Professional Documents
Culture Documents
Kaantasan NG Pang Uri
Kaantasan NG Pang Uri
PANG URI
Pang-uri
• Salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o
panghalip.
Halimbawa
kulay – asul hitsura - maganda
bilang – tatlo hugis - parisukat
dami – isang kilo laki - mataas
Kaantasan ng pang-uri
LANTAY
- Naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip
Halimbawa
Si Cardo ay maliit.
Masarap ang luto ni Aling Puring
• PAHAMBING
- Paghahambing ng dalawang bagay, tao, pook o pangyayari.
- mas, lalo, higit na, parehong, di gaanong, magkasing.
Halimbawa
Mas maiit si Cardo kaysa kay Jerome.
Higit na masarap magluto ang aking ina kaysa kay Aling
Puring
PASUKDOL
- nangangahulugang pamumukod ng katangian sa iba o sa
lahat. Nilalapian ng “pinaka”, “”napaka”, “ubod”, atbp upang
matukoy ang pamumukod ng katangian sa iba.
Halimbawa
Pinakamaliit si Cardo sa klase.
Napakasarap magluto ang aking Ina ng tinulang manok.