You are on page 1of 23

Paglalagom:

Sinopsis
Introduksyon
May ideya ka
ba sa Kasanayang Pampagkatuto
pagbubuod?
Tampok sa
araling ito ang Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
isang uri ng maisasagawa ng mga mag-aaral ang
paglalagom—
ang sinopsis sumusunod:
1. Nakakasusulat nang maayos na
akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-
92
2
PAGSULAT NG
SINOPSIS/PAGBUBUOD

Nilalaman 1
Ang sinopsis o buod
ay isang uri ng lagom na
kalimitang ginagamit sa mga
akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng
kwento ,salaysay ,nobela , dula
,parabula, pelikula,
video,pangyayari ,at talumpati
iba pang anyo ng panitikan.

4
“ Ito ay maaaring buoin ng
isang talata o higit pa o maging ng
ilang pangungusap lamang.
Maaaring 1/3 ng pahina lamang
ng buong nabasang teksto o mas
maikli pa nito ang sinopsis o buod.
5
Sa pagsulat nito, mahalagang
maibuod ang nilalaman ng binasang akda
gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod o
pagsulat ng sinopsis ay naglalayong
makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa
ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat
na maging payak ang mga salitang
gagamitin.
6
Layunin din nitong maisulat
ang pangunahing kaisipang taglay
ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.
Ang pahayag ng tesis ay maaaring
lantad na makikita sa akda o minsan
naman, ito ay di-tuwirang nakalahad
kaya mahalagang basahing mabuti
ang kabuuan nito.

7
Sa pagkuha ng Sa pagsulat ng
mahahalagang detalye ng sinopsis o buod ,mahalagang
akda, mahalagang matukoy maipakilala sa mga babasa
ang sagot sa sumusunod: nito kung anong akda ang
Sino? Ano? Kailan? Saan? iyong ginawan ng buod sa
Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagbanggit
pamamagitan ng pagsagot sa sa pamagat at pinanggalingan
mga tanong na ito, magiging ng akda .
madali ang pagsulat ng buod.

8
Makatutulong ito upang maipaunawa sa
mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong
inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod
lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang
magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag
tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo
sa pagsulat nito .

9
Mga Dapat
Tandaan sa
Pagsulat ng .1. Gumamit ng 2. Isulat ito batay sa 3. Kailangang
Sinopsis o tono ng pagkasulat ng mailahad o maisama
ikatlong
Buod orihinal na sipi nito. rito ang mga
panauhang Kung ang damdaming pangunahing tauhan
panghalip na naghahari sa akda ay maging ang kanilang
(isahan o malungkot ,dapat na mga gampanin at mga
maramdaman din ito suliranin kanilang
maramihan) sa
sa buod na gagawin. kinakaharap.
pagsulat nito.

10
4.Gumamit ng mga angkop na
pang-ugnay ( gayunpaman,kung
gayon, samakatuwid,gayundin, sa
kabilang daku ,bilang kongklusyon)
sa paghabi ng mga pangyayari sa
kwentong binubuod lalo na kung
ang sinopsis ay ginawa ay binubuo
ng dalawa o higit pang talata.

11
5.Tiyaking wasto ang
gramatika,
pagbabaybay,at mga
bantas na ginamit sa
pagsulat.

6.Huwag kalimutang
isulat ang sangguniang
ginamit kung saan
hinango o kinuha ang
orihinal na sipi ng akda.

12
Mga Hakbang sa Pagsulat
ng Sinopsis

13
1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o
paksa ng diwa nito.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.

5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan ang


gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit
nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino ang nagkukwento.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang
kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod.

14
Buod ng
kwento ng Ang kwento ay nagsimula sa isang anak na
saranggola gusto ng guryon ngunit siya ay tinuruan at ginabayan
ng kanyang ama sa paggawa ng isang simple at
maliit na saranggola. Ito ay hindi dahil sa pagtitipid
kundi para maturuan ang anak ng aral sa tiyaga,
dedikasyon,at pag-iingat. Ang bata ay tumuntong na
sa paaralan upang magaral pero ibinili lamang siya
ng mga kailangan at sapat na gamit ng ama, Hindi ito
dahil sa pagtitipid, ito ay upang turuan siya sa
pagiging responsable at simple.

15
Buod ng
kwento ng Nang malapit ng magtapos ang binata at
saranggola papunta na ng kolehiyo, gusto niyang mag-aral ng
Commerce upang makasama ang mga kaibigan.
Ngunit hindi ito nababagay sa kanyang kakayahan.
Siya ay pinakuha ng Mechanical Engineering dahil
dito siya magaling ito at siya ang magmamana ng
kanilang mga negosyo.
Sa halip na humalili biling may-ari ng kanilang nego,
binigyan lamang siya ng pera upang magbukas ng
sariling negosyo.

16
Buod ng
kwento ng Kinukumpitensya ng anak ang sarili
saranggola niyang ama. Siya ay nalugi pero nakabangon
muli at hindi na niya kinausap ang ama
hanggang sa siya ay magkapamilya. Namatay
ang ama niya ng hindi sila nagkikita ngunit
nasambit ng ina na wala itong hinanakit sa anak
dahil natupad naman ang mga pangarap nito.

17
Gawaing
Pangkasanayan
YEHEY, MOVIE TIME!

18
Gawaing
Pangkasanayan
Panuto: PANONOOD NG PELIKULANG
PINOY: Pumili ng isang pelikulang Pilipino na
nakapagbigay sa inyo ng isang aral. Bumuo ng
sinopsis mula dito. Gawing gabay ang
pamamaraang makikita sa ibaba.

19
Gawaing
Pangkasanayan

PAMAGAT

SIMULA

TAUHAN

GITNA

TAUHAN/BANGHAY

WAKAS

RESOLUSYON/KINALABASAN

20
Tayahin
SIGE NA, MAGKUWENTO KA
Panuto: PAGBUBUOD SA
MAIKLING KWENTO: Basahin ang
kwentong WALANG PANGINOON ni
Deogracias Rosario. Ibuod ang kwento
gamit ang mga mabisang paraan sa
pagsulat nito.

22
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like