You are on page 1of 7

Filipino Grade Eight advancement

Aralin 1: Karunungang Bayan


Karunungang Bayan
• Ang karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng
mga kaisipan at paniniwala.
✓ Ginagamitan ito ng malalalim at matatalinhagang salita.
✓ Kadalasan ding hango ang karunungang bayan sa karanasan ng
matatatanda.

• Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng nga salawikain,


sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong. Karaniwan ang mga ito ay
nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula.

1. Salawikain – Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng


kagandahang asal na galing mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang
kabataan tungo sa kabutihan.
Halimbawa:
• Kung ano ang puno, siya ang bunga.
• Kung walang tiyaga, walang nilaga.
• Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.

2. Sawikain/Idyoma – ang mga sawikain o idyoma ay mga salita o pahayag na


nagtataglay ng talinghaga.
Halimbawa:

• Butas ang bulsa = Walang pera


• Lantang Gulay = Sobrang pagod
• Pag-iisang Dibdib = Kasal
• Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral
• Matigas ang ulo = Di masunurin

3. Kasabihan – ito ay kahalintulad din ng salawikain na mga pahayag na nagbibigay


pangaral tungkol sa kilos, gawi, at pag-uugali ng mga tao. (Hindi gumagamit ng
tayutay o idyomatikong pahayag) (kadalasang may sukat at tugma)
Halimbawa:

• Ang kapalaran hindi man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin.
• Ang mabuting ugali masaganang buhay ang sukli.
4. Bugtong – inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng
mabisang pag-iisip.

• Ang bugtong ay mayroon din sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng dalawa


hanggang apat na taludtod.
• Ang unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa
kapaligiran.
• Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangian
ng bagay na binabanggit sa naung linya.

May dalawang uri ng bugtong


Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas
nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga tagalog ang
pianakamayaman sa bugtong.
1. Mga talinghaga (o enigma), mga suliraning ipinahahayag sa isang metapora o ma-
alegoryang wika na nangangailangan ngkatalinuhan at maingat na pagninilay-nilay
para sa kalutasan.
2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyang
gamit sa tanong o sagot.
Apat na katangian ng tunay na bugtong:
1. Tugma
2. Sukat
3. Kariktan
4. Talinhaga (pinakamahalagang katangian)

Halimbawa:
1. Nagtago si Pedro, labas din ang ulo = Pako
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao = Atis
3. Nanganak ang birhen itonago ang lampin = Saging

5. Palaisipan – ito ay nasa anyong tuluyan (patula) na kalimitang gumigising sa isipan


ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
Halimbawa

• Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Juan, lumundag ang


isa, ilan ang natira?
• May isang bola sa mesa, tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola
nang di man lang nagalawa ang sombrero?
6. Bulong – ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang
ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masamang espiritu.
Halimbawa

• Huwang magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y


napaguutusan.

Aralin 2: Matatalinhagang Pahayag

• Ang Matatalinhagang Pahayag ay ang naiibang paraan natin ng paglalarawan


sa kondisyon, kalagayan, at pagpapahayag ng saloobin. Ang talinghaga ay ang
paraan ng pagsasalita na may lalim at pakipakahulugan bilang repleksyon ng
mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao. Ang mga talinghagang ito ay
nagbibigay ng lalim sa kahulugang nais ipahiwatig nito. Maliban sa Bibliya,
marami ring talinghaga ang matatagpuan sa mga tula, alamat, epiko at iba
pang uri ng akdang-pampanitikan.
Matalinghagang Pahayag / Kahulugan

• magsunog ng kilay / mag-aral nang mabuti


• balitang kutsero / hindi totoo
• mababa ang luha / iyakin
• tulog mantika / mahabang oras ng pagtulog
• nagtataingang kawali / nagbibingi-bingihan
• pinagbiyak na bunga / magkamukha
• bugtong na anak / kaisa-isang anak
• kabiyak ng dibdib / asawa
• ilista sa tubig / kalimutan na
• lakad-pagong / mabagal
Aralin 3: Eupemistikong Pahayag

Eupemistikong Pahayag

• Eupemismo ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit


upang maiwasan ang makasakit ng damdamin.
• Ginagamit ang mga ekspresyong ito upang hindi tuwirang banggitin ang mga
salitang hindi magandang pakinggan, nakabibigla, o maaaring magdulot ng
kahihiyan.
• Ang euphemism o eupemismo o eupemistikong pahayag ay ang paggamit ng
mga salitang nagpapagaan sa bigat ng realidad upang hindi ito lubos na
makasakit ng damdamin, makapagpalungkot, o makapagpagalit.

