You are on page 1of 21

Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti

ng Ating Pamayanan

Ang Layunin:
1. Maisagawa ang mga hakbang na makatutulong sa pagbuo ng
isang desisyon sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng
bawat tao sa
isang pamayanan
Pagganyak
Ano ang tawag sa grupo ng mga taong nandito?
Pagganyak
Ngayon, tingnan mo naman ang pangalawang larawan na
nasa ibaba. Ano-ano ang nakikita mo dito? Sino-sino kaya
ang nakatira sa bawat tahanan? Sa palagay mo,
magakakaroon kaya ng isang barangay kung walang
pamilya?
Pagtalakay:
Ako, Ikaw, Tayo Isang Komunidad
Himig: Roll Over the Ocean
Ako, ako, ako’y isang komunidad (3x)
Ako’y isang komunidad. La la la
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat.
(Ulitin ang awit. Palitan ang ako ng ikaw.... at tayo)
Pagtatalakay
Sagutin:
• Ano ang isinasaad ng
awitin?
• Sino-sino ang bumubuo
sa isang pamayanan?
• Mahalaga ba ang
bawat isa sa isang pama-
yanan?
Pagtalakay:
 Suriin ang mga larawan ng pagpupulong sa barangay at pag-
aralan.
Pagtalakay:
Sagutin:
1. Sa palagay mo, sino kaya ang nagpatawag ng pagpupulong?
2. Bakit kaya siya nagpatawag ng pagpupulong?
3. Ano ang nararapat mong gawin kung ikaw ay dadalo sa
pagpupulong? Bakit?
4. Ano sa tingin mo ang layunin ng pagpupulong?
Pagtatalakay
 May pagpupulong sa barangay na dinaluhan ng mga
mamamayan. Ang pagpupulong ay tungkol sa kung paano
maiiwasan ang sakit na dengue.
Napagkaisahan na ang lahat ay maglilinis ng kani- kanilang
bakuran, lalong-lalo na ang mga kanal, alulod ng bahay at sa
mga lugar na posibleng pamahayan ng lamok.
 Bilang mag-aaral at kasapi ng pamayanan, ano ang iyong
magiging kontribusyon sa panukala ng iyong barangay?
Pagtatalakay
 Laging tandaan sa lahat ng gagawing pasya isaalang-alang ang
magiging bunga o resulta nito at isipin lagi na ito ay
makabubuti sa lahat. Ang pagsang-ayon sa pasya ng
nakararami ay nagpapakita ng pakikiisa at pakikipagtulungan
sa layunin ng grupo o pangkat. Kung nakikita mo naman na
magiging maganda at maayos ang
resulta at bunga ng pasya ng nakararami mahalagang ibigay mo
na rin ang iyong
pagsang-ayon at kung alam mo namang para ito sa ikabubuti
ng lahat.
Paglalapat
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Dumalo si Mario sa isang pagpupulong sa kanilang barangay.
Napansin niyang ang kanyang mga katabi ay maingay at hindi
nakikinig. Kung ikaw si
Mario, ano ang iyong gagawin?
a. Sigawan sila
b. Pagsabihan silang tumahimik at makinig
c. Paalisin sila
d. Huwag silang pansinin
Paglalapat
2. Nagkaroon ng panukala ang iyong barangay kapitan na
magkaroon ng “clean- up drive” sa darating na linggo. Ano ang
iyong magiging pasya?
a. Ipagwalang-bahala ito
b. Pagtawanan ang panukala
c. Sumang-ayon pero hindi makilahok
d. Makilahok at makiisa
Paglalapat
3. Pinagpasyahan ng inyong barangay na magkakaroon ng
“curfew hour” sa
inyong lugar. Bilang isang mamamayan susunod ka ba?
a. Oo, dahil ito ay tama at nararapat.
b. Oo, dahil ito ang gusto nila.
c. Hindi, dahil gusto kong gumala.
d. Hindi, dahil sila lang ang may gusto.
