You are on page 1of 2

Sagutin ang mga sumusunod na Subukin Natin sa inyong kwadernong pampagsusulit. Isulat ang tanong at saka sagutin.

Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan sa pagsagot sa lahat ng Subukin Natin.


Pamantayan Marka
(5 – 1)
Mahusay na natutugunan ang bawat tanong
Mahusay na nakasusulat nang may tamang kayarian sa pagsulat
Mahusay na nakapaglalahad ng mga sariling makabuluhang ideya
Mahusay na naipakikita ang pagkaunawa sa akdang binasa
Komprehensibo at organisado ang paglalahad
Kabuuan

Subukin Natin #5
Basahing mabuti ang kwentong Ang Alaga ni Barbara Kimenye at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong
Kwadernong Pampagsusulit.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at kahinaan bilang tauhan.
2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang may pagpapahalaga?
3. Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan.
4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa?
5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at pandaigdig. Gamit ang talahanayan sa ibaba.
Kahalagahan ng kwentong Ang Alaga
Pansarili Panlipunan Pandaigdig

6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan? Patunayan.


7. Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa akdang iyong binasa? Ipaliwanag.
8. Ipaliwanag: May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga at masaya
niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan.
Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang
maayos.
9. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan? Isalaysay.
10. Bakit isinulat ng may-akda ang maikling kuwentong tinalakay? Magsaliksik sa lugar at kondisyon ng panahon sa
pagkakalikha nito.

Subukin Natin #6
Basahing mabuti ang Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga?


2. Mayroon bang suliranin o mga suliraning nangibabaw sa epiko? Isa-isahin ang mga ito.
3. May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan? Pangatuwiranan ang sagot.
4. Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan ng Africa? Bakit?
5. Pumili ng bahaging naibigan sa akdang binasa. Ipaliwanag ito.
6. Kaninong tauhan sa epiko maihahambing ang sarili? Ipaliwanag ang sagot.
7. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit?
8. Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang pagtatagumpay sa hinaharap?

Subukin Natin #7
Basahing mabuti ang buod ng nobelang Paglisan ni Chinua Achebe at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.


2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal-babae ng
kalalakihan para kay Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.
4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang magiting na mandirigma? Bakit?
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala at paninindigan?
6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang pagkatalo at muling magbalik sa
kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang sagot.
8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyong bibigyang kulay? Bakit?

Sagutin ang mga sumusunod na Pokus na Tanong sa inyong kwadernong pampagsusulit. Isulat ang tanong at saka
sagutin. Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan sa pagsagot sa lahat ng Pokus na Tanong.

Pamantayan Marka
(5 – 1)
Mahusay na natutugunan ang bawat tanong
Mahusay na nakasusulat nang may tamang kayarian sa pagsulat
Mahusay na nakapaglalahad ng mga sariling makabuluhang ideya
Komprehensibo at organisado ang paglalahad
Kabuuan

Pokus na Tanong #5

Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan
at bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon?

Pokus na Tanong #6

Bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan at nakatutulong ba
ang paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?

You might also like