You are on page 1of 1

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon na dulot ng pagtaas ng mga

greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna baha, bagyo at
tagtuyot, na humahantong sa sakit o kamatayan. Habang tumataas ang temperatura, sumosobra
rin ang init o ulan na nagiging sanhi ng paglakas ng bagyong pumapasok sa bansa.

Dahil sa laki ng pinsala, kabilang naman ang bagyong ‘Frank’ sa mga pinakamatinding
bagyo na tumama sa Pilipinas noong Hunyo 2008. Dahil sa malakas na ulan, tumataas ang lebel
ng tubig at napinsala ang agrikultura, imprastruktura, kabahayan, kalsada at tulay ng bansa.
Mahigit 14 ang nasawi sa bagyo at 21 katao naman ang nawawala. Isa sa mga hindi
malilimutang sakuna sa ating kasaysayan ay ang pagtama naman ng bagyong ‘Ondoy’ sa bansa
noong Setyembre 2009. Tinatayang halos 500 ang namatay, 530 ang nasugatan, at 37 ang
nawala. Lampas tao na baha ang naranasan sa maraming lugar at nagdulot ito ng pinsala sa
kabahayan, kalsada, at kalusugan.
Ang malakas na hangin na dala ng bagyong 'Pepeng' ay nakapinsala sa mga lugar na
tinumbukan nito noong Setyember hanggang Oktubre 2009. Umabot na sa 1, 371 ang nasawi at
87 naman ang nawawala sa nasabing bagyo at maraming palayan at gusali ang nasira nito.
Umakyat naman sa 17 tao ang nasawi, at mahigit 20 ang nasugatan sa pananalansa ng bagyong
‘Juan’ noong Oktubre 2010. Dahil sa malakas na hanging dala nito, umabot sa 63,000
kabahayan, imprastruktura, at mga gusali ng bansa ang nasira.
Direktang sinaktan ang Pilipinas ng bagyong ‘Pedring’ sa malakas nitong dala na hangin
noong Setyembre 2011. Mahigit 95 katao ang nasawi at 30 naman ang nawawala. Nagdulot ito
ng malaking pinsala sa imprastruktura, agrikultura, at mga gusali ng bansa. Sa lakas ng hanging
dala nito, ang bagyong ‘Pablo’ (Bopha) ay ikinukonsiderang isa sa pinaka-mapaminsalang
bagyong tumama sa loob ng bansa noong Disyembre 2011. Umabot sa 1,257 katao ang nasawi.
Sinira nito ang agrikultura at mga bahay ng mga mamamayan sa Mindanao.
Noong Nobyembre 2013, ang nakaranas Pilipinas ng isang malakas na bagyong
tinatawag na ‘Yolanda’ (Haiyan) na may napakalakas na hangin. Ang hagupit nito ay nagtamo
ng pagkasira ng mga ari-arian, imprastraktura, at agrikultura ng mga kababayan nating Bisaya.
Umabot sa 5,670 katao ang nasawi at 1,761 naman ang nawawala sa hagupit ng bagyo. Ang
bagyong ‘Lando’ naman ay isang malakas na hangin na tumama sa Luzon noong Oktubre 2015.
Ito ay nagdulot ng matinding pagkasira ng libu-libong istruktura,dagdag pa nito ang matagal,
malakas na ulan na nagresulta sa malawakang pagbaha. May bilang na 62 katao ang napatay sa
buong bansa at 5 ang nawala.
Nasa 82 katao ang nasawi at 71 ang nawala sa pagpasok ng bagyong ‘Ompong’ noong
Setyembre 2018. Mga ari-arian, gusali at kabahayan ang pinsalang dulot nang daanan ng
Ompong ang iba't ibang lugar sa Luzon dahilan ng malakas na hanging dala ng nasabing bagyo
sa bansa. Panghuli, hindi natin malilimutan ang malakas na hangin at ulan na dala ng bagyong
‘Odette’ noong Disyembre 2021. Tinatayang halos 397 ang bilang ng namatay, at 83 naman ang
nawala. Ang bagyong ito ay nagdulot ng malaking pinsala sa kabahayan, ari-arian, gusali, at
imprastrukture, maging ang agrikultura ng bansa sa iba’t ibang lugar.

Naging matindi ang pinsala ng mga bagyo dahil sa pagpapabayang ating ginagawa sa
lipunan na naidudulot ng paglala ng climate change. Bilang mamamayang nakikinabang sa
kalikasan, magagawa lamang nating maging responsable at mapag-alaga para sa pakapanan ng
ating mundo. Sa paglinis ng ating mga paligiran at iba pa, maiiwasan ang paglala ng climate
change.

You might also like