You are on page 1of 3

Negros Oriental State University

College of Teacher Education

Date: March 21, 2022


Name: Desyrie Joy S. Diray
Reporter: Joejen Abrasado
Topic: Kahalagahan ng Wika at Kritika ng Kahalagahan ng Panitikan sa Sariling Danas

REFLECTION

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao na kung saan

maykaayusan sa pagpapahayag ng damdamin o kaisipan. Ang humuhubog ng ating pananaw sa

daigdig. Ito rin ay kaluluwa at instrumento ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa

isang malayang pagsama-sama at sa pagkakaisa ng layunin. Dagdag pa, ang wika ang sumasalamin

ng ating kultura. Kaya naman kailangan itong pahalagahan. .

Sa Kritika ng kahalagahn ng panitikan sa sariliing danas, ipinahihiwatig nito ang panitikan.

Na kung saan ito ay nasusulat na gawa ng tao at kabilang na ditto ang libro, nobela, tula at iba

pang komposisyong mayroong halaga sa lipunan. Sa paggawa at pagsulat ng panitikan hinahaloan

ito ng rekados para masarap at magandang basahin ang isang gawa. Nabibilang dito ang

pagpahayag ng karanasan, damdmin at hangariin ng manunulat.

May dalawang uri ng panitikan, una ay Patula. Ito ay uri ng panitikan na may masining na

pagpapahayag. Isinaalang-alang dito ang sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod, at may

malikahing paraan sa paggawa ng may-akda. Kabilang dito ang, tulang pasalaysay nahanay nito

ang epiko, balad, tualng pandulaan, komedya, melodrama, trahedya, at parsa. Ikalawa, Prosa, ang

panitikan na ito ay naglalaman ng mga pangugngusap at mga talata. Sa prosa, ang daloy ay natural

at tuloy-tuloy. Ito ay malayang pagpapahayag ng nasusulat at walang basehan. Ang Prosa ay may

ACR2022FilMon
ibat’ibang akdang pampanitikan, kagaya ng nobela, maikling kwento, dula, alamat, pabula,

anekdota, sanaysay, talambuhay, balita.

Sa paksang kritika, ito ay pagsusuri na/ng may sinasabi. Sa bawa’t salita’t katagang

bumubuo sa nasabing kahulugan. Ang taong nag-aanalisa nito ay tinatawag na kritiko. Ang kritika

sa panitikan ay ang pagpuna o may kaakibat na disiplina na responsible sa pagsusri at pag-isyu ng

hatol na halaga batay sa nilalaman ng panitikan. Mga kilalang kritiko na may malaking

contribusyon sa panitikan. Isa si Clodualdo del Mundo, na may akda ng “Parolang Ginto. Si

Alenandro G. Abadilla, may akda ng “Talaang Bughaw”. Si Isagani R. Cruz, may akda ng “Hindi

na Uso ang Hindi Pa Uso ang Kritika sa Panahon ng Iraq”. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang

layunin ng panitikan sapagkat nalalayong gumagabay sa mga mambabasa.

CONCLUSION

Ang wika ay may kanya-kanyang paraan, ito ay sa pamamagitan ng pagbigkas, pagkabuo,

pagbaybay, pagpakahulugan, paggamit sa iba’t ibag sitwasyon at larangan ng pagpapahayag. Sa

paraan na ito mahinuha natin ang kahalagahan ng wika at ang malaking dulot nito sa atin bilang tao

o sa sarili, sa bayan at sa buong mundo. Sa panitikan pinapahiwatig nito ang gamit ng wika sa

pamamagitan ng panitikan. Sa panitikan may kritika at ang kritiko na siyang gumagaby sa mga

mambabasa ng tamang paraan sa pagsusuri sa isang gawang panitikan. Naglalayon na tulungan ang

mga mambabasa sa lahat ng aspektong pagsusuri.

REKOMENDASYON

Ang Kahulugan ng Wika at Kahulugan ng Wika sa Lapit Estruktural ay may malalim na

layuinin at nararapat na pahalagahan sa pamamagitan ng:

1. Ipagmalaki ang wika dahil sumasalamin ito sa ating kultura at pagkakilanlan bilang

mamamayan ng banang ito.

ACR2022FilMon
2. Ipagpatuloy ang paggawa ng panitikan dahil nasusukat dito ang pagkamalikhain ng

mga Pilipino.

3. Bigyan ng importansya ang mga kritiko sapagkat malaki ang naging papel nila sa

kritika.

4. Isaalang-alang ang layunin ng panitikan at pahalagahan ang paggamit nito sa paraang

makakatulong sa pag-unlad at pag-usbong n gating kultura.

5. Pagyamanain upang may magamit at gabay ang susunod na henerasyon.

ACR2022FilMon

You might also like