You are on page 1of 2

PANG-URI

ay salalitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

kulay-asul

bilang- tatlo

dami- isang kilo

hitsura- maganda

laki-mataas

hugis-parisukat

URI NG PANG-URI

Panglarawan- nagpapakilala ng pangngalan o panghalip.

hal. masipag, maganda, pula, kalbo, mabango, palakaibigan, mahiyain...

Pamilang- nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng pangngalan o panghalip.

hal. marami, mga, tatlo, kalahati, ikapito, buo, pangalawa, sandaan

KAANTASAN NG PANG-URI

Lantay- naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip.

hal. Si Eric ay matangkad.

Pahambing- naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

-mas lalo, pinaka, napaka, higit na, parehong, di gaanong, magkasing, magsing, ubod

hal. Mas matangkad si Ben kaysa kay Eric.

O magkasingtangkad sina sila?

Pasukdol- katangiang nangingibaw sa lahat ng pinaghahambingan.

hal. Pinakamakatangkad sa klase si Ely.

Magkasingkahulugan- ang pares ng salita kung pareho ang kahulugan.

hal. matalino- marunong, masipag-matiyaga


Magkasalungat- kung hindi pareho ang kahulugan o kabaliktaran ng salita.

hal. pandak-matangkad, manipis-makapal

Mga Pang-uring kaugnay ng Pandama

1. Paningin- kaugnay ng nakikita.

hal. luntiang hardin

2. Panlasa- kaugnay ng nalalasahan

hal. mapait na ampalaya

3. Pandinig- kaugnay ng naririnig

hal. maugong na sasakyan

4. Pang-amoy- kaugnay ng naaamoy

hal. mabangong bulaklak

5. Panghipo- kaugnay ng nararamdaman o nasasalat

hal. magaspang na liha

You might also like