You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

FIL205– Pagpaplanong pangwika sa Pilipinas

Paksa: “Papel ng Wikang Filipino sa Pilipinas"


Gawain Blg. 1

Tunay na malaki ang ginagampanan ng papel ng wika at wikain sa kaunlaran ng isang


bansa. Tulad nga ng binanggit ni Dr. Constantino sa kanyang video na ang wika ang nagsisilbing
instrumento sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bawat mamamayan. Patunay rin dito ang
sinabi ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936,
sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at
isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat”. Ito rin ang
kanilang tulay tungo sa maayos na komunikasyon. Malaki rin ang ginagampanan nito sa iba't-
ibang aspekto na makakatulong sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. Kaya nga sang-ayon ako
sa kanyang sinabing hindi laamng pang-indibidwal ang wika kundi ito ay panlipunan at
Pambansa rin. Gaya na lamang ng kahalagahan ng wika at wikain sa aspektong pang-
ekonomiya,sa ating bansang Pilipinas mayroon tayong pambansang wika, Filipino at mga
katutubong wika na siyang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa iba. Sumasang-ayon ako sa
kanyang sinabing ang wika ang nag-uugnay sa mga tao sa lipunan at nagpapanatili ng kaayusan
sa pamamahala at pagkakaisa ng mga mamamayan.
Naniniwala ako mula sa mga datos na inilahad niya sa kanyang video na dahil sa ang
Pilipinas ay bansang multilinguwal, multi-kultural at multi-etniko kung kaya’t madali tayong
nasakop ng mga makapangyarihang bansa. Ito ay binigyan pa niya ng patunay sa pamamagitan
ng paglalaahd ng iba pang halimbawa gaya ng pananakop sa ilan sa mga bansang nabanggit niya
gaya ng Malaysia, Indonesia. India, Pakistan, Cambodia at marami pang ibang nabanggit na gaya
ng Pilipinas ay mga multilinguwal ring bansa. Kung kaya’t nang makalaya ay agad na nagplano
para sa magiging opisyal an wika. Marahil ang mga bagay na ito ang gumising sa mga nabanggit
na bansa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa pagdating sa wika.
Tulad nga ng nabanggit kanina sa naging talakayan sa ating klase, tunay na napakalaki ng
gampanin ng KWF sa pagpapatupad ng mga Probisyong Pangwika Saligang Batas. Dahil sa

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

tunay na napakalaki ng magagawa ng mga hakbang at mga ipinatutupad na batas upang makamit
ang pambangsang pagkakaisa, pag-uugnayan at pag-unlad ng ating bansa.

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna

You might also like