You are on page 1of 3

SAN JOSEF GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

National High School Unang Markahan, Ikalawang Linggo

Lesson 1.2: (Paghahambing)

PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO

F8WG-Ia-c-17 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong,


salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag)

Sa pagtatapos ng aktibiti, ikaw ay inaasahang:


1. Nakikilala ang magkatulad at di-magkatulad na paghahambing sa isang pangungusap.
2. Nakabubuo ng mga paghahambing gamit ang mga karunungang-bayan.

ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

1. Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian.
Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay ng
mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho.

Mga Halimbawa:
Magkasingtangkad si Kuya at ang aming bagong kaklase.
Parehong marunong sumayaw ang kambal na sina Jessie at Jay.
Maasim ang mukha niya gaya ng mangga.

2. Paghahambing na di-magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.

May dalawang uri ito:

 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga salitang tulad
ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino.

Mga Halimbawa:
Di-gaanong matamis ang fruit salag na gawa ni Mama kaysa sa tinda sa kantina.
Di-lubhang malala ang sinapit na aksidente ni Mang Elmo kaysa kay Kuya Kim na
bumangga sa poste.

 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,


gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at di-hamak.

Mga Halimbawa:
Higit na ikinabagsak ng ekonomiya ng Pilipinas ang nangyaring pandemya kaysa sa
pagdating ng mga kalamidad.
Labis na pangamba ang idinulot ng COVID-19 kaysa sa masamang ulat ng panahon.

1
ISAGAWA MO!

Pagpapaunland na Gawain Blg. 1: TUMPAK O PALPAK!


Basahin at unawaing mabuti ang,mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek () ang pangungusap kung ito ay nabibilang
sa Magkatulad at ekis () naman kung Di-magkatulad. Ilalagay ang sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Maganda ang boses ni KC gaya ng huni ng isang ibon.

______2. Di-lubhang natamaan ng nakahahawang sakit ang mga residente sa probinsya kaysa sa lungsod.

______3. Magkasingganda si Bea at ang kanyang idolo sa pagkanta.

______4. Matamis ang ngiti ni Anna nang dumalaw ang kanyang maliligaw tulad ng asukal.

______5. Di-hamak na nkakatakot ang mahawa ng sakit na COVID-19 kaysa sa pagkakaroon ng ubo.

______6. Kapwa mababait ang mga anak ni Aling Teresa.

______7. Parehong mahusay sa pagtugtog ng piyano si Karylle at ang kanyang bunsong kapatid.

______8. Di-gasinong sumasayaw si Lucky kaysa kay Lovely.

______9. Higit na marami ang nahawaan ng sakit sa Pilipinas kaysa sa Amerika.

______10. Di-totoong malawak ang paaralan ng elementarya kaysa sa hayskul.

Pagpapaunland na Gawain Blg. 2: K U P L E U H N M A O


Kumpletuhin ang mga sumusunod na Karunungang-bayan. Piliin ang wastong salita upang mabuo ang diwa ng
Karunungang bayan. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa bawat bilang.
1. Kapag may _________, may nilaga

2. Ang hindi lumingon sa pinaggalingan, di makararating sa _________

3. Kapag may _________, may madudukot

4. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang _________

5. Kung ano ang _________, gayon din ang bunga

6. Aanhin mo ang _________, kung patay na ang kabayo

7. Mabulaklak na _________

8. Ang taong walang _________, nasa loob ang kulo

9. May ________ ang lupa, may pakpak ang balita

10. Bukam_________

2
Pagpapaunland na Gawain Blg. 3: PAGHAHAMBINGANG-BAYAN
Sa pagkakataong ito ay pagsasamahin natin ang Paghahambing at Karunungang-bayan.
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na karunugang-bayan. Bumuo ng mga paghahambing gamit ang mga
karunungang-bayan. Isulat ang sa kahon ang iyong sagot.

Halimbawa:
Karunungang bayan: anak sa pagkadalaga
Panlapi o salitang gagamitin sa Paghahambing: pareho
Pangungusap: Parehong anak sa pagkadalaga ang magkapatid na Anna at Elena sa kanilang ikalawang pamilya.

1. Karunungang bayan: buto’t balat


Panlapi o salitang gagamitin sa
Paghahambing: Kapwa

2. Karunungang bayan: bukas-palad


Panlapi o salitang gagamitin sa
Paghahambing: gaya

3. Karunungang bayan: balat-sibuyas


Panlapi o salitang gagamitin sa
Paghahambing: Di-gaano

4. Karunungang bayan: tulog-mantika


Panlapi o salitang gagamitin sa
Paghahambing: pareho

5. Karunungang bayan: utak-matsing


Panlapi o salitang gagamitin sa
Paghahambing: Di-hamak

PANGWAKAS NA GAWAIN

Malaki ba ang naitulong ng Paghahambing upang mas malaman ang ideya ng isang Karunung-bayan? Patunayan.
__________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng isang Karunungang-bayan bilang mag-aaral?


__________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

You might also like