You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna
College of Arts and Sciences

FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina


ACTIVITY 1
Name: Ma. Michaella Gwyneth D. Gellido Date:
Program/Year/Section: BS Psychology 1C Instructor: Roldan Nacinopa

Ipaliwanag ang bisyon at misyon at kung paano ito makakatulong sa paghubog ng iyong
karera sa hinaharap.

Bisyon

Ang Laguna State Polytechnic University ay sentro ng mga pagbabagong-likhang Teknolohikal na


nagtataguyod ng pagaaral sa iba’;t ibang larangan ng pagkatuto, pagpapanatili sa paggamit ng
mga mapagkukunang-yaman, nakikiisa at nakikipag-ugnayan sa pamayanan at iba pang
nasasakupan nito.

Ang bisyon ng LSPU ay lubos na nakatutulong sa paghubog ng aking karera sa buhay, dahil ito ay sentro
ng mga makabagong pagbabago sa larangan ng likhang teknolihikal na siyang nakatutulong at
humuhubog sa pagpapalawak ng aming mga ideya at kaalaman. At sa pamamagitan ng paghubog na ito
sa amin, kami ay naihahanda para sa mga nais naming trabaho sa hinaharap. Ang pagpapanatili sa
paggamit ng mga mapagkukunang yaman ay lubos din makatutulong sa amin, dahil hangga’t mayroong
mga mapagkukuhaang yaman-kaalaman ay patuloy na yayabong ang aming mga kaalaman.

Misyon
Ang LSPU, na iginigiya ng isang progresibong pamumuno, ay nangungunang institusyon na
nagbibigay ng teknolohiya pang agrikultura, pangingisda at iba pang kaugnay at umuusbong na
larangan na makabuluhang nagbabahagi sa pagdalo at pag unlad ng rehiyon at bansa.

Ang misyon ng LSPU ay lubos na nakatutulong sa paghubog ng aking karera sa buhay, dahil sa
probresibong pamumuno nito ay kaisa ang paaralan na ito sa nangunguna na institusyon na nagbibgay
sapat na kaalaman pang agrikultura, pangingisda at iba pang kaugnay. At dahil isa nga ito sa
nangungunang institusyon tiyak na nakapagbibigay ang bawat isang guro sa paaralang LSPU ng payak
at maaasahang mga kaalamansa aming mga studyante na siyang makatutulong sa amin upang
mapayaman ang aming mga kaalaman sa kursong amjing tinatahak, at ng sa gayon ay mapag
tagumpayan naming ang mga nais naming mithiin sa hinaharap. At amin dadalhin ang mga kaalaman na
ibinibigay samin sa aming kaniya-kaniyang buhay na mag sisilbing aral sa amin at magagamit ito sa aming
mga propesyon.

You might also like