Ang Etimolohiya Ay Hango Sa Salitang Griyego Na

You might also like

You are on page 1of 2

Ang etimolohiya ay hango sa salitang Griyego na “etumologia”, na ang ibig sabihin ay “may ibig sabihin o may

kahulugan.” Isang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at ang pagbabago ng kahulugan at anyo nito. Ito ay maaaring
gamitin upang lubos na maunawaan ang diwa ng mga salitang ginagamit ngayon.

Mayroong iba’t ibang uri ng pinagmulan ng salita.


A. Pagsasama ng mga salita
• salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawa o higit pang salita (paglalapi, pag-uulit ng salitang-ugat at
pagtatambal ng mga salita)
Hal. paglalapi - nag-aaral, basahan, binasa
pag-uulit ng salitang ugat - araw-araw, babasa
pagtatambal ng mga salita - silid-aklatan, balat-sibuyas
B. Hiram na salita
• banyaga ang mga salitang ito
• mga salitang galing sa ibang wika at kultura
• ngunit inaangkop ang salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng pananalita
Hal. siomai; suki; pakyaw - hiniram mula sa wikang Tsino
manica-manika; fiesta-pista; cuenta-kwenta - mula sa wikang Espanyol
control-kontrol; meeting-miting; teacher-titser – mula sa Wikang Ingles
C. Morpolohikal na pinagmulan
• nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat
• tumutukoy sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita
• nag-ugat ang salita mula sa ibang salita na nagbago ang anyo
1. Asimilasyon
a. Asimilasyong Parsyal / Di-Ganap
• Tanging ang pagbabago ay sa pinal na tunog ng panlaping pang-, mang-, o sing- ngunit dapat tandaan ang sumusunod
na alituntunin:
* Ang ng sa panlapi ay nagiging n kung ang unang titik ng salitang-ugat ay nagsisimula sa d, l, r, s, t.
Halimbawa: pang- + dasal = pandasal
pang- + lasa = panlasa
mang- + regalo = manregalo
sing- + sarap = sinsarap
pang- + tasa = pantasa
* Magiging m naman ang ng sa mga panlaping nabanggit kung ang unang titik ng salitang-ugat ay nagsisimula sa b at p.
Halimbawa: sing- + bata = simbait
pang- + punas = pampunas
* Habang mananatili itong ng kung ang unang titik ng salitang-ugat ay nagsisimula sa titik o ponema na wala sa mga
naunang nabanggit.
Halimbawa: pang- + apat = pang-apat
sing- + ganda = singganda

b. Asimilasyong Ganap
• Nangyayari ang asimilasyong ito kung matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa kasunod na
tunog ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/ o /m/.
Halimbawa: pang- + palo = pampalo – pamalo
pang- + tali = pantali – panali
2. Pagpapalit ng Ponema
• Kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba. Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang
nilalapian ay karaniwang
napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi at patinig ang unang ponema ng hulapi.
Halimbawa: ma- + dapat = marapat
tawid + -an = tawiran
3. Metatesis
• Ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping –in-
ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng posisyon.
Halimbawa: -in + lipad = nilipad (linipad)
-in + yaya = niyaya (yinaya)
C.4. Pagkakaltas ng Ponema - huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi
Halimbawa: takip + an = takipan = takpan
kitil + -in = kitilin – kitlin
C.5. Paglilipat-Diin – nagbabago ang diin ng salita kapag nilalapian
Halimbawa: bAsa+ hin = basAhin
larO + -an = laruAn
C.6. Reduplikasyon - pag-uulit ng pantig ng salita
Halimbawa: aalis, matataas, pupunta
D. Onomatopeia
- naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog nito.
Hal. bang!, wow!, boo, ahem, haha, ooops, ding ding ding
Lagi lamang tandaan, mas makabubuti kung alam mo ang salitang-ugat ng
salita at ang kahulugan nito. Dito’y mas madali mong malaman ang
kahulugan ng salita.

You might also like