You are on page 1of 7

Filipino 8

Paghahambing at
Pag-unawa sa Binasa

Pangalan : ________________________________________
Seksiyon : ________________________________________

Filipino 8
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalarawan ng dalawa o higit pang
katangian o kalagayan. Isa rin itong pamamaraan sa pag-uugnay ng maaaring magkaiba o
magkatulad na katangian o kalagayan

May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing:


1. Paghahambing na Magkatulad
- Ginagamit ito kung ang dalawangpinaghahambing ay may patas o pantay na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing-, sing-, magsing-,
magkasing-, o kaya ay mga salitang gaya, katulad, paris, kapwa at pareho,

 magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad


Halimbawa: Magkakutis porselana ang kambal na sina Ana at Ena.
 sing- (sim-/sin-) nagagamit sa lahat ng uri ng paghahambing na magkatulad
Halimbawa: Simbilis ng kidlat tumakbo ang mga manlalaro.
 Ang maramihang sing- ay naipapakita sa pag-uulit ng unang pantig ng
salitang-ugat.
 kasing- (kasin-/kasim-) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing,
 (sin/sim). Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang huwaran ng
pagkabuo: kasing + salitang ugat + ng/ni + pangngalan + si/ang + pangngalan.
Halimbawa: Kasintalino ni ate si kuya.
 magsing- (magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng
pangungusap.
Halimbawa: Ang dalawang basket bolista ay magkasintangkad.
 ga-(gangga-)-nangangahulugan ng gaya, tulad, paris
Halimbawa: Ganggamunggo ang pawis na tumulo sa kaniyang mga noo

2. Paghahambing na Di-magkatulad
a. Pasahol. Pasahol ang pang-uri kung ang inihahambing ay may mas maliit o mas
mababang katangian. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng digaaano, di-
totoo, di-lubha o di-gasino.

b. Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang nakatangian.


Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay - kung ngalang tao
ang pinaghahambing, /kaysa/ kaysa sa – kung ngalang bagay/ pangyayari.
Halimbawa: Lalong nakatatakot ang mga pangyayari sa paligid ngayon kaysa
noon.

c. Di-gasino – tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao.


Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing kabilang ang gaya,
tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.
Halimbawa: Di-gasinong malawak ang pang-unawa ng mama gaya ng ale.

d. Di-gaano – tulad ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang


ginagamit.
Halimbawa: Di-gaanong mabilis ang takbo ng dyip na nasakyan ko kahapon
kaysa kaninang umaga.

e. Di-totoo – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri.


Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at-di-gaano.
Halimbawa: Di-totoong wala nang taong nagmamalasakit sa kapwa sa panahon
ngayon kaysa noong unang panahon.

3. Palamang. Ginagamit ