You are on page 1of 1

PANGKATANG GAWAIN

Bubuo ang guro ng tatlong pangkat na mula sa iba’t ibang kasarian, katayuan sa buhay, kultura at paniniwala. Bawat pangkat ay bubuo ng isang
skrip batay sa sitwasyong ibibigay ng guro. Hayaan silang bumuo ng isang tagpo ng dula na gumagamit ng angkop na pang-ugnay ayon sa mga
sitwasyong nakaatas sa kanila. Ang skrip ay binubuo ng tatlo hanggang limang diyalogo lamang. Ipasulat sa mga mag-aaral ang mga skrip na
nabuo sa isang manila paper. Ipaskil ito sa pisara.

PANGKAT 1
 Ang maagang pag-aasawa ng inyong kapit-bahay.
PANGKAT 2
 Ang pagtanaw mo ng utang na loob sa kapwa.
PANGKAT 3
 Ang pagpapakita ng pagmamahal sa kabiyak o asawa.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG ISKRIP


NILALAMAN Nakapaglalahad ng isang senaryo na 8 puntos
nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang
Asyano. Naglalaman ng mga diyalogo ng mga
tauhang gaganap sa dula.
GRAMATIKA Nagagamit ang mga pang-ugnay sa isusulat na 7 puntos
iskrip. Wastong gamit ng bantas at mga salita
ay nabigyan ng pansin.
KAAYUSAN Malinis at maayos na naipasa ang naisulat na 5 puntos
iskrip; nasunod ang panuto para sa gawain.
KABUOAN 20 puntos

You might also like