You are on page 1of 1

History of Malabon

Ang Lungsod ng Malabon ay isa sa mga lungsod at munisipalidad na


bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2010,
tinatayang 353,337 ang populasyon nito. Matatagpuan sa hilaga
ng Maynila, ito ay maituturing na isang pamayanan at industriyal na
lungsod at isa ito sa may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan.
Mayroon itong kabuuang lawak na 15.714 na kilometro kwadrado.
Bahagi ang lungsod ng isang sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na
tinaguriang CAMANAVA. Binubuo ang CAMANAVA ng Lungsod
ng CAloocan, MAlabon, NAvotas, at Lungsod ng VAlenzuela. Napaliligiran
ang Malabon ng Caloocan sa timog at silangan, Navotas sa kanluran, at
Valenzuela sa hilaga. Nasa hilagang-kanluran naman ng hangganan nito
ang Obando, isang bayan ng lalawigan ng Bulacan.

You might also like