Halimbawa ng eupemismo tungkol pagkamatay o patay:


1. Sumakabilang-buhay
2. Pantay na ang mga paa
3. Kinuha ng Diyos
4. Yumao
5. Pumanaw
HALIMBAWA NG EUPEMISTIKONG PAHAYAG
Mga halimbawa ng eupemistikong pahayag na may pangungusap:
1. Hikahos sa Buhay = Mahirap
2. Magulang = Maraya
3. Lumulusog = Tumataba
4. Balingkinitan = Payat
5. Tinatawag ng Kalikasan = Nadudumi
6. Sumakabilang Bahay = Kabit
7. Kasambahay = Katulong
8. Mapili = Maarte o Pihikan
9. Malikot ang isip = Masyadong maraming imahinasyon
10. May amoy = Mabuhay
11. Ibaon sa Hukay = Kalimutan na
12. Balat Sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak
13. Butas ang Bulsa = Wala ng Pera
14. Halang ang Bituka = Masamang Tao
15. Mabilis/Makati ang Kamay = Magnanakaw
Hikahos sa buhay = Mahirap
• “Mas marami ang mga hikahos sa buhay ngayon dahil sa inflation at mga
proyekto ng administrasyon na lalong nagpapayaman lamang ng mga burgis
at korporasyon.”
• “Hikahos sa buhay ang marami sa mga manggagawa dahil marami sa kanila ay
hindi nababayaran nang tama, mga kontraktwal, at pinababayaan sila ng mga
kapi talis tang wa lang pu so sa kanyang mga tao.”
Magulang = Maraya
• “Masyado nang magulang ang mga kapitalistang hindi na nga ini-regular ang
kanilang mga manggagawa, binubugbog pa at ipinahaharas sa mga pulisya.”
Lumulusog = Tumataba
• “Kapag sinabi ng tita mo na tumataba ka na, ang sabihin mo na lang
ay lumulusog ka dahil umaasenso ka na at wala naman kamong masamang
lumusog dahil hindi naman pagkain niya ang kinakain mo."
Balingkinitan = Payat
• “Hindi dapat maging balingkinitan para lang masabing sexy. Ang pagiging
sobrang balingkinitan ay resulta rin ng hindi magandang diet.”
Tinatawag ng kalikasan = Nadudumi
• “Tinatawag na ako ng kalikasan. Wala bang c.r. dito?”
• “Bakit ka nagmamadaling makauwi? Tinatawag ka ba ng kalikasan?”
Sumakabilang-bahay = May kabit
• “Kahit pa sumakabilang-bahay ang ama, may tungkulin at mga obligasyon pa
rin ito sa orihinal niyang pamilya.”
• “Ang tsismis dito sa barangay ay sumakabilang-bahay na ang nanay nila, ang
hindi nila alam ay kinukuha itong labandera sa halos buong compound kaya
laging wala sa bahay.”
Kasambahay = Katulong
• “Ito ang aming kasambahay, Sir. Ikukuha ko siya ng SSS, Philhealth, at Pag-IBIG.”
• “Huwag mong nila-lang-lang ang mga kasambahay. Napakamarangal ng
trabaho nila at kung wala sila, ang isang pamilyang nangangailangan nito ay
mahihirapan maging maayos sa bahay at buhay.”
Mapili = Maarte o pihikan
• “Pihikan ka ba sa pagkain o busog ka na?”
• “Hindi ako pihikan sa pagkain. Pihikan akong pumili ng kasintahan.”
Malikot ang isip = Masyadong maraming imahinasyon
• “Ang galing ng nakaisip ng pelikulang ito. Malikot siguro ang isip ng sumulat ng
kwento.”
• “Kailangan ko ng malikot ang isip para maganda ang graphics ng website ko!”
May amoy = Mabaho
• “May amoy na ang ulam. Huwag nang kainin.”
• “Hindi ko gusto ang sumakay ng train dahil may amoy ito lalo na sa hapon.”
Ibaon sa hukay = Kalimutan na
• “Ibaon mo sa hukay para walang makaalam.”
• “Ibinaon mo na yata sa hukay ang birthday ko.”
Balat-sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak
• “Huwag mong asarin iyan. Balat-sibuyas iyan!”
• “Hindi dahil balat-sibuyas siya ay hindi niyo na siya pagsasabihan. Paano siya
matututo?”
Butas na ang bulsa = Wala ng pera
• “Butas na ang bulsa ko, Besh. Tama na foodtrip araw-araw.”
• “Hindi ako sasama sa outing dahil butas na ang bulsa ko.”
Halang ang bituka = Masamang tao
• “Halang ang bituka ng ilang kapulisang humuli ng mga tambay.”
• “Kapag halang ang bituka ng pinuno, nagiging diktadurya ang sistema dahil
gusto niya sunod-sunuran ang lahat sa kanya.”
Mabilis / Makati ang kamay = Magnanakaw
• “Ang mga pulitiko pa ang mas madalas na makakati ang kamay.”
• “Makati ang kamay ng taong iyon kaya siya nasa rehas.”
Aralin 4: Paghahambing ng Magkatulad

Ano ang paghahambing?


Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito at nakatutulong sa
pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad
at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.

Dalawang Uri ng Paghahambing


1. Pahambing na Magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay
may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing, magsing, at
magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa, at pareho.
Halimbawa:

• Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila.

2. Paghahambing na Di-Magkatulad
A. Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.
Ginagamit ang higit, lalo, mas, di-hamak.
Halimbawa:

• Si Ana ay mas mayaman kay Paulo.

B. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.


Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-masyado.
Halimbawa:

• Di-gaanong matangkad si Alex kumpara sa kanyang kapatid.

You might also like