You are on page 1of 1

REYNER G. SOBERANO.

Kasalukuyang
tinatapos ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng La Salette sa kursong Bachelor
of Physical Education. Iskolar ng kanilang
paaralan sa akademiko at ng ating Lungsod ng
Santiago. Isang huwarang estudyante na
kasalukuyan din na nag bibigay ng kanyang
serbisyo sa gobyerno bilang isang Ingat-yaman
ng Barangay. Kabilang siya sa iba’t-ibang
matataas na organisasyon sa kanyang
paaralan at sa lungsod ng Santiago. Isa siyang
Chairperson ng Salettinian Dance Troupe,
opisyal na grupo ng mananayaw sa kanilang paaralan. Siya rin ay kabilang sa
pangkat mananayaw ng Santiago City Balamban Cultural Dance Troupe bilang
Assistant Artistic Director at miyemro din ng mga mananayaw ng National
Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Philippine Folk Dance Society
(PFDS).
Siya ay nakapagtanghal na sa iba’t-ibang panig ng ating bansa kasama na dito
ang Cultural Center of the Philippines (CCP), National Dance Exchange sa
Manila, Sayaw Pinoy ng Luneta, Sining Pangkabuhayan ng Albay, at Tourism
Travel Expo ng SMX Convention Center. Ang kaniyang mga karanasan ang
nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang maisakatuparan niya ang kanyang
mga pangarap sa buhay. Ang pag sasayaw ang nagsilbi niyang lakas upang
ipagpatuloy ang kaniyang masayang buhay.

You might also like