You are on page 1of 1

BAGYONG VINTA (2017)

LUNGSOD QUEZON, Disyembre 22 (PIA) – Naglandfall ang Bagyong Vinta sa Cateel, Davao
Oriental. Ito ang kauna-unahang landfall o paghampas sa lupa ng Bagyong Vinta na ngayon ay
isang Severe Tropical Storm. Paalala ng mga awtoridad, dapat ipagpatuloy ng mga residente sa
mga lalawigang mayroong babala ng bagyo ang pagmamatyag laban sa mga pagbaha at
pagguho ng lupa gayundin ang pakikipagtulungan sa kanilang mga lokal na pamahalaan. 
Ang Bagyong Vinta ay may bibit na malakas na hangin at pag-ulap habang naglalakbay sa
kamindanawan. Kalat-kalat hanggang sa malawak na katamtamanan hanggang maulan ang
mararanasan sa kabisayaan at kamindanawan sa loob ng 24 oras. 
Huling namataan ng DOST Pagasa ang mata ng Bagyong Vinta batay sa lahat ng datos kasama
ang Hinatuan Doppler Radar sa layong 85 kilometro timog-silangan ng Hinatuan, Surigao Del
Sur. Taglay ng Bagyong Vinta ang pinakamalakas na hangin na 90 kilometro bawat oras malapit
sa gitna at pagbugso nang hanggang 125 kilometro bawat oras. 
Inasaahang kikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras. 
Mamayang gabi, tinatayang nasa 120 kilometro kanluran ng Dipolog City, Zamboanga Del
Norte. 
Pagsapit ng Sabado ng umaga, tinatayang nasa paligid ng Brookes Point, Palawan. 
Kinalingguhan, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 145 kilometro timog-timog kanularan ng
Pagasa Island, Palawan. (LP/PIA-DRRC)

You might also like