You are on page 1of 2

Negros Oriental State University

College of Teacher Education

Date: March 28, 2022


Name: Desyrie Joy S. Diray
Reporter: Kin Abiera
Topic: Kahulugan ng Wika at Kahulugan ng Wika sa Lapit-Estruktural

REFLECTION

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao na kung saan

maykaayusan sa pagpapahayag ng damdamin o kaisipan. Ang humuhubog ng ating pananaw sa

daigdig. Ito rin ay kaluluwa at instrumento ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa

isang malayang pagsama-sama at sa pagkakaisa ng layunin. Dagdag pa, ang wika ang sumasalamin

ng ating kultura. Kaya naman kailangan itong pahalagahan. .

Sa pagkatuto ng wiks, tinuturing itong arbitraryong sistema ng mga tunog na ginagamit sa

paghahati at pagtanggap ng mensahe ang wika. Maaaring gawin ang pagpapahayagng wika sa

paraang pasulat, pasalita, pakikinig, at pagbasa. Sa pagkatuto ng wika isinaalang-alang ang

tradisyunal na teorya. Sa teoryang kognitib, kung saan habang ginagamit ng tao ang wika,

nakakagawa siya ng pagkakamali at natututo. Sa prosso ay nakakabuo ng mga tuntunin sa gamit ng

wika. Sa teoryang makatao, isnaalang-alang ang payapa at positibong saloobin. Kinabibilangan

di ito ng mga Lapit at Dulog kagaya ng grammar translation, na tungkol sa pag-aaral ng

bokabolaryo, tuwiran o direct method na binubuo ng tanungan at sagutan na nangyayari sa silid-

aralan. May ibat-ibang pagdudulog ng wika sa pagtuturo. Binigyng diin ang mga estratehiya o

pamamaraan sa pagtuturo ng wika at panitikan, ang paglalarawan at paggamit nito. Nabuo ang

mga lapit o dulog kagaya ng Dulog na Pagbasa, Pagtuklas na Lapit, Konseptwal na Lapit,

ACR2022FilMon
Unified Approach, Dulog Istruktural, Dulog Audio-Lingual, Dulog Sitwasyonal, Community

Language Learning, Silent Way, Dulog Total Physical Response, Dulog Suggestopedia.

CONCLUSION

Batay sa mga natuklasan, walang tiiyak na lappit o dulog at estratehiya o pamamaraan sa

kung paano isasagawa ang mabuting pagututo ng wika at panitikan. Ngunit, ang pagkakaroon ng

malawak na pag-unawa a kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral kaabay ng malawak na

kaalaman at pag-unawa sa mga dulog o lapit o pamamaraan sa pagtuturo nito ay makatutulong sa

makabuluhan at interaktibong pagkatuto ng mag-aaral.

REKOMENDASYON

Sa pamamagitan ng mga rekomendasyong may kinalaman sa pagtuturo ng wika:

1. . Pumili ng saktong estratehiya sa pagtuturo para sa mag-aaral.

2. Gamitin itong gabay sa maayos na paraan ng pagtuturo at maipaliwanag ang mga

kaalaman sa mga mag-aaral.

3. Ibahagi ang paraan na ito sa mga mag-aaral upang sila ay mas maengagnyo sa

pagkatuto.

4. Pahalagahan ang paggamit ng lapit o dulog sa pagtuturo sapagkat nakakatulong ito sa

pagkatuto ng mag-aaral sa wika.

5. Isaisip na may tamang paraan upang maibahagi ang kaalaman gamit ang mga lapit

estruktural.

ACR2022FilMon

You might also like