Paglalapat
4. Napansin mong hindi binibigyan ng halaga ng tagapulong ang
opinyon o ideya ng iyong kapitbahay, ano ang magiging aksyon
mo?
a. Huwag kumibo at hayaan lang siya.
b. Biglang tumayo at sabihan ang tagapulong.
c. Tawagin ang pansin ng tagapulong na pakinggan ang
opinyon ng kapitbahay.
d. Pagtawanan ang kapitbahay dahil hindi pinansin ng
tagapulong
Paglalapat
5. May ibinigay na imbitasyon ang barangay para sa iyong mga
magulang na nag-aanyaya na dumalo sa isang drug symposium.
Ano ang gagawin mo?
a. Itago ang liham
b. Ibigay ito sa mga magulang
c. Punitin ang liham
d. Itapon ito sa basurahan
Paglalahat
 Laging tandaan:Sa lahat ng gagawing pasya isaalang-alang
ang magiging bunga o resulta nito at isipin lagi na ito ay
makabubuti sa lahat. Ang pagsang-ayon sa pasya ng
nakararami ay nagpapakita ng pakikiisa at
pakikipagtulungan sa layunin ng grupo o pangkat.
Pagtataya
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. May ordinansang ipinagbabawal ang paggala ng mga alagang
hayop ngunit ang iyong alagang kambing ay nakawala nang
hindi sinasadya. Ano ang iyong gagawin?
a. Ipaalam sa kinauukulan upang ito ay maibalik.
b. Hayaang gumala ang iyong alagang kambing.
c. Habulin at saktan ang alaga.
d. Tingnan lang habang nakawala.
Pagtataya
2. May ibinigay na ayuda ang barangay sa mga tao. Ang ilan sa
iyong nasasakupan ay hindi nakatanggap. Bilang presidente ng
iyong purok, ano ang nararapat mong gawin?
a. Hayaan lamang ang mga hindi nabigyan ng ayuda.
b. Paasahin sa wala ang iyong mga nasasakupan.
c. Pumunta sa barangay kapitan at sabihin ang suliranin.
d. Ipagsawalang bahala ito.
Pagtataya
3. Tuwing malakas ang ulan nakakaranas ng baha ang inyong
lugar. Bilang isang mag-aaral, ano ang maiaambag mo upang
maiwasan ang pagbaha?
a. Linisin ang inyong paligid sa pamamagitan ng pagtapon ng
mga basura sa tamang lugar.
b. Hayaan ang problema sa mga kinauukulan.
c. Itapon ang mga basura kahit saan.
d. Ipagsawalang bahala at huwag makialam.
Pagtataya
4. Sa inyong barangay mayroon internet café na malapit sa
inyong paaralan. May ordinansa ang barangay na hindi pwedeng
mag-internet ang mga bata sa oras ng klase. Ngunit ipinagwalang
bahala ito ng may-ari. Bilang isang magulang ano ang dapat
mong gawin?
a. Pabayaan mo lang at huwag makialam.
b. Ipagbigay alam sa barangay upang ito ay maaksyonan.
c. Ipost sa social media ang naturang internet café.
d. Pagalitan ang may-ari ng internet café.
Pagtataya
5. May pagpupulong sa barangay nila Josie tungkol sa bagong
ordinansa na ipapatupad sa araw ng Linggo ngunit hindi ito alam
ng kanyang mga
kapitbahay. Kung ikaw si Josie, ano ang gagawin mo?
a. Hayaan lamang na wala silang alam.
b. Sabihan sila pero sasabihing sa Lunes ang pagpupulong.
c. Magkibit balikat na walang alam.
d. Pagsasabihan sila na may pagpupulong sa Barangay sa
araw ng Linggo.
Takdang-Aralin
Basahin at sagutin. (10 puntos)
1. Bakit mahalaga ang tamang pagpapasiya sa pamilya at sa
komunidad?

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

You might also like