You are on page 1of 27

KAISA-ISANG PLATO,

KITASABUONG MUNDO.
SAGOT: BUWAN
DALAWANG MAGKAIBIGAN
MAHILIG MAG-UNAHAN.
SAGOT: DALAWANG PAA
KAY LIIT PA NI NENENG
MARUNONG NANG KUMENDENG.
SAGOT: BIBE
BUGTONG
ANOANG BUGTONG?

• isang pangungusap o • Ito ay binubuo ng mga


tanong na kadalasang salita na mayroong ibang
nilalaro ng mga batang kahulugan kaysa sa literal
pinoy, at ng mga na kahulugan nito.
nakakatanda.
• Ang bugtong o pahulaan ay isang pangungusap o tanong na
may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan.

• Ang bugtong ay tulad lamang ng pungos na pangungusap, na


madalas ay walang paksa o simuno.
Halimbawa:
KUNG KAILAN MO PINATAY, SAKA PA HUMABA ANG BUHAY.
SAGOT: KANDILA

NAABOT NA NG KAMAY, IPINAGAWA PA SA TULAY.


SAGOT: KUBYERTOS

AKO AY MAY KAIBIGAN, KASAMA KO KAHIT SAAN


SAGOT: ANINO
ANG KASAYSAYAN NG BUGTONG
ITO AY NAGSIMULA PA BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA
KUNG ANG PAG-UUSAPAN AYANG KASAYSAYAN NG PILIPINAS.
ITO AY GINAMIT UPANG LIBANGIN ANG MGA TAO SA MGA
ORAS NA WALA SILANG GINAGAWA. DAHIL DITO,
NAKASANAYAN NA ITONG GAWIN NG MGA TAONG
PAGKAKATIPON SA PATAY O SA GABI. HANGGANG SA
KASALUKUYAN MAYROON PA RING MGA TAO NA
NAGSASAGAWA NITO. IYON NGA LAMANG HINDI NA
KASINDAMI NG MGATAO NOON.
ANOANG KAHALAGAHAN
NG BUGTONG?
• Mapalawak ang pag-iisip at imahinasyon.
• Mapaunlad ang talasalitaan.
• Magandang paglilibang.
• Mabuting panghikayat sa mga bata sa pagtatalakay sa
mga aralin.
• Mahasa sa pag-iisip at makasagot nang mabilis.
PANGKATANG
GAWAIN
DALAWANG BATONG ITIM,
MALAYO ANG NARARATING
MGA MATA
KUNG TAWAGIN NILA’Y
“SANTO” HINDI NAMAN
MILAGROSO.
SANTOL
ARAW-ARAW NABUBUHAY,
TAON-TAON NAMAMATAY
KALENDARYO
LUMABAS, PUMASOK, DALA-
DALA AY PANGGAPOS.
KARAYOM
HINDI PARI, HINDI HARI,
NAGDADAMIT NG SARI-SARI.
SAMPAYAN
SALAMAT!
SANGGUNIAN:

MAHILOM, A. B. (2010). GABAY NG MAG AARAL: BUGTONG. GABAY NG MAG


AARAL. HTTPS://TEKSBOK.BLOGSPOT.COM/2010/09/BUGTONG.HTML

‌ AHALAGAHAN NG BUGTONG. (2015, JUNE 18). KAPITBISIG.COM.


K
HTTPS://WWW.KAPITBISIG.COM/PHILIPPINES/TAGALOG-VERSION-OF-RIDDLES-
MGA-BUGTONG-KAHALAGAHAN-NG-BUGTONG_1338.HTML

BUGTONG | PDF. (N.D.). SCRIBD. RETRIEVED FEBRUARY 9, 2024, FROM


HTTPS://WWW.SCRIBD.COM/DOCUMENT/425802011/BUGTONG

FILIPINO.NET.PH. (2023, FEBRUARY 18). BUGTONG BUGTONG HALIMBAWA NA MAY


SAGOT (TAGALOG). FILIPINO.NET.PH. HTTPS://FILIPINO.NET.PH/BUGTONG/

You might also like