Professional Documents
Culture Documents
PANGURI
PANGURI
Adjective
HALIMBAWA
Masipag , maganda , pula , kalbo ,, mabango , palakaibigan , mahiyain.
oAng gumamela ay pula.
oSi Maria ay masipag.
oAng babae ay maganda.
PAMILANG
Nagpapakilala ng nilang, halaga o dami ng pangngalan
o panghalip.
DI-TIYAK TIYAK
Mga Isa
Marami Sampu
Kaunti Tig-apat
HALIMBAWA
Marami , mga tatlo , kalahati , ika-pito , buo , pangalawa , sandaan.
HALIMBAWA
o Si Eric ay matangkad.
o Matamis ang hinog na mangga.
o Makinis ang balat niya.
o Siya ay masiyahing tao.
PAHAMBING
Naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o
panghalip.
Mas , lalo , pinaka , napaka , higit na , parehong , di
gaanong , magkasing at ubod.
HALIMBAWA
-Mas matangkad si ben kaysa kay sam.
-Higit na mas Malaki ang pakwan kaysa sa ubas.
PASUKDOL
Katangiang nangingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan.
HALIMBAWA
-Pinakamatangkad sa klase si ely.
-Napakalaki ng bahay.
MAGKASINGKAHULUGAN
=Ang pares ng salita kung pareho ang kahulugan.
HALIMBAWA
Matalino - Marunong
Masipag - Matiyaga
MAGKASALUNGAT
= Ito naman ay kung hindi-pareho ang kahulugan o
kabaliktaran ang salita.
HALIMBAWA
Pandak – Matangkad
Manipis - Makapal
MGA URING KAUGNAY NG PANDAMA
1. PANINGIN- Kaugnay ng nakikita.
Halimbawa: Luntiang hardin.
2. PANLASA- Kaugnay ng nalalasahan,
Halimbawa: Mapait na ampalaya.
3. PANDINIG- Kugnay ng naririnig.
Halimbawa: Maugong na sasakyan.
4. PANG-AMOY- Kaugnay ng naaamoy.
Halimbawa: Mabangong bulaklak.
5. PANGHIPO- Kaugnay ng nararamdaman o nasasalat.
Halimbawa: Magaspang na lupa.