You are on page 1of 1

BAGYONG PABLO (2012)

Sa

hangin na umabot ng 185 kph (kilometer per hour), ang bagyong Pablo (Bopha) na ang
maaaring pinakamalakas na bagyong tumama sa Mindanao sa nakaraang dalawang
dekada, ayon sa PAGASA nitong Martes.
Ikinukonsiderang isa sa pinaka-mapaminsalang bagyo na pumasok sa bansa sa loob ng
nakalipas na 12 taon ang tropical strom na 'Sendong'. Umabot sa 1,257 katao ang nasawi
sa nabanggit na bagyo, at P1.6 bilyong ang pinsala sa agrikultura nang hagupitin nito ang
Mindanao noong Disyembre 2011.

Ang lakas umano ni "Pablo" ay kayang bumunot ng puno at sumira ng mga bahay na
gawa sa mga mahinang materyales.

Nauna nang inihayag ng PAGASA na maaaring magdala ng "heavy to intense" na pag-


ulan si "Pablo" sa Davao Oriental sa lakas ng hangin na 175 kph at bugso na hanggang
210 kph.
Ayon kay NDRRMC head Benito Ramos, namatay ang pinakahuling biktima nang
mabagsakan siya ng puno.
Samantala, namatay naman ang 50-taong-gulang na babae sa bayan ng Manay sa Davao
Oriental nang mabagsakan ng puno ng niyog.

Samantala, wala pa ring kuryente nitong Martes ng hapon sa ilang bahagi ng Davao
Oriental at Surigao del Sur.

You might also like