You are on page 1of 8

KAANTASAN

NG PANG-URI
1.Lantay- Ang isang pangngalan o panghalip ay
inilalarawan lamang. Hindi ito inihahambing sa
ibang panghalip o pangngalan.

Halimbawa:

Ang paglalaro ng mga online games ay nakakaaliw.


2. Pahambing- Ginagamit ang pahambing na antas
upang ihambing ang katangian ng dalawang
pangngalan o panghalip. Maaaring magkatulad or di
magkatulad ang mga ito.
-Magkatulad
Halimbawa:
Magkasingbait sina Luisa at Ricardo.

- Di magkatulad
Halimbawa:
Mas mabait is Noel kaysa kay Nora.
3. Pasukdol- Sa paghahambing ng tatlo o higit pang
pangngalan o panghalip, ginagamit ang kaantasang
ito. Sinasabit nito na ang katangian ng isang
pangngalan o panghalip ang pinakamatindi o
nakahihigit sa lahat.

Halimbawa: Ubod nang tamis ang halo-halo sa restawran.


mas masipag/magkasing-sipag ubod ng sipag

magkasing-bigat/mas mabigat pinakamabigat

magkasing-taas/mas mataas walang kasing-taas

mas masayahin pinakamasayahin


magkasing-alat/mas maalat walang kasing-alat
mas nakakatakot lubhang nakakatakot

makasing-talim/mas matalim pinakamatalim


makasing-lansa/mas malansa pinakamalansa
makasingkinis/mas makinis ubod ng kinis
Makasing-asim/mas maasim pinakamaasim
A. Panuto: Isulat sa patlang kung lantay,pahambing o
pasukdol ang mga sumusunod na nakasalungguhit na
pang-uri.
________1. Mas maputi si Lorna kaysa kay Luisa.
________2. Pinakamalaki si Diego sa magpipinsan.
________3. Kapwa mabait ang mag-asawang Kanor at
Auring.
________4. Malapit lang ang simbahan sa aming bahay.
________5. Lubhang kaunti ang dumalo sa larong
pambansa.
B. Panuto: Isulat sa tsart ang pahambing at pasukdol na
kaanyuan ng sumusunod na mga pang-uring lantay.
Lantay Pahambing Pasukdol
malinis
matayog
matapat
maliksi
malawak

You might also like