You are on page 1of 23

Magtutulungan Para sa

Kalinisan ng Ating
Pamayanan
BALIK-
ARAL
Anu – ano ang dapat gawin upang
mapanatili ang kalinisan
at kaayusan ng tahanan?
Anu – ano ang mga dahilan kung bakit
nagiging magulo at marumi ang tahanan?
PAGGANYA
K
Masdan ang larawan.
PAGLALAHA
D
Basahin ng may damdamin ang tula.

Kalinisan sa Aming Pamayanan


Kalinisan sa Aming Pamayanan
Dito sa aming masayang pamayanan,
Binibigyang-diin itong kalinisan.
Pagtapon ng basura kung saan-saan,
Hindi nararapat kaya dapat ‘di tularan.
Mga tao ay nagtutulungan,
Sa linis at ayos ng pamayanan.
Dulot nito’y ganda sa ating kalusugan,
Siguradong sakit ay maiiwasan.
Ang mga basura’y pinaghihiwalay,
Bulok at di-bulok tama ang pagkakalagay.
Ito’y disiplina na siya naming taglay,
Mithiin sa kalinisan ay siyang laging pakay.
TANONG:
• Saan dapat nakalagay ang mga
nabubulok at di- nabubulok na basura?
• Bakit kailangang magtulungan ang mga
tao para sa kalinisan?
• Ano ang naidudulot ng kalinisan sa
buhay ng mamamayan?
Ang paghihiwalay ng mga nabubulok at
hindi nabubulok na basura at ang tamang
paraan ng
pagtatapon nito ay palagian nating
ipinaaalala sa ating mga kabarangay. Ang
waste management o tamang
pamamahala ng mga basura ay dapat
isagawa ng bawat mamamayang tulad mo
na may malasakit sa ating kapaligiran.
PAGLINAN
G
Isulat ang Dapat kung ang pangungusap
ay nagpapahayag ng kalinisan at
pagiging ligtas na kapaligiran at Di –
Dapat naman kung hindi
________1. Ihiwalay ang nabubulok at di –
nabubulok na basura upang hindi mahirapan ang
mga nangongolekta ng basura.
________2. Bilang isang bata, ako ay tutulong sa
mga gawaing bahay at sa paglilinis ng paligid.
________3. Hahayaan kong magkalat ng plastic
at straw ang mga kaibigan ko.
________4. Makikiisa at tutulong ako sa
paglilinis ng bakuran at estero upang
maiwasan ang pagbara sa kanal.
________5. Sa panahon ngayon, kailangang
lahat ng tao ay may pakialam lalong – lalo na
sa kalinisan.
PAGLALAPA
T
Masdang mabuti ang mga larawan. Lagyan /
(tsek) kung ang larawan ay nagpapakita ng
paglilinis at pakikiisa sa gawaing
pangkapaligiran at x (ekis) kung hindi.
PAGLALAHA
T

Paano mapapanatiling malinis at ligtas ang


kapaligiran?
PAGTATAY
A
Basahin ang mga pangungusap. Iguhit ang
(masayang mukha) kung ito ay
nagpapanatili ng malinis at
pakikiisa sa mga gawaing pangkapaligiran at
(malungkot na
mukha) naman kung hindi.
_____1.Nagtatapon ako ng basura sa wastong
lalagyan/ basurahan.
_____2.Ginagamit kong muli ang mga
basurang mapakikinabangan pa.
_____3.Nasanay na akong pagsamahin ang
nabubulok at di-nabubulok na basura.
_____4.Susunod ako sa babala na itapon ang
basura sa inilaang tapunan.
_____5. Itatapon ko ang basura sa ilog, kanal
at estero.
Karagdagang
Gawain
Iguhit ang bituin sa patlang kung ang
pangungusap ay nagpapanatili sa kalinisan
at kaayusan ng ating kapaligiran at buwan
naman kung hindi.
_______1. Masaya ako na naging bahagi sa
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan.
_______2. Ipapaubaya ko na lang sa aking
mga kapatid ang paglilinis sa aming paligid
dahil bata pa ako.
_______3. Ibinukod ni ate ang pagtatapon sa
basurang nabubulok
at di-nabubulok.

You might also like