You are on page 1of 31

SANAYSAY

Inihanda ni: DESYRIE JOY S. DIRAY


MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng talakayan ang mga mag-


aaral ay inaaasahang ;
a. Naipaliwanag ng maayos ang paksang
tinalakay.
b. Napapahalagahan ang paksang tinalakay sa
pamamagitan ng paglalahad ng sariling
opinyon at pananaw sa loob ng klase.
c. Nakasusulat ng sariling sanaysay batay sa
paksang ibibigay.
PAGGANYAK

Magbigay ng mga salitang naiisip sa tuwing naririning ang salitang “sanaysay” .

SANAYSAY

GABAY NA TANONG:
Ano ang kahulugan ng sanaysay batay sa inyong mga naibigay na mga salita?
Ayon kay,

Aga o Alejandro G. Abadilla

 Tinaguriang “Ama ng Makagabgong


Panulaang Tagalog”

 SANAY + SALAYSAY
= SANAYSAY
Alejandro Abadilla
 SANAY + SALAYSAY = SANAYSAY

Maalam o
eksperto

Nagkukuwento
.

Alejandro Abadilla

Ang sanaysay ay salaysay ng taong sanay o


kwento ng taong mahusay.
SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na
kadalasang naglalaman ng punto de vista
(pananaw) ng may akda. Ang mga sanaysay ay
maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna,
opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro,
pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan
at pagmumuni-muni ng isang tao. Ang ingles nito
ay essay.
BAHAGI NG SANAYSAY

1. PAMAGAT
2. PANIMULA
3. KATAWAN
4. KONKLUSYON
PAMAGAT

 Ang unang salita ng pamagat ay laging nagsisimula sa


malaking titik,
Halimbawa:
Ang Pangarap Ko Sa Buhay
Ang Aking Pamilya
 Ito rin ay nilalagay sa gitna.
PANIMULA

 Nararapat na nababagay sa paksa at layunin ng akda.


 Maari itong isang katanungan, isang diyagalogo,
pangungusap na nakakatawag pansin,isang sipi,
pagsasaad ng punong diwa at matuwid na
pagpapaliwanag, paglalahad ng suliranin, pambungad
na salaysay
 Ito ay dapat nakakakuhang atensyon ng bumabasa para
basahin ang natitirang bahagi ng sanaysay
PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG…

 Pasaklaw na Pahayag
Inuunang pinakamahalagang impormasyon hanggang
sa mga maliliit na detalye nito
 Tanong na Retorikal
Isang tanong na tinatanong ng nagbabasa para hanapin
ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
 Paglalarawan
Pagbibigay linaw at “descriptions” sa paksa
PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG…

 Sipi
Isang kopya o copy galing sa ibang literaturang gawa gaya ng
libro, artikulo, at iba pang sanaysay
 Makatawag pansing Pangungusap
Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng mambabasa
 Kasabihan
Isang kasabihan o salawikain na makapagbibigay ng maikling
eksplanasyon ng iyong sanaysay
 Salaysay
Isang eksplanasyon ng iyong sanaysay
HALIMBAWA:

Sadyang isang hamon ang buhay ngayon.


Kailangan harapin ito ng buong tatag.
KATAWAN

 Dito nakalagay ang iyong mga ideya at


pahayag
 Nagsasaad at nagpapaliwanag ng mga kaisipan
o ideyang sumusuporta sa pangunahing paksa
PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG…..

 Pakronolohikal
Nakaayos sa panahon ng pangyayari
 Paangulo
Pinapakita ang bawat angulo o “side” ng paksa
 Paghahambing
Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo at sa iba pang
paksa.
 Papayak o Pasalimuot
Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at vice versa
WAKAS O KONKLUSYON

 Binibigyang-diin dito ang kaisipan, pagbibigay


solusyon sa isyung tinatalakay
 Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang
mensahe ng buong sanaysay
 Dapat nababagay sa haba ng buong talata at dapat
makapag-iwan ng kakintalang di agad malilimutan
 Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang
buod sa sanaysay
PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG….

