You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-MIMAROPA
DIVISION OF PALAWAN
Puerto Princesa City

Unang Lagumang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pag-uugali-VI

Panuto: Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot.


1.Sa iyong sariling pang-unawa, alin ang naglalarawan ng pampublikong pook?
a. Maituturing na sariling tahanan
b. Maraming tao ang pumapasyal
c. Pampamilya lamang ang serbisyo nito
d. Walang nakalaang upuan o palaruan
2. Bilang Pilipino, paano inaalagaan ang mga pook pampubliko?
a. Mga halal na opisyal ang nagbabantay
b.Mga mayayamang pamilya ang nagbibigay donasyon
c. Lahat ng mamamayan ang tumutulong sa pagpapaganda
d. Interesadong mamamayan ang nakikilahok
3. Si Ana ay sumasakay ng dyip,ano ang dapat gawin kapag nasa pampublikong
sasakyan?
a. Buksan ng mabuti ang bintana
b. Iwasan ang magkalat sa sahig
C. Dikitan ng chewing gum ang ilalim ng upuan
d. Sulatan ang sandalan ng upuan
4. Kapag nasa pampublikong sasakyan, alin ang dapat iwasan?
a. Pag-upo sa tabi ng drayber C. Pagsara ng bintana
b. Pagsulat sa sandalan ng upuan D. Pagbasa ng dyaryo
5. Nagtatanong ng kahulugan ng paskil na Post No Bill ang iyong kapatid, ano ang
sasabihin mo?
a. Bawal magpatuka sa ibon C. Pagsara ng bintana
b. Bawal maglagay ng poster sa pader D. Pagbasa ng dyaryo
6. Kung naiihi sa pampublikong lugar, ano ang dapat mong gawin?
a. Pipigilan ang pag-ihi C. Iihi sa likod ng gusali
b. Hahanapin ang palikura D. Magmadaling umuwi ng bahay
7. Si Clara ay naiihi na, saan siya maaring umihi sa pampublikong lugar?
a. sa damuhan C. sa palikuran
b. sa likod ng gusali d. sa puno ng akasya
8. Samga sumusunod na pahayag, alin ang makatotohanan?
a. Umihi si Mike sa hardin ng plasa.
b. Ang dura ay may dalang mikrobyo na nagdudulot ng sakit.
c. Maaaring dumura sa lupang bahagi ng paaralan.
d. Ang pagdura ay nakakabawas ng timbang.
9. Kasama mo ang iyong mga kapatid sa Zoo,ano ang ipinagbabawal nilang gawin?
a .Ang magkalat ng basura c. Ang pag-ukit sa puno
b.Ang umingay sa Zoo d. Ang magpakain sa mga hayop
10. Pagkatapos uminom ng mango shake sa parke, sino sa iyong mga kaibigan ang
sasabihin mo ng papuri?
a. Inilagay ni Hiede ang disposable glass sa basurahan.
b.Itinago sa ilalim ng bulaklak ang disposable glass.
c. Ibinalik ang disposable glass sa tindera.
d. Itinapon ni Wanda ang disposable glass sa basurahan.

