You are on page 1of 11

IBA PANG URI NG PANG-

ABAY
Ang PANG-ABAY NA PANG-AGAM ay ang
pang- abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng
katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ng mga salitang: marahil, siguro,
tila, baka, wari, at parang.
Halimbawa:
• Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya
ng Sandiganbayan.
• Tila matamlay ka sa iyong paglalakad.
Ang PANG- ABAY NA PANANG- AYON ay
nagsasaad ng pagsang- ayon. Ginagamit na salita dito
ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, at
syempre.
Halimbawa:
• Talagang mabilis ang pag- unlad ng bayan.
• Tunay ngang napakahusay mong umawit.
  Ang PANG- ABAY NA PANANGGI ay ang pang-
abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan
ito ng pariralang katulad ng hindi, di, at ayaw.
 Halimbawa:

• Hindi pa lubusang nagamot ang kanser.

• Walang trabaho ang aking kapatid ngayon.


Ang PANG- ABAY NA PANGGAANO O PAMPANUKAT ay
nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-
abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga.

Halimbawa:

Tumaba ako ng limang libra.


 Ang PANG- ABAY NA PAMITAGAN ay ang pang- abay na
nagsasaad ng paggalang.

Halimbawa:

Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?


Ang PANG- ABAY NA PANULAD ay ginagamit sa
pagtutulad ng dalawang mga bagay.
Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Amando kaysa kay
Cristito.
Gawain
• Sagutan ang ISAGAWA at ISULAT sa pahina 237.

You might also like