You are on page 1of 4

Mula po sa Trinity University of Asia at ng opisina para sa

gawaing ekstensyon, Trinitian Community Development


Section, kami po ay nagpapasalamat sa walang sawa ninyong
pagsuporta at pagtulong sa amin sa mga gawaing may kaugnay
sa pagsasaopisyal ng tuwangan ng pamantasan, lokal na
pamahalaan ng Barangay San Rafael, at ng mga mamamayang
bumubuo sa Sitio Sapa.

Maaalala po natin noong taong 2018 na una tayong nagkasama


sa gabay ni Konsehal Edgardo Sison, na siyang nagmungkahi sa
Trinity University of Asia sa Sitio Sapa upang maging katuwang
nito sa gawaing ekstensyon at pagpapaunlad ng pamayanan.
Dito, nagkakilanlan tayo at ang mga kasamahan nating lider sa
komunidad gaya nina Gng. Eliza Magtibay at G. Eduardo
Dellosa.

Nagpatuloy ang ating inisyatiba sa kabila ng pagpalit ng liderato


sa Barangay San Rafael noong 2019. Sa patuloy na pagsuporta
ni Kapitan Eron Paul Alvarez, nitong taon din nang mailunsad
natin ang mga aktibidad na may kinalaman sa paghahanda sa
komunidad (o social preparation) kung saan magkasama nating
inalam ang buhay at kalagayan sa Sitio Sapa sa pamamagitan ng
patuloy na pakikipagtunguan, pakikipamuhay, at pakikiaralan
kasama ang mga lider-residente nito.

Dito, matagumpay nating naisulat at naibahagi ang kuwento ng


Sitio Sapa na magsisilbing inisyal na batayan para sa
isasagawang pampamilyang sensus sa taong 2020, at pagbubuo
ng mga akmang programa serbisyo na makakatulong sa
pagpapaunlad ng komunidad at pag-angat ng kalidad ng buhay
ng mga mamamayang naninirahan dito.

Subalit dahil sa pagpasok ng pandemiyang COVID-19 at


pagdeklara ng Enhanced Community Quarantine sa Metro
Manila at mga karatig na probinsya noong Marso 2020, ang
TCDS ay pansamantalang hininto ang mga gawaing
pangkomunidad, partikular ang pampamilyang sensus sa Sitio
Sapa, alinsunod sa pinapatupad ng pamahalaan upang sugpuin
ang nasabing sakit.

Ngayong unti-unti nang lumuluwag ang sitwasyon sa mga


bayang mababa ang kaso ng COVID-19 at unti-unti na ring
bumabalik ang mga mamamayan sa dati nitong mga
aktibidades, naghanda ng alternatibong sistema upang
ipagpatuloy ang mga gawain sa Sitio Sapa na mahalaga sa
pagsasa-opisyal ng tuwangan ng pamantasan at ng komunidad.

Sa basbas ng lokal na pamahalaan ng Barangay San Rafael at


tulong ng mga lider-residente ng Sitio Sapa, ang TCDS ay
lumikha ng mga gabay para maisagawa ang pagsesensus sa
bawat pamilya (o household profiling) sa nasabing komunidad
sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapakilos sa mga lider-
residente na interesadong lumahok bilang mga katuwang sa
pangangalap ng datos (o mga taga-tala/ enumerator).
Panoorin ang susunod na bidyo para sa pagpapaliwanang ng
mga gabay sa pagsasagawa ng pampamilyang sensus.

You might also like