You are on page 1of 11

Wastong Gamit ng

Cohesive Device
Pagpapahayag ng Pagdaragdag

Halimbawa: ganoondin, gayundi, saka, bilang


karagdagan, dagdag pa rito.

Tiyak na halimbawa: Bilang tanda ng paggalang,


nagmamano tayo sa nakatatanda sa atin.
Gayundin, sa ibang bansa sa Asya tulad ng
Tsina at Hapon, naipapakita nila ang kanilang
respeto sa nakatatanda sa pamamagitan ng
pagyuko.
Pagpapahayag ng Kabawasan
Kabuuan

Halimbawa: maliban sa/sa mga/kay/kina,


bukod sa/sa mga/kay/kina.

Tiyak na halimbawa: Maliban kay Eric, lahat


sa klase ay pinayagan na sumama sa
fieldtrip.
Dahilan o Resulta ng Kaganapan o
Pangyayari

Halimbawa: kaya/kaya naman, dahil/dahil sa/sa


mga/kay/kina, sapagkat, dahil dito/bunga nito

Tiyak na halimbawa: Maraming krimen ang


nagaganap na kinasasangkutan ng mga menor
de-edad. Bunga nito, ipinatupad ang curfew sa
mga menor de-edad.
Kondisyon, Bunga, o Kinalabasan

Halimbawa: sana, kapag/sa sandaling/basta’t

Tiyak na halimbawa: Madali lang ang


pagsusulit basta’t nag-aral kayo.
Taliwas o Salungat

Halimbawa: pero, ngunit, sa halip, kahit (na)

Tiyak na halimbawa: Mayroong pagsusulit si


Daniel bukas, ngunit namasyal siya ngayon
sa halip na mag-aral.
Pagsang-ayon o Di Pagsang-ayon

Halimbawa: kung gayon/kung ganoon, dahil


dito, samakatwid, kung kaya

Tiyak na halimbawa: Ayon sa mga doctor,


nakasasama ang paninigarilyo sa kalusugan.
Dahil ditto, itinigil na ni Samuel ang
paninigarilyo.
Pananaw

Halimbawa: ayon sa/sa mga/kay/kina, batay


sa/sa mga/kay/kina, para sa/sa mga/kay/kina,
mula sa pananaw, sa paningin ng/ng mga,
alinsunod sa

Tiyak na halimbawa: Para kay Sarah,


mahalaga ang panloob na katangian bilang
batayan sa pagpili ng mga kaibigan.
Probabilidad, Sapantaha, o
Paninindigan

Halimbawa: maari, pwede,possible, marahil,


siguro, iyak

Tiyak na halimbawa: Kapag hindi ka


nagsesepilyo araw-araw, maaaring masira
ang iyong mga ngipin.
Pagbabago ng Paksa o Tagpuan

Halimbawa: gayunman/ganoon pa
man/gayunpaman, sa kabilang dako/banda,
sa isang banda, samantala

Tiyak na halimbawa: Ang panganay na anak


ni Mang Teban ay masunurin at matulungin.
Samantala, ang bunso naman niyang anak ay
matigas ang ulo at tamad.
Pagbabago ng Paksa o Tagpuan

Halimbawa: sa madaling salita/sabi, bilang


paglilinaw, kung gayon, samakatuwid, kaya,
bilang pagwawakas/konglusyon

Tiyak na halimbawa: Kung walang


pagkakasundo, parating may mag-aaway sa
komunidad. Sa madaling salita, kailangan ng
kooperasyon ng bawat isa.

You might also like