You are on page 1of 1

Ang Malaking Pinsala ng Bagyong Pedring at Quiel

Nitong nakaraang araw ay naranasan natin ang hagupit ng Bagyong Pedring at Quiel. Madami ang napinsala ng mga bagyong ito tulad na lang ng pagkasira ng mga bahay, imprastraktura, mga taniman at ang higit sa lahat ay ang malawak na pagbaha sa ibat ibang lugar lalo na sa Luzon. Dahil sa mga pinsala na idinulot ng bagyo, nagkaroon na din ng malaking epekto sa ekonomiya ng ating bansa. Nagkaroon ng price freeze sa maraming pamilihan dahil sa pagaabuso ng maraming negosyante sa ating mga mamimili. Tinataasan ng ibang tindera ang presyo ng mga bilihin lalong lalo na sa mga gulay, prutas at pati na rin sa gasolina. Malaking problema din sa mga tao sa Maynila ang mabagal na paghupa ng baha sa maraming lugar dito. At dahil dito ay hindi pa rin maibalik ng Meralco ang kuryente sa malaking bahagi ng Maynila lalong lalo na sa Bulacan. Ang pinakamalaking problema ng mga tao sa Maynila ay ang kakulangan sa pagkain, malinis na tubig at mga damit. Dahil sa kakulangang ito ay nagkakaroon ng mga agawan sa relief goods na binibigay ng mga opisyal sa mga tao. Kumalat na din ang ibat ibang sakit tulad ng leptospirosis, alipunga, ubo, sipon at kung anuano pang mga sakit. Marami na ang nawawalan ng pag-asa na makababangon pa sila sa suliraning ito. Ang dapat lamang nating gawin ay maging matulungin sa kapwa at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pananalig sa Diyos upang hindi tayo mawalan ng pag-asa. Dahil walang imposible sa taong nagtutulungan at may tiwala Diyos.

You might also like