kung hindi.
PAGGANYA
K
Bigkasin mo ng malakas ang tula na nasa
ibaba.

Lina Madisiplina
ni Jenniel S. Carlos
PAGLALAHA
D
Awitin ang tula sa paraang rap.

Kalinisan sa Aming Paaralan


Lina Madisiplina
ni Jenniel S. Carlos

Ito si Lina, isang batang madisiplina


Malinis na paligid ay gusto niya
Basura at kalat kinaiinisan talaga
Kaya sa tuwi-tuwina naglilinis siya
Paghihiwalay ng basura,
kaniyang ginagawa
Nabubulok at di-nabubulok,
‘di dapat magsama
Marami sa kaniya ay tuwang -tuwa
Sapagka’t kapaligiran,
inaalagaan niya
Siya ay tunay na may disiplina
Malinis na paligid nasa puso niya
Kaayusan sa pamayanan,
kanyang pinahahalagahan
Pinaniniwalaang magpapaunlad
nitong ating bayan.
TANONG:
1. Sino ang batang nabanggit sa tula?
2. Ano ang gusto ng bata sa tula?
3. Ano naman ang kaniyang kinaiinisan?
4. Bakit kaya maraming natutuwa sa
kaniya?
5. Bakit mahalaga na panatilihing malinis at
maayos ang pamayanan?
Kalinisan at kaayusan ng paligid ang
hangad ng bawat mamamayan. Layunin ito ng
bawat barangay. Ang kalinisan ng kapaligiran
ay larawan din kung paano namumuhay ang
mga mag-anak sa isang pamayanan.
Maraming paraan at proyekto ang bawat
barangay kung paano napapanatiling malinis
at maayos ang kanilang mga nasasakupan.
Kabilang na dito ang wastong pagtatapon at
paghihiwalay ng mga basura at ang
pagpapatupad ng
mga programa na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan.
Lagi mong tandaan kapag malinis at
maayos ang kapaligiran, payapa at maunlad
ang pamayanan.
PAGLINAN
G
Iguhit ang tsek (/) kung tama ang
ipinapahayag ng pangungusap at ekis (X)
naman kung mali.
1. Hinahayaan lamang ni Mark na magsulat sa
pader ang kaniyang mga kaibigan.
2. Nagsusunog ng basura sila Mang Cardo
upang mabawasan ang kalat sa kanilang
tahanan.
3. Nagtatapon ng basura si Miko kung saan-
saan.
4. Nakikiisa ang mag-anak na Santos sa lahat
ng proyekto ng barangay na may kinalaman
sa kalinisan.
5. Hindi na nireresiklo ni John ang mga
basurang mapapakinabangan pa.
PAGLALAPA
T
Ano-ano ang iyong ginagawa upang
mapanatiling malinis at maayos ang inyong
pamayanan? Kopyahin ang larawan ng
bulaklak sa iyong sagutang papel at isulat
ang bawat gawain sa talulot ng bulaklak
PAGLALAHA
T

Ano ang naidudulot ng kalinisan sa buhay


ng mamamayan?
PAGTATAY
A
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad sa
pangungusap at Mali kung hindi.
1. Paghihiwalay ng nabubulok sa di-
nabubulok na basura.
2. Pagtatapon ng patay na hayop sa malapit na
ilog.
3. Pakikilahok sa pagtatanim ng halaman sa
barangay.
4. Paglilinis ng kanal o daluyan ng tubig.
5. Paglabag sa mga alituntunin ng barangay
na may kinalaman sa pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan.
Karagdagang
Gawain
Isulat kung gaano kahalaga sa iyo ang
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
inyong pamayanan.

You might also like