VALUES GRADE 6 FIRST GRADING[Type text] Page 1


11. Sa pagpapanatili ng malusog na katawan, gaano kadalas kang nag-eehersisyo?
a. Basta’t mahina ang pakiramdam ko, ako ay nag-eehersisyo.
b. May regular akong iskedyul ng pag-eehersisyo araw-araw.
c. Sinisikap kong mag-ehersisyo ng madalas.
d. Mag-eensayo ng basketbol tuwing umaga.
12. Sa sumusunod na pahayag, sino ang gumagawa nang wasto?
a. Kaagad naligo si Rose pagkatapos magbalibol.
b. Hindi naligo si Cecil sa maghapon pagkatapos magdyaging sa parke.
c. Pagkatapos tumakbo ni Rico, nagpahinga muna bago naligo.
d. Hindi umiinom ng tubig si Carlo habang nag-eehersisyo.
13. Sa pag-eehersisyo ng katawan, aling laro ang mainam gawin?
a. Pamamasyal sa parke c. Dyaging sa umaga
b. Pagtulog sa hapon d. Magsulat maghapon
14. Sa pag-eehersisyong pisikal, ano ang dapat tandaan?
a. Bawal uminom ng tubig habang nag-eehersisyo.
b. Kahit pagod na ay dapat pa ring ituloy ang ehersisyo.
c. Magwarm-up at mag-warm down ng nag tig-limang minuto.
d. Paglalampaso ng sahig araw-araw.
15. Kung kayo ay nagpipiknik, ano ang ginagawa sa tirang pagkain?
a. Ilagay sa supot at ipakain sa hayop
b. Iniipon lamang sa tabi
c. Iniiwan para sa mga hayop
d. Itapon sa basurahan
16. Ang mga batang iskawt ay magkakamping, ano ang dapat gawin pagkatapos
magkamping?
a. Gumising nang maaga upang di maiwanan
b. Iwanan lamang ang mga kalat
c. Patayin ang apoy sa campfire
d. Mangangaso sa gubat
17.Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang di-makatotohanan?
a. Ingatan ang makapag-iwan ng apoy sa gubat.
b. Ang upos ng sigarilyo ay maaring pagsimulan ng malaking sunog.
c. Itapon ang palito ng posporong mayroon pang sindi sa basurahan.
d. Ang pagkakaingin ay maling paggamit ng apoy.
18. Si Mang Tony ay nangangaso, alin ang ipinagbabawal gawin?
a. Ang pangangaso sa lugar na walang tao.
b. Ang pangangaso sa mga reforested area.
c. Ang pangangaso sa mga natatanging buwan.
d. Ang pangangaso sa mapanganib na gubat.
19. Ang Korales ay mahalaga, bakit iniiwasan ang pagkuha nito?
a. Magandang pang-akit sa mga turista
b. Ipagbili ng mahal sa turista
c. Nagsis pilbingamugaran ng isda
d. Palamuti sa karagatan
20. Sa mga sumusunod na mensahe, alin ang kanais-nais?
a. Kumuha ng mga korales at gawing dekorasyon.
b. Sumama sa mga Moro-Ami at ibenta ang mga korales.
c. Sumisid sa dagat at apakan ang mga korales.
d. Nararapat ingatan ang mga korales sa karagatan.
21. Nakahukay ng itlog ng pawikan si Nilo, ano ang dapat niyang gawin?
a. Ipagbili ng mahal sa palengke C. Ibaon muli sa buhangin
b. Pisain ang itlog d. Iuwi sa bahay at ilaga
VALUES GRADE 6 FIRST GRADING[Type text] Page 2
22. Sa pangingisda, alin ang may malaking dulot na pinsala?
a. Paggamit ng buslo c. Paggamit ng malaking butas na lambat
b. Paggamit ng dinamita d. Paggamit ng sibat
23. Nanghuli ng ibon ang iyong mga kaibigan, ano ang gagawin mo?
a. Makikisali ako sa kanila
b. Ipaliliwanag kong mali ang ginagawa nila
c. Iiwasan ko sila
d. Tulungang ibenta ang mga nahuling ibon
24. Kung kailangang pumutol ng punongkahoy, alin ang dapat piliin?
a. Ang batang punong kahoy c. ang matandang punong kahoy
b. Ang natumbang puno d. ang mga seedlings
25. Kung labis ang pagmimina, ano ang maaring kahihinatnan?
a. Babaha sa kapatagan c. hihina ang kita sa pagsasaka
b. Guguho ang kabundukan d. masusunog ang kagubatan
26. Kung may ibebenta sa iyo na “talking myna” na isang endangered
specie,bibilhin mo ba ito kung may pera ka?
a.Oo, dahil bibihira ang mga taong may alaga nito.
b. Depende kung papaya ang mga magulang ko.
c. Hindi, dahil bawal magbenta ang bumili nito.
d. Siguro, dahil mainam mag-alaga nito.
27. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kagubatan ang_______maliban sa …
a. Deforestation c. Reforestation
b. Crop rotation d. Kaingin system
28. Upang di makasira sa kapaligiran, ano ang dapat gawin sa mga basurang
plastic?
a. I-recycle b. Ibaon sa Lupa c. Itapon sa ilog d. Sunugin
29. Kung gagamit ng pamatay-kulisap para sa mga halaman alin ang mas mainam
piliin?
a. Produktong mura ang presyo.
b. Produktong may natural na sangkap.
c. Produktong puro synthetic ang sangkap.
d. Produktong walang natural na sangkap.
30. Ano ang masasabi mo sa Clean and Green Program?
a. Isa na naming pakulo ng ating mga pulitiko.
b. Makipagtulungan tayo sa programang ito.
c. Makilahok kung sasama ang mga barkada.
d. Wala tayong makukuhang pakinabang
31. Maraming gawain ang nanay mo sa seminar tungkol sa Wastong Nutrisyon,
ano ang sasabihin mo?
a. Ako na po ang dadalo sa seminar.
b. Bahala po kayo kung pupunta o hindi.
c. Gagawin ko po ang ibang gawain ninyo upang kayo ay makapunta sa seminar.
d. Sumama sa nanay na dumalo ng seminar.
32. Nangangailangan ng tulong ang guro sa paggawa ng mga poster tungkol
sapaksang “ No To Dope”, paano ka makakatulong?
a. Hindi ako tutulong dahil marami akong gagawin.
b. Tutulong ako dahil hindi naman ako drug user.
c. Tutulong ako kung sapilitan.
d.Tutulong ng kusa dahil malala ang problema ng drug abuse.

