You are on page 1of 36

PANG-URI

INIHANDA NILA:
WMSU DELA TORRE, DANIELA MONIQUE B.
DELOS SANTOS, LEA S.

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY


Pang-uri
• Ito ay salitang naglalarawan o
nagbibigay turing sa mga pangngalan
o panghalip.

Halimbawa:
1. Hugis-bilog ang bola.
2. Siya ay maganda.
Uri ng
Pang-uri
Uri ng Pang-uri
1) Panlarawan
• Ang tawag sa mga salitang
naglalarawan ng katangian, kulay, lasa,
anyo, hugis, at laki.
Halimbawa:
mabait, matalino, itim, maasim, malaki,
malubha.
Halimbawa sa pangungusap:
1. Si Jane ay mabait.
2. Si Rafael ang may suot na itim na
pantalon kahapon.
3. Iniiwasan ni Kino ang maasim na
mangga.
4. Malubha ang kalagayan ng nanay ni
Ali.
2) Pantangi
• Ito ay binubuo ng isang pangngalang
pambalana at isang pangngalang
pantangi.
• Naglalarawan o tumutukoy sa uri ng
pangngalang pambalana.
Halimbawa sa pangungusap:
1. Si Teffany ay mahusay sa wikang
Filipino.
2. Si Ashley ay mahilig sa mga pagkaing
Koreano.
3) Pamilang
• Nagpapakilala ng bilang, halaga o rami
ng pangngalan o panghalip.
• May ilang uri ng pang-uring pamilang.
Uri ng Pang-uring Pamilang
1. Patakaran
– Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang
ng tao o bagay.

Halimbawa:
1. Bumili si Daniela ng apat na omelette
burger.
2. Mayroong dalawang babae ang
lumabas sa kotse.
2. Panunuran
– Nagsasaad ng posisyon ng
pangngalan sa pagkasunod-sunod
ng mga tao o bagay.
Halimbawa:
1. Si Kai ang pang-apat na mag-aaral
na nakakuha ng mataas na marka sa
pananaliksik.
2. Sinagutan ni Ashley ang pagsasanay
sa ika-pitong pahina ng aklat.
3. Pamahagi
– Ito ay nagsasaad ng bahagi ng
kabuoan ng pangngalan.
– Ang unlaping tig ay nagsasaad ng
pantay na pamamahagi.
– Maaari rin na may anyong
bahagimbilang o hating-bilang ang
pamahaging pamilang.
Halimbawa sa pangungusap:
1. Bumili ako ng kalahating kilo ng
karneng Manok.
2. Tig-iisang ballpen ang ibibigay sa
mga mag-aaral.
3. Umabot na sa limampung porsiyento
ng mga mag-aaral ang
nabakunahan sa Pamantasang
Pampamahalaan ng Kanlurang
Mindanao.
4. Pahalaga
– Ito ay nagsasaad ng halaga ng
bagay o anumang binili o bibilhin.
Halimbawa:
1. Nakatanggap ng isang libong
pisong regalo si Lani kahapon.
2. Nabili ko ng isang daang piso ang
kuwaderno sa shopee.
5. Palansak
– Ito ay nagsasaad ng
pagpapangkat-pangkat ng mga
tao o bagay.
– Itinutukoy nito ang bilang na
bumubuo sa isang pangkat ng tao
o bagay na pinagsama-sama.
Halimbawa sa pangungusap:
1. Sampu-sampu ang mga tao na
idinadagdag sa bawat silid.
2. Dalawahan ang mga upuan sa
bawat silid-aralan.
6. Patakda
– Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang
ng pangngalan. Ang bilang na ito
ay hindi na madadagdagan o
mababawasan pa.
Halimbawa sa pangungusap:
1. Ang ama nina Yna at Ana ay iisa.
2. Dadalawang miyembro lamang ng
pamilya ang maaaring bumisita sa
ospital.
Kaantasan ng
Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uri

1) Lantay
• Naglalarawan ng isang pangngalan o
panghalip.
Halimbawa:
a. Si Sophie ay maganda.
b. Si Agatha ay matangkad.
Kaantasan ng Pang-uri

