You are on page 1of 3

Kayarian ng Pang-uri

May apat na anyo/kayarian ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:

Payak - Ito ay binubuo ng mga salitang-ugat lamang.

Halimbawa: hinog, sabog, ganda

Maylapi - Ito ay mga pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at panlapi.

Halimbawa: tinanong, kumakain, pagmahal

Inuulit - Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.

Halimbawa: pulang-pula, puting-puti, araw-araw, gabi-gabi (Hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo,
paru-paro)

Tambalan - Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.

Halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko, bahag buntot

Uri ng Pang-uri
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:

Panlarawan - Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at hugis ng mga pangngalan o
panghalip. Halimbawa: munti, biluhaba, matamis, malubha

Pantangi - Sinasabi nito ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at
isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay
naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana. Halimbawa: wikang Ingles, kulturang
Espanyol, pagkaing Iloko

Pamilang - Ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan o


panghalip. May ilang uri ito.

Patakaran - Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral.
Halimbawa: isa, apat, limang libo

Panunuran - Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o bagay.


Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay.

Halimbawa: ikatlo, una, pangalawa

Pamahagi - Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng
pantay na pamamahagi (equal distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o
natanggap ay parepareho.

Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang (fraction sa Ingles) ang pamahaging pamilang.
Ginagamit din ang salitang bahagdan, persentahe, o porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng
isang daan. Halimbawa: kalahati, limang-kawalo, sangkapat
Pahalaga - Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o anumang binili o bibilhin.

Halimbawa: piso, limampung sentimo, sandaang piso

Palansak - Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o bagay. Itinutukoy nito ang bilang na
bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama.

Halimbawa: dalawahan, sampu-sampu, animan

Patakda - Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi na
madadagdagan o mababawasan pa.

Halimbawa: iisa, dadalawa, lilima

Antas ng Hambingan ng Pang-uri


May tatlong antas ng hambingan ng pang-uri.

Lantay - Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip.

Halimbawa: maliit, kupas, mataba

Pahambing - Ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

Magkatulad - Ito ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamitan ito ng mga
unlapi tulad ng ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.

Di-magkatulad - Ito ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o
pagsalungat.

Palamang - may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambing.


Gumagamit ng higit, lalo, mas, di-hamak at iba pa.

Pasahol - may hugit na negatibong katangian ang pinaghahambingan Gumagamit ng di-gaano, di-gasino,
di-masyado at iba pa.

Pasukdol - Ito ang pinakadulong digri ng kaantasan. Ito ay maaaring positibo o negatibo. Ang
paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumagamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga,
saksakan, hari ng ___, at kung minsa'y pag-uulit ng pang-uri.

Pahambing
Lantay Pasukdol

Magkatulad Di-magkatulad

Palamang Pasahol

Pangit Kasing-pangit Higit na pangit Di-gaanong pangit Pinakapangit

Maganda Singganda Mas maganda Di-masyadong maganda Ubod ng ganda

Mabango Magkasing-bango lalong mabango Di-gasinong mabango Tunay na mabango


Antas ng Paglalarawan ng Pang-uri
Tatlo ang antas ng paglalarawan ng pang-uri. Ang mga antas na ito ay walang paghahambing.

Lantay - Ito kapag payak o karaniwang anyo ng pang-uri ang ginagamit sa paglalarawan.

Halimbawa: matalino, palatawa

Katamtaman - Ito kapag sinasamahan ng mga salitang medyo, nang kaunti, nang bahagya o pag-uulit ng
salitang-ugat o unang dalawang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa: medyo mataba, malakas nang bahagya, malakas-lakas, matabang nang kaunti

Masidhi - Ito kapag gumagalit ng napaka, ubod ng, saksakan ng, talagang, sobrang, masyadong at pag-
uulit nang buo ng pang-uri. Ang paglalarawan sa antas na ito ng katangiang taglay ng pangngalan o
panghalip ay matindi o sobra.

Halimbawa: napakalakas, ubod ng bait, talagang mabango, makinis na makinis

Kailanan ng Pang-uri:
May tuntuning sinusunod sa pag-buo ng kailanan ng pang-uring ginagamitan ng panlapi.

Isahan - Kung naglalarawan sa isang pangngalan/panghalip, ginagamit ang ma- at salitang-ugat.

Halimbawa: masaya, maungkot

Maramihan - Kung naglalarawan sa dalawa o mahigit pang pangngalan/panghalip, ginagamit ang ma- at
inuulit angunang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Halimbawa: maliliit, magaganda

Hindi na kailangan gamitin ang salitang mga kung magkasunod ang pangngalan at pang-uring
ginagamitan ng pag-uulit ng unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Halimbawa: "Ang magagandang damit ay kasya kina Erica at Bel."

You might also like