You are on page 1of 2

Ang 

tributo  and tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga español sa mga Pilipino. Ang paniningil
nito ay nagsimula pa noong panahon ng sistemang encomienda. Ang lahat ng Pilipinong lalaki na mula 19
hanggang 60 taong gulang ay may obligasyong magbayad ng 8 reales ng buwis sa bawat taon. At noong
1589, tumaas ito ng 12 na reales. Ang katumbas ng isang real noon ay 121/2 sentimos. Noong 1884 tinanggal
ito ng tributo at pinalitan ng cedula personal. And cedula personal ay hindi nakabatay sa idad kundi sa laki ng
kinikita. 
        Sa katunayan,magkakaiba ang paraan at halaga ng pagbabayad nd buwis sa bawat pueblo at
encomienda. Halimbawa nalang sa Agonoc, Camarines ang katumbas ng 8 reales ay ito ay ganta ng palay
para sa halagang 4 reales, 1 manok sa 1 real, at 3 reales na dapat bayaran ng barya na kung saan 2 reales
dito ay maaaring mapupunta sa prayle. Samantala, sa Lobo at Galban sa Balayan, Batangas, ang
pagbabayadng 8 reales na tributo ay sa pamamagitan ng 60 ganta ng palay para sa halagang 4 reales, 1
manok sa 1 real, at 3 reales na barya kung saan ang 2 reales dito ay mapupunta sa prayle. Magamat maliban
sa tributo, marami pang iba't ibang buwis na ipinataw ang mga español sa mga Pilipino at ang mga ito ay ang
Sanctorum o buwis sa simbahan, Caja De Communidad na buwis naman para sa biglaang pangangailangan
ng komunidad, at Diezmos Prediales o buwis para sa mga sakang lupain.
         Sa kabila ng iba't ibang uri ng buwis na sinisingil kinukulang parin ang koleksiyon sa gastusin ng
pamahalaan dahil sa katiwalian. Bunga naman nito, ang Pilipinas ay dalagiang umaasa sa tulong na
naggagaling sa Mexico na tinatawag na Real Situado.

Ang isa pa sa mga patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ay ang "Polo y Servicios" O sapilitang
paggawa. Sakop nito lahat ng kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang
magtrabaho at maglingkod sa pagawaan ng pamahalaang Espanyol, gaya ng pagpapatayo ng tulay, simbahan
at paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon. "Polista" ang tawag sa mga naglilingkod dito. Sila ay
Nagtratrabaho ng 40 araw sa pamahalaan, ngunit ibinaba ito sa 15 araw noong '1884'. May ilang polistang
isinama ng pamahalang Espanyol sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
Makaliligtas lamang sa polo ang isang Pilipino kung siya ay may kakayahang magbayad ng 'Falla' o multa
bilang kapalit ng kanyang hindi paglilingkod. Ngunit dahil sa kahirapan ay iilan lamang ang nakaiiwas dito. Ang
mga may katungkulan sa pamahalaang gaya ng 'Gobernadorcillo', 'Cabeza De Barangay', at iba pang
miyembro ng 'Principalia' ay ligtas dito.
Maraming Pilipino ang nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pagtratrabaho sa malayong mga lugar.
Napabayaan din nila ang kanilang mga sariling kabuhayan at kadalasan lumalagpas pa sa takdang araw ang
kanilang pagtratrabaho. Dahil sa polo, maraming mga gusali ang napatayo. Sa katunayan ang maraming
lumang simbahan na meron tayo ay naitayo rin ng mga polista. Ngunit kahit na umunlad ang ating bansa ay
marami naman ang nahirapan O mas higit pa ay namatay pa na hindi lang nakita o nadalaw ng kanilang
Pamilya. Huwag magpagawa ng sapilitan dahil wala kang karapatan Sa isang tao na pahirapan ito.

Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang
nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda, marami namang mga mamimili ang nagnanais sa produktong
iyon. Ang produktong tinutukoy ay may kakaibang katangian: (1) walang kagaya sa merkado, (2) isang
pangangailangan, (3) at walang diretsong kapalit. Sa makatuwid, may kontrol ang mga monopolista,
negosyante na nagmamay-ari ng isang monopolyo, sa malaking porsyento ng kalakalan, at maaari nilang
taasan ang presyo ng kanilang binibenta upang makakuha ng mas mataas na kita. Kadalasan,
may patent o copyright ang isang monopolyo upang maprotektahan sila at hindi magaya ng iba ang kanilang
produkto.
Ang Gobernador-Heneral ay ang gobernador na pangkalahatan na may mataas na ranggo, o prinsipal na
gobernador na mas mataas ang ranggo kaysa "ordinaryong" gobernador. Siya ang pinuno ng mga tauhang
nasa ilalim niya o pinuno ng mga gobernador na deputado
Mga tungkulin[baguhin | baguhin ang batayan]
Kabilang sa mga tungkulin ng isang gobernador-heneral ang mga sumusunod:
tagapatupad ng mga dekreto at batas ng hari mula sa Espanya
tagahirang at tagatanggal ng mga opisyal at kawani maliban sa mga hinirang ng mga hari
tagapangasiwa ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan at sa pangongolekta ng buwis
tagapagdeklara ng pakikidigma o pakikipagkasundo sa iba pang bansa sa Silangan.
tagahirang at tagatanggap ng mga embahador mula sa iba't ibang bansa sa Silangan.
tagapamahala ng mga pulo sa Pasipiko na bahagi noon ng Pilipinas.
punong komandante ng hukbong sandataan.

Ang alkalde (Ingles: mayor kapag lalaki, mayoress kapag babae) ay ang punong bayan o ang puno ng


lungsod. Alkaldesa o Mayora ang tawag sa babaeng puno ng bayan o sa asawa ng alkalde. Sa maraming
mga bansa, ang alkalde ay ang pinakamataas na ranggo na opisyal sa isang munisipal na gobyerno tulad
noon ng isang lungsod o isang bayan.

Ang gobernadorcillo ay tumutukoy sa pinuno o gobernador ng mga bayan sa Pilipinas. Sila rin ay nagsisilbi
bilang tagahusga sa mga korte. Ang gobernadorcillo ang siyang umaakto ng mga batas o responsibilidad na
mayroon ang isang lider, lalo sa aspeto ng ekonomiya at sosyal na husgado. Sa mga lugar na napalilibutan ng
tubig, ang mga gobernadorcillo ay nagsisilbi din bilang kapitan ng mga daungan o port

Ang Cabeza de Barangay, kilala rin bilang Teniente del Barrio ay ang pinuno at tagapamahala ng barangay
noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

You might also like