2) Pahambing
• Naghahambing sa dalawa o higit pang
pangngalan.
• Ang pahiwatig na paghahambing ay
metaphor, isang uri ng panghahambing
ng dalawang bagay na magkaiba.
Halimbawa sa pangungusap:
1. Si Gina ay mas matangkad kaysa kay
Jane.
2. Mas Malaki ang bilang ng mga babae
sa aming klase kaysa sa bilang ng
kalalakihan.
Dalawang uri ng Paghahambing

1. Paghahambing na magkatulad
• Ginagamit ito kung ang dalawang
ihinahambing ay antas na katangian ng
isang bagay o anuman.
• Ginagamit ang mga panlaping gaya ng
ka, magka, ga, sing, kasing, magkasing,
magsing, at mga salitang paris, wangis,
gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa:
1. Ang Asya ay kabilang sa pitong
kontinente sa mundo.
2. Ang bag at buhok ni James ay
magkakulay.
2. Paghahambing na Di-magkatulad
• Itong uri ng paghahambing ay
nagbibigay ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi o pagsalungat sa
pinatutuyang pangungusap.
• Ito ay may dalawang uri: hambingang
pasahol at hambingang palamang.
o Hambingang Pasahol
– may mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na
inihahambing.
– Ginagamit ang mga salitang lalo, di-
gasino, di-gaano, at di-totoo upang
maipakita ang ganitong uri ng
paghahambing.
Halimbawa:
1. Mas naging masipag lalo si Lorel
kaysa kay Jewel.
o Hambingang Palamang
– May mahigit na katangian ang
inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan.
– Naipapakikita ito sa tulong ng mga
salitang lalo, higit o mas, labis, at di-
hamak.
Halimbawa:
1. Higit na maunlad ang Manila sa
Zamboanga.
2. Labis ang pagmamahal ni Havriel kay
Sierra.
Kaantasan ng Pang-uri
3) Pasukdol
• Katangiang nangingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan. Ito ay maaaring
negatibo o positibo.
• Ang paglalarawan dito ay sadyang
masidhi kaya ginagamit ang mga
salitang sobra, ubod, pinaka, tunay,
talaga, saksakan at kung minsan ay
inuulit ang pang-uri.
Halimbawa:
1. Si Angela ang pinakamatangkad sa
magkakapatid.
2. Si Jake ay ubod ng bait.
Kayarian ng
Pang-uri
Kayarian ng Pang-uri
1. Payak – ito ang pinakasimpleng anyo
ng pang-uri. Binubuo ito ng salitang-
ugat lamang.
Halimbawa:
o Ang mangga ay hinog na.

2. Maylapi – ang mga pang-uri ay binubuo


ng salitang ugat at panlapi.
Halimbawa:
o Si Qaileena ay matalino.
o Ang damit ni Blanche ay mabango.

3. Inuulit – binubuo ito sa pamamagitan ng


pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.
Halimbawa:
o Ang liliit ng mga pusa ni Lani Mae.
o Ang puti-puti ng uniform ni Christel.
4. Tambalan – binubuo ito ng dalawang
magkaibang salitang pinagsama o
pinagtambal na maaaring magkaroon ng
pangalawang kahulugan.
Halimbawa:
o Ang pamangkin ko ay balat-sibuyas.
o Si Migo ay utak-matsing.
Pagsasanay

A. Ibigay ang hinihingi sa bawat


bilang.

1. Ano ang Pang-uri?


2-4. Ano-ano ang tatlong uri ng Pang-
uri?
5-10. Ano-ano ang anim na uri ng
Pang-uring Pamilang?
B. Pagkakakilanlan

11. Ito ay kaantasan ng pang-uri na


naglalarawan sa isang pangngalan o
panghalip.
12. Ito ay kayarian ng pang-uri na
binubuo ng salitang ugat at panlapi.
13. Isang kaantasan ng pang-uri na
naghahambing ng dalawang bagay
na magkaiba.
14. Ito'y kaantasan ng pang-uri na
ang paglalarawan dito ay sadyang
masidhi at maaring negatibo o
positibo.
15. Ito ay kayarian ng pang-uri na may
pinakasimpleng anyo.
Maraming Salamat
sa pakikinig at
nawaý may
natutuhan kayo!

You might also like