You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

WEEKLY LESSON PLAN


(DepEd Order 42, s. 2016)

Subject: FILIPINO 9 Quarter: 2


Grade Level: 9 Week No.: 7
Nagsulat ng Prototype LP: John Rulf Omayan_____
Paaralan: Matab-ang NHS__________________________

Most Essential (F9WG-IIg-h-51)


Learning  Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng
Competency (MELC): maikling dula.

Mga Layunin:

1. Napipili ang angkop na pang-ugnay na ginamit sa loob ng


pangungusap.

2. Nakakasulat ng isang pangungusap na ginagamitan ng


angkop na pang-ugnay.

3. Nasasagot ang mga pagsasanay at mga gawain nang may


katapatan;

4. Nakapagbibigay-opinyon nang may paggalang at


pagsasaalang-alang sa karapatan at damdamin ng ibang tao.

Content: Mga Angkop na Pang-ugnay

Learning Resources: FILIPINO – Baitang 9 Kwarter 2 Modyul 7; larawan; log plan;

Procedure:

A. Preparation 1. Pagdarasal

(Activating Prior 2. Pangungumusta at pagpapasaayos ng klase.


Knowledge)
3. Sandaling pagbalik-aral sa mga nakalipas na aralin

B. Presentation Ipapabasa o iparinig sa mga mag-aaral ang isang tekstong


may kinalaman sa aralin.

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629;
Email Address: toledo.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Gabay na Tanong:
 Batay sa diyalogo o usapan, paano inilarawan si
Genghis Khan?
 Bigyang – pansin ang sinalungguhitang mga salita,
paano nakatulong ang mga ito upang maging mabisa
ang diyalogo o usapan?
 Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang alin man
sa mga salitang sinalungguhitan.

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629;
Email Address: toledo.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

C. Lesson Proper

D. Practice PANGKATANG GAWAIN

(Integration, Magpapakita ang guro ng isang larawan buhat sa mga


Application to Real nangyayari sa lungsod ng Toledo. Ipasulat sa mga mag-aaral
Life, Differentiated) ang mga halimbawang pangungusap sa strips of paper batay
sa larawang nakita na ginagamitan ng mga pang-ugnay.
Ipaskil ito sa pisara.

Pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na


katanungan ayon pa rin sa gawain.

1. Batay sa mga pangungusap na nabuo sa pisara, pansinin


ang mga pang-ugnay na ginamit. Paano ito nakatulong upang
maging mabisa ang mga pangungusap?
2. Nakatulong ba ang paggamit ng mga angkop na pang-ugnay
sa pagsulat ng maikling dula? Pangatuwiranan.
3. Bilang isang kabataang Asyano, paano mo
mapahahalagahan ang mga dulang umiiral sa kasalukuyan?

E. Generalizatio
n

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629;
Email Address: toledo.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Ipabuo sa klase ang kaisipan - Saan maaaring iugnay ang


napakinggan upang makuha ang kaisipan nito?
Ang ___________ ang tawag sa mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita,
parirala, o sugnay.
Samantala, _________ ang tawag sa mga
kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay na pinagsunod-sunod sa
pangungusap.
Ang tawag naman sa mga salitang nag-
uugnay sa panuring at salitang tinuturingan ay
__________ .
At _________ naman ang tawag sa salita o
katagang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba
pang salita sa pangungusap.
F. Evaluation Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay na ginamit sa loob
ng pangungusap at tukuyin kung anong uri ito. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
___ 1. Mapait na mapiit sa kulungan dahil ito ay silid ng
kalungkutan.
___ 2. Kahit ngayon ko lang siya nakita, batid kong si Borte na
ang babaeng hinahanap ko.
___ 3. Ang kasal ay para sa matatanda lamang kaya’t wala pa
ito sa aking isip.
___ 4. Si Borte ang babaeng pipiliin ko sapagkat iba ang
nararamdaman ko sa kanya.
___ 5. Para sa akin, ang pagkakaroon niya ng kakaibang pang-
akit ang ikinaiba ni Borte.

G. Closing Itanong sa klase at tumawag ng 1-2 bata na sumagot.

Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pang-ugnay lalo na


sa isang pangungusap?

Ibibigay ng guro ang takdang -aralin o anumang kasunod na


paghahanda para sa susunod na pagkikita.

Remarks:

Reflection:

Prepared by:

JOHN RULF L. OMAYAN


Name of Teacher

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629;
Email Address: toledo.city@deped.gov.ph

You might also like