• Tuwirang sinasabi
Mensahe ng sanaysay
• Panlahatang Pahayag
Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
• Pagtatanong
Winawakasan ang sanaysay sa pamamagitan ng isang tanong.
• Pagbubuod
Ang “summary” ng iyong sanaysay
APLIKASYON

• Sumulat ng isang essay.


• Sa Panimula-3 hanggang 5 na pangungusap
• Sa Katawan- 4 hanggang 5 pangungusap
• Sa Wakas- 3 hanggang 4 na pangungusap
ANG PANGARAP KO SA BUHAY

Ika-23 ng Mayo, 2022


• PANIMULA

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangrap sa buhay.

Mithiin na gustong makamit. Ano nga ba ang pangarap ko?

Bakit nga ba ko nangangarap? Ang pangarap ay isang bagay

na gusto mong matupad.


ANG PANGARAP KO SA BUHAY
• GITNA

Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap. Ito


nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan.
Ang aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.
Mag-aaral ako ng mabuti para ako’y makatulong sa aking pamilya
at masuklian ang sakripisyo ng aking mga magulang. Sana
malampasan ko ang pagsubok sa buhay dahil magpatuloy pa ako
sa kolehiyo upang makatapos ng kurso.
•                
ANG PANGARAP KO SA BUHAY

• WAKAS
Sa ngayon ako po ay patuloy na umaasang maisakatuparan
ang tanging pangarap. Alam kong ang aking mga pangarap ay
kayang abutin sa tulong ng Poong Maykapal at sa mga taong
nakapaligid sa akin para maisakatuparan ko ang matagal ko nang
pinapangarap na maging isang guro.
EBALWASYON

1. Sa ingles ito ay tinatawag na “essay”.?


a. Paksa

b. Salaysay
c. Sanaysay
d. Wakas
EBALWASYON

2. Ibang pagpapakahulugan ng (pananaw)?


a. Punto de visti

b. Punto de vesta
c. Punto de vista
d. Punto de visto
EBALWASYON

3. Saan nagmula ang salitang sanaysay?


a. Salaysay at salay

b. Sanaysay at sanay
c. Sanay at salaysay
d. Sanaysay
EBALWASYON

4. Ang karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at


paglalarawan ng isang may akda?
a. Salaysay
b. Sanaysay
c. Sulating pormal
d. Sulating di-pormal
EBALWASYON

5. Ano ang mga bahagi ng sanaysay?


a. Pamagat, panimula, katawan, konklusyon

b. Pamagat, paninimula, katawan, konklusyon


c. Pamagat, pasimula, katawan, konklusyon
d. Pamagat, pasisimula, katawan, konklusyon
EBALWASYON

6. Ang tinaguriang Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog”?


a. Aga o Alejandro G. Abadilla

b. Fernando Amorsolo
c. Aurelio Tolentino
d. Patricio Mariano
EBALWASYON

7. Ang unang salita ay laging nagsisimula sa malaking titik?


a. Wakas

b. Gitna
c. Pamagat
d. Panimula
EBALWASYON

8. Ito ay dapat nakakakuha ng atensyon ng bumabasa?


a. Gitna

b. Pamagat
c. Panimula
d. Wakas
EBALWASYON

9. Dito nakalagay ang mga ideya at pahayag?


a. Katawan

b. Pamagat
c. Panimula
d. Wakas
EBALWASYON

10. Dito nakalagay ang pangwakas na salita o ang buod sa


sanaysay ?
a. Gitna
b. Pamagat
c. Panimula
d. Wakas
SADYANG ISANG HAMON ANG BUHAY
NGAYON. KAILANGAN HARAPIN ITO NG
BUONG TATAG.
M A R A M I N G S A L A M AT ! ! !

You might also like