You are on page 1of 5

``

10
LEARNING ACTIVITY SHEETS
Ikalawang Markahan
Filipino 10

Development Team for the Learning Activity Sheets


Writer: Raqueliza D. Permejo
Editors:
Reviewers: Katryn G. Tan, School LRMDS Coordinator
Illustrator: Liz Chriselle Cabacang
Layout Artist:
Management Team: Russell P. Samson, OIC-Principal/EPS-Science
Raqueliza D. Permejo Subject Coordinator
Katryn G. Tan, School LRMDS Coordinator
Erna T. Cantonjos, School LRMDS Co-Coordinator

FOR NAVOTAS SCIENCE


HIGH SCHOOL USE ONLY
STUDENT MONITORING TOOL for Learning Activity Sheets

LAS Week to be Number of


Competencies Score
Number Accomplished Items

2  Naibibigay ang puna sa estilo ng Week 5 25


napakinggang tula (F10PN-IIc-d-7)
 Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng
tula (F10PB-IIc-d-72)
 Naibibigay ang kahulugan ng
matatalinghagang pananalita na
ginamit sa tula (F10PT-IIc-d-70)
 Naisusulat ang sariling tula na may
hawig sa paksa ng tulang tinalakay
(F10PU-IIc-d-72 )
 Nagagamit ang matatalinghagang
pananalita sa pagsulat ng tula
(F10WG-IIc-d-65)
 Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan
ang kasiningan ng akda. (F10PN-IIe-
73
 Naitatala ang mga salitang
magkakatulad at magkakaugnay sa
kahulugan. (F10PT-IIe-73)
 Nahihinuha sa mga bahaging pinanood
ang pakikipag-ugnayang pandaigdig.
(F10PD-IIe-71)

LAS 1 Tula at Ang mga Elemento Nito

1
Pagsusuri ng Diyalogo at Paghihinuha

TARGET
 Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-7) 
 Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72) 
 Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula (F10PT-IIc-d-
70)
 Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay (F10PU-IIc-d-72 )
 Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65)
 Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda. (F10PN-IIe-73
 Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan. (F10PT-IIe-73)
 Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig. (F10PD-IIe-71)

TIME FRAME
Inaasahan na ang
araw ng asynchronous session.

POKUS NA NILALAMAN
Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng
salita. Ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at
kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng
tula ang mga simbolismo at matalinhagang pananalita.

GAWAIN A. Panuto : Piliin sa Kolum B ang kahulugan ng matatalinghagang


pananalitang ginamit ng tula sa kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
B 1. Lipad ng kaluluwang ibig na A. handang mahalin
marating ang dulo ng hindi maubos-isipin anoman ang mangyari
A 2. Kasinlaya ito ng mga lalaking dahil sa katwira’y hindi B. masidhing pagmamahal
paaapi
C 3. Kasingwagas ito ng mga bayaning marunong umingos C. tunay na pag-ibig
sa mga papuri
E 4. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na ngiti, luha buhay D. pag-ibig hanggang
at aking hininga! wakas
D 5. At kung sa Diyos naman na ipagtalaga E. ang pag-ibig ay buhay
malibing ma’y lalong iibigin kita

B. Panuto: Basahin at unawain ang tula. Pagkatapos suriin at sagutin ang hinihingi sa ibaba.
(10 puntos)
Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan
I IV
Iniwan ko'ng aba't hamak na tahanan Nagpilit din ako't paa'y nananabik,
Malayo sa bukid ni Ama't naglakbay. Lagim na dagundong ng digma'y sumaltik

2
Payapa kong katre'y wala nang halina, Sa gasong tenga ko. Pagyapak saan man,
Hudyat ng digmaan ang aking ligaya. Kita ko ang berde, luntiang damuhan
II V
Tungo sa larangan ako'y nagsumagsag Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Ang natatanaw ko'y imortal na sinag. Naglambong sa usok, bangis ay umamba;
Puntod ng bayani na masisikatan, Narating ko'ng rurok na mithiin; hayun,
Bunying alaala ng mga pumanaw. Kinasabikan ko’ng tanging bahay, doon-
III VI
Sa mithii'y kita'ng malayong bituin “Buhay sa maghapoý lumilipad lamang
Dulot na liwanag di-maabot mandin; Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan.
At turo ang landas tungo sa buntunan Hulin a, batid kong rurok ng tagumpay,
Ng nanghihingalo't ng mga namatay. Hindi magdudulot ng masayang araw.

1. Anong uri ng tugma ang ginamit sa tula? Tugma sa katinig

2. Ano ang sukat ng kabuuan ng tula? 12

3. Anong taludturan ang ginamit sa tula? Sextet

4. Magbigay ng isang larawang diwa buhat sa tula? Bituin, dahil ginamit ito na parang bagay na hindi maabot
Ipaliwanag ang sagot. abot.

5. Magtala ng isang simbolismo ang ginamit sa tula? Kulay Pula

6. Ibigay ang kahulugan ng mga simbolong itinala sa Digmaan, Pagmamahal, at Apoy.


itaas.

C. Panuto: Ibigay ang hinuha batay sa akda.


Maligayang Pasko
ni Eros S. Atalia

Pinatay na niya ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang oven. Paluto
na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang hamon, hotdog at bacon. Nasa gitna na ng
mesa ang mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin ang keso de bola. Timplado na rin ang juice.
Inilagay na niya sa mesa ang morcon, lechon manok, embutido, paella at pinasingaw na sugpo.
Naglagay siya ng tatlong pinggan, baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin ang napkin.

Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang nakabalot na ulam.
Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan. Habang naglalakad,
sinilip niya ang laman ng supot. May apat na balot. Hindi niya maaninag kung ano-ano ang laman ng
mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang anak at sa kanilang mag-asawa ang bitbit na pabaong
Noche Buena. Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.

- Mula sa ‘Wag Lang ‘Di Makaraos (Atalia, 2011)

Panuto: Mula sa nabasang akda, bumuo ng isang hinuha sa mga pangyayaring naganap o nabanggit
gamit ang mga pahayag sa paghihinuha. (5 puntos)

Ang aking hinuha batay sa akdang Maligayang Pasko ay tungkol ito sa dalawang pamilyag
naghahanda para sa noche buena. Maraming handa sa Noche Buena ang unang pamilya, marahil ay
isa silang marangyang pamilya. Siguro ay kulang pa ang apat na supot ng pagkain sa ikalawang
pamilya dahil anim ang kanilang anak. Marahil ay kaunti lamang ang handa ng ikalawang tao ngunit
sa tingin ko, ang mahalaga para sa kanila ay sama sama at masaya ang kanilang pamilya.

3
Balikan ang maikling kwentong “Aguinaldo ng mga Mago,” Ano sa iyong palagay ang makabuluhang
kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa Pasko ang ipinakita nina Jim at Della? Patunayan. (5 puntos)
Ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan sa Pasko ay upang magdala ng kaligayahan sa iyong
minamahal. Ang isang regalo na ibibigay o matatanggap ng isang tao ay walang halaga. Ang halaga
nito ay ang kaligayahang maibibigay mo sa iba. Ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan at
pagbibigayan. Bagama't mahirap sina Jim at Della, ang pagbibigay ng regalo sa isa't isa ay isang uri
ng kasiyahan para sa kanila. Kahit na ang mga kapalit nito ay mahalaga sa kanila.
Rubrik sa Pagsulat ng Saloobin
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Naipaliwanag nang malinaw
ang nilalaman ng saloobin 2

Magkakaugnay ang ideyang


2
inilahad
Wasto ang baybay ng mga
salita at mga bantas na ginamit 1

Puntos 5

You might also like