VALUES GRADE 6 FIRST GRADING[Type text] Page 3


33. Bilang kabataan, ano ang magagawa mo hinggil sa kampanya laban sa droga?
a. Makipag-ugnayan sa mga nagbebenta ng droga.
b. Kumalap ng reward money sa paghuli ng drug addict.
c. Makinig sa seminar tungkol sa bawal na gamot.
d. Balewalain ang mga nangyayari.
34. Sa pangangalaga ng mga “abused children’, aling ahensya ng pamahalaan ang
maaring maka-ugnayan?
a. Department of Education
b. Department of Health
c. Department of Social Welfare and Development
d. Department of Tradeand Industry
35. Humihingi ng tulong ang isa mong kaibigan na biktima ng Sexual Abuse. ano
ang maaari mong gawin?
a. Magsumbong sa kinauukulan
b. Ipagdarasal ko na lamang siya
c. Sasabihan kong kalimutan na niya ang nangyari
d.Lumahok sa Livelihood Program
36. Dahil sa maruming tubig laganap ang diarrhea at cholera, ano ang
imumungkahi mo sa iyong mga kasambahay?
a. Mag-imbak ng tubig c. Pahanginan ang tubig
b. Mineral water ang bilhin d. Pakuluin ang inuming tubig
37. Kung nadiskubre mong ang isang bagay na binili ay may depekto, ano ang
gagawin mo?
a. Di ko na lang papansinin c. hindi na bibiling muli
b. Ibigay ko sa kapitbahay d. magreklamo sa bihilhang tindahan
38. Nagreklamo ang mga magulang tungkol sa kamahalan ng masustansiyang
pagkain. ano ang maipapayo mo?
a. Kumain ng dalawang beses sa isang araw
b. Maglugaw na lang araw-araw
c. Mag-order ng pagkain sa restawran
d. Magtanim ng gulay sa bakuran
39. Gumagamit ng pamatay-peste si Itay, saan dapat niya itago ito?
a. Sa kabinet sa kusina c. Sa kabinet ng panlinis bahay
b. Sa kabinet ng gamot d. Sa taas ng puno
40.Upang di-malulong sa masamang bisyo ang mga kabataang tulad mo, ano ang
maari ninyong gawin?
a.Magkaroon ng regular na palaro sa barangay
b. Mag-istambay sa grocery store
c.Mag-party tuwing Sabado o Linggo
d. Magnood ng telebisyon sa bahay
41. Ibibili ka ng bagong sapatos sa Sabado ngunit may tree planting kayo sa
paaralan, ano ang gagawin mo?
a. Liliban sa tree planting
b. Saka na bibili at makikilahok sa tree planting
c. Maiiwan na lang sa bahay
d. Sasama sa kaibigang mamamasyal
42. Sa Araw ng Nutrisyon ng inyong paaralan naatasan kang manguna sa
Programa, paano mo ito gagampanan?
a. Liliban sa eskwela C. Alamin ang mga dadalo
b. Pipiliting makadalo D. Mangunguna sa programa

VALUES GRADE 6 FIRST GRADING[Type text] Page 4


43. Pinagbintangan ni Yeye ang kanyang katabi sa pagkawala ng kanyang bagong
pencil box, ano ang unang hakbang na dapat niyang gawin?
a. Nagtanong muna siya C. Nagmatyag muna siya
b. Naghanap muna siya D. Umiyak nalang siya
44. Bago gumawa ng pasya, ano ang mainam na alamin ni Rico?
a. Alalahanin ang sasabihin ng iba c. Iwasan ang malalim na pag-aaral
b. Suriin nang mabuti ang sitwasyon d. Humingi ng tulong
45. Napansin ninyong hindi sumasali sa laro si Marco dahil nahihiya, ano ang
gagawin ninyo?
a. Hahayaan siyang manood C. Pabayaan siyang nag-iisa
b. Hindi ko bibigyang pansin D. Yayain siyang sumali sa laro
46. Malayo ang inuuwian ni Romel kaya’t kahit hindi pa tapos ang inyong pangkat
sa paggawa, siya ay nakiusap na umuwi nang maaga. Ano ang dapat gawin ng
ibang kasapi?
a. Itiwalag si Romel sa pangkat dahil di marunong makisama.
b. Pauwiin si Romel, bagamat masama ang inyong loob.
c. Intindihin si Romel at imungkahing tapusin ang takda sa bahay.
d. Huwag pansinin ang pag-uwi ni Romel.
47. Kulang ang aklat sa inyong paaralan, alin ang mabuting solusyon?
a. Ang bawat mag-aaral ay bumili ng sariling aklat.
b. Magbahaginan sa paggamit ng aklat.
c. Panatilihing bukas ang aklatan kahit gabi.
d. Huwag nang ibalik ang hiniram na aklat.
48. Naiingayan kayong mag-anak sa bagong kapitbahay. Ano ang maaaring gawin?
a.Magsara ng bintana upang maiwasan ang ingay.
b. Isumbong ang kapitbahay sa barangay captain.
c. Kaibiganin ang kapitbahay at pakiusapang bawasan ang kanilang ingay.
d. Palakasin ang stereo kapag magpatugtog.
49.Nakikiusap sa Rey na siya ay pasingitin mo sa pila sa pagsakay ng dyip. ano
Ang gagawin mo?
a.Magtatanong sa taong nasa likod kung pasisingitin siya.
b. Tatanggi ako dahil naiinis ako sa kanyang kakulitan.
c.Tatanggi ako dahil marami ang nauna sa pila.
d. Pumila siya para patas.
50. Lider ka sa pangkat na mag-uulat,paano mo ibabahagi sa iyong mga kasapi
ang mga gagawin.
a. Ako lang ang mag-uulat dahil lider ako.
b.Bawat isa ay bibigyan ng pagkakataong makapag-ulat.
c. Magagaling lamang ang mag-uulat.
d.Pipili ako ng isang mag-uulat.

VALUES GRADE 6 FIRST GRADING[Type text] Page 5


Unang lagumang Pagsusulit sa EP-VI

Susi sa Pagwawasto

1. B 31. C
2. C 32. D
3. B 33. B
4. B 34. C
5. B 35. A
6. B 36. D
7. C 37. D
8. B 38. D
9. D 39. C
10. D 40. A
11. B 41. B
12. C 42. D
13. C 43. B
14. C 44. C
15. A 45. D
16. C 46. C
17. C 47. B
18. B 48. C
19. C 49. A
20. D 50.B
21. C
22. B
23. B
24. C
25. B
26. C
27. D
28. A
29. B
30. B

VALUES GRADE 6 FIRST GRADING[Type text] Page 6

You might also like