You are on page 1of 13

REPLEKTIBONG

SANAYSAY
Ano ang Replektibong
Sanaysay?
 REPLEKSYON- Ito ay nangangahulugang pag-
uulit o pagbabalik tanaw.
 SANAYSAY- Isang komposisyon na naglalaman
ng pananaw ng may akda. Dito nagpapahayag ng
may akda ang kanyang damdamin at saloobin sa
mambabasa.
ANO ANG REPLEKTIBONG
SANAYSAY?
 REPLEKTIBONG SANAYSAY- Uri ng
akademikong sulatin na nangangailangan ng
sariling perspektibo,opinion, at pananaliksik sa
paksa. Isang masining na pagsulat na may
kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin
sa isang partikular na paksa o pangyayari.
LAYUNIN NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY:
 Hindi
lamang matalakay ang natutunan o
maisapapel.
 Maipabatid ang mga nakalap na impormasyon.
 Mailahad ang pansariling karanasan at natuklasang
resulta sa espisipikong paksa.
 Mailahad ang mga pilosopiya at karanasan.
MGA BAHAGI NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY:
 1.PANIMULA- Dito binabanggit ang pangunahing paksa.
Nakikita rito ang nais na paksang italakay o bigyang
repleksyon ng manunulat.
 2.KATAWAN- Naglalaman ito ng mahahalagang katotohanan
at sariling tugon ayon sa paksa halo ang paghahalintulad o
pagkokonekta ng sariling karanasan ukol sa paksa.
 3.WAKAS- Nakasaad rito ang huling batid ukol sa paksa. Dito
rin makikita kung ano ang kahihinatnan ng iyong sanaysay.
KATANGIAN NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY:
 PERSONAL-NAKABATAY SA KARANASAN, IDEYA
AT OPINYON.
 HINDI
LIMITADO SA PAGLALARAWAN O
PAGLALAHAD NG KUWENTO.
 MAY PAGSUSURI
 NAKABUO NG SINTESIS
 GUMAGAMIT NG DESKRIPTIBONG WIKA.
 PORMAL AT GUMAGAMIT NG UNANG PANAUHAN.
TIPS SA PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY:
 Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis.
 Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.
 Tandaan na mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo batay
sa iyong naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa
upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
 Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito.
 Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.
 Sundin ang tamang estruktura sa pagsulat ng sanaysay.
 Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.
“PAMILYANG HINDI PERPEKTO”
Mark Janperson B. Datumanong
Hindi lahat nang mayroong magulang ay masaya, hindi din lahat ng buo ang pamilya ay masaya.
Ang karanasan ng isang tao ay tila isang matayog na puno, ugat na nagsisilbing sanhi at mga
prutas at dahon na nagsisilbing bunga. Ang mga karanasang ito ay bahagi na ng ating buhay. Ito
ay nakaukit o nakatadhana na sa atin, na maaring magsilbing isang aral o isang kaloob.
Sa labing siyam na taon kong nanatili at pakikibaka sa mundong ibabaw masasabi kong ako ay
parang nasa isang tulay ng lubid na walang ibang hinangad kung hindi ang makarating sa dulo,
balanse na tila balakid o pagsubok na mas lalong nagpapahirap upang marating ko ang dulo.
Ang paghihiwalay ng aking ama’t ina ang karanasang kailan man ay hindi mawawala sa aking
isipan at kalooban. Naranasan ko ang buhay na nakitira, makisimpatya sa ina ng aking mga
pinsan. Naging miserable ang buhay naming magkakapatid, na maging ugat dito din ng
pagrerebelde ng nakatatanda naming kapatid. Iniwan kami ng aming ina sa aming ama na lulong
sa droga nung mga oras na iyon. Halos hindi mawala ang sakit ng aking kalooban sa karanasang
iyon. Sa tuwing makakakita ako ng buo at masayang pamilya sa simbahan o sa daan hindi ko
maiwasang mainggit dahil may ama at ina na gumagabay at nagmamahal sa kanila. Naranasan
kong mahinto sa pag-aaral dahil sa kahirapan at kawalan ng magulan na gumagabay.
Isang makasariling magulang ang aking ama. Oo tama ang nababasa mo. Wala siyang ibang
ginawa noon kung hindi ang magpakasasa sa kanyang adiksyon na sa amin ay nagbigay
lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa kanyang
isipan noon ay ang sariling kasiyahan. Naaalala ko pa noon na sa tuwing magtatabi matulog
ang aking magulang ay nagtatabi ang aking ama ng kutsilyo sa kanyang unan na nagsisilbing
panakot sa aming ina. Gustuhin man ng aking ina itago ang kanyang nararamdaman, subalit
ito ay kumakawala at siya’y tila isang ibon na sa piitan ay nananahan. Hindi man hayag sa
aming magkakapatid ang balakid sa kanilang relasyon subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit
kong tulungan ang aking ama labanan ang balakid na ito subalit wala akong magawa.
Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa pag-asa ng
aking ama na makapagbagong buhay.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking
pangarap na nais matamo subalit nakaanib na din dito ang mga prinsipyo at impresyon na
hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan. Anumang buhay mayroon tayo ngayon ay mula sa
poong maykapal. Lahat ng pagsubok ay may nakalaang solusyon. Isipin natin na walang
perpektong pamilya at kung naging masalimot o naging madilim man ang buhay natin sa
ngayon ay laging bukas ang ating pananaw na sa huli ay may nakalaang liwanag para sa atin.
Panuto: Lagyan ng (x) kapag Tama at (/) kapag Mali
ang mga susunod na pangungusap. Bawal ang
PAGBURA.
 1. Sa pagsulat ng replektibong sanaysay dapat limitado ang
paglalarawan o paglalahad ng kuwento.
 2. Layunin ng sanaysay na ito na matalakay lamang ang natutunan o
maisapapel.
 3. Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling
pananaw at damdamin sa isang partikular na paksa o pangyayari
ang replektibong sanaysay.
 4. Walang katuturan ang organisadong pagsusulat ng mga talata.
 5.Upang maging mabisa ang sinulat ay kailangang magtaglay
lamang ito ng mga obserbasyon.
Panuto: Tumbasan ang mga kahulugan sa Set A
sa mga salitang makikita sa Set B. Letra lang
ang isulat. Bawal ang PAGBURA.
SET A
 1. Nakikita dito ang paksang itatalakay ng
SET B
manunulat.
 2. Nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik
 A. Katawan
tanaw.  B. Sanaysay
 3. Naglalaman ng mahahalagang katotohanan at  C. Panimula
sariling tugon ayon sa paksa.
 4. Dito nakikita ang kahihinatnan ng iyong
 D. Repleksyon
sanaysay.  E. Wakas
 5. Isang komposisyon na naglalaman ng  F. Replektibong Sanaysay
pananaw ng may akda.
PAG-ISA ISA/ENUMERATION:

 1-2. Ano ang replektibong sanaysay?


 3-5. Bahagi ng Replektibong Sanaysay.
 6. Layunin ng Replektibong Sanaysay.
 7-8. Katangian ng Replektibong Sanaysay
 9-10. Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat
ng replektibong sanaysay.

You might also like