You are on page 1of 1

Ma. Ylizza Niña R.

Llona
II BEED 26

Geography
Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga pisikal na
katangian ng daigdig, ang iba’t ibang lugar sa mundo at
ang relasyon ng tao sa kanyang kapaligiran, ako si Ma.
Ylizza Niña R. Llona at aking ilalarawan ang aming
lugar. Nakatira ako sa lugar na tinatawag na baranggay
Malabog.
Ito ay parte pa ng Probinsya ng Albay, Munisipalidad ng
Daraga ang Malabog ay may iba-ibang purok, at ako ay
simpleng mamamayan na nakatira sa purok 7 ng
baranggay malabog. Ang eksaktong lokasyon ng aming
bahay dito sa aming purok ay 13.1733512 Norte
123.6793050 Silangan ang mga katabing baranggay ng
aming baranggay ay ang Lacag, Busay, Salvacion atbp.
Dito saaming purok ay magkakalapit lamang, kung
kaya't mabilis lang makausap at matawag kapag may
kailangan o kung may kaganapan.
Malapit lang din sa Kalsada or Highway ang baranggay
namin kaya mabilis lang ang pagpunta sa bayan o
pamilihan. Ang aming rehiyon na tinatawag na rehiyon
lima kung saan nakikita ang Bulkang Mayon ito ay sa
probinsya ng Albay. Ang aming purok ay tahimik lang,
sakto lamang ang dami ng bahay hindi masyadong
matao, ang lokasyon ng purok namin ay nasa
kalagitnaan ng taas at hindi naka lebel sa highway.
Masaya kong ibinibahagi sainyo ang eksplanasyon ko
tungkol sa aking rehiyon, baranggay, at purok ngunit
tandaan na ang pagbibigay ng lokasyon sa kung sino
man ay maaring makatulong or ikadala mo ng pahamak
kung kaya't huwag agad magtiwala sa kung sino man.
Yun lamang po Maraming Salamat.

You might also like