You are on page 1of 28

ARALING PANLIPUNAN

Q4-WEEK 6
DAY 4
Layunin:
Napapahalagahan ang pagtutulungan at
pagkakaisa ng mga kasapi ng komunidad
AP2PKK-IVg-j-6
Magbigay ng halimbawa ng mga gawaing
nagpapakita ng pagtutulungan.
Isulat ang tsek kung ang mga sumusunod ay
nagpapakita ng pagkakabuklod at ekis kung
hindi.

1.Pagsali sa grupo ng magpuputong sa inyong


barangay
2.Sama-samang pagluluto sa kapitbahay na
magpapabinyag ng anak.
3. Hindi pagdalo sa pagpupulong ng
barangay.
4.Nakiisa si Mang Bernard sa mga
kalalakihan sa kanilang lugar sa pagroronda
tuwing gabi.
5.Pagsuway sa mga ordinansang ipinatutupad
ni Kapitan.
 Ano ang nasa
larawan?
 Dapat na ba natin
itong itapon?
 Ano ang maari nating
gawin mula dito?
Ang barangay Mapayapa ay isang maliit na
barangay sa isang malayong bayan. Malaki
ang suliranin ng barangay na ito sa basura.
Si Mang Delfin ay reteradong pulis sa
Maynila na nagpasyang dito na
manirahan.Nakita ni mang Delfin ang
suliraning ito ng barangay ,kaya naisipan
niyang makipag ugnayan sa kapitan ng
barangay para sa isang proyekto.
Mahusay makisama sa Mang delfin kaya
sinuportahan siya ng mga namumuno sa
barangay, pati na rin ang kanyang mga
kapitbahay. Nagsimula ang programang “
Kilos Para sa Bayan”.
Naglalayon ito na magbuklod ang mga tao sa
barangay na magkaisa upang masugpo ang
mga problema sa basura.Sa pangunguna ni
mang Delfin sila ay nag recycle,reuse at
reduce.Di nagtagal, naging malinis na ang
barangay mapayapa.
Sagutin ang mga tanong:
 Ano ang suliranin ng barangay Mapayapa?
 Ano kaya ang paligid ng barangay na ito?
 Ano ang ginawa ni Mang Delfin upang
malutas ang suliraning ito?
Sagutin ang mga tanong:

 Ano ano kaya ang ginawa nila?


 Ano kaya ang reuse, recycle at reduce?
 Ano ang magandang ipinakita ng mga tao?
Ang suliranin sa basura ng isang komunidad
ay maaring malutas kung gagawin ang recycle,
reuse at reduce.
Recycle/ reuse - ang basurang maari pang
pakinabangan ay huwag itapon, sa halip gawin
itong isang kapaki pakinabang na bagay.
Hal. Gulong- maaring pagtaniman
Reduce- mabawasan ang pagtatapon ng basura.
Ang mga nabubulok na basura ay maaring
ibaon sa lupa upang maging pataba.
Ang mga papel ay maaring ipunin upang
ipagbili.
MAGTULUNGAN TAYO
Lagyan ng tsek ang kahon kung ano ang maaring
gawin sa mga sumusunod na patapong bagay.
Tingnan ang mga larawan.Bilugan ang mga
larawang nagpapakita ng recycle at ikahon
kung hindi.
Bakit mahalagang masolusyonan ang
problema sa patuloy na pagdami ng basura?
Ipaliwanag.
Ano ang maaari nating gawin upang
maiwasan ang pagdami ng basura?
Tandaan
May mga gawaing makatutulong upang
malutas ang suliranin sa basura sa komunidad
katulad ng recycle, reduce, reuse.
Mahalaga rin ang pakikiisa ng mga tao upang
malutas ang suliranin sa basura.
Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat sa
papel ang titik ng wastong sagot.
1.Alin ang nagpapakita ng pagtutulungan?
A.Sama sama sa paggawa.
B. Kanya kanya sa gawain.
C.Nagtatalo sa kung paano gagawin ang isang
bagay.
2.Ang suliranin ay madaling malulutas kung
sama sama.
A. ewan B. OO C. Hindi
3. Anong solusyon ang maaaring gawin upang
mabawasan ang patuloy na pagdami ng mga
basura sa kapaligiran?
A. Magsunog ng basura
B. Isagawa ang reduce,reuse,recycle
C. Itapon sa dagat ang mga basura
4. Ang bawat komunidad ay nakararanas ng ibat-
ibang uri ng suliranin maging ito man ay malaki o
maliit. At upang ito’y mabigyan ng solusyon ang
mga tao o mamamayan ng komunidad ay dapat na
_____.
A. Walang pakialaman sa isat-isa
B. Nagtutulungan
C. Nag-aawayan
5.Ipinatutupad sa inyong barangay ang wastong
pagrerecycle ng basura. Bilang isang mamamayan
ano ang gagawin mo?
A. Susunod sa ipinatutupad ng barangay
B. Hindi papansinin ang ipinatutupad ng barangay.
C. Walang pakialam.
Karagdagang Gawain

Humanap ng bagay na patapon na ngunit maari


pang irecycle sa inyong tahanan at irecycle ito.
Halimbawa:lata o bote na maaaring gawing
pencil holder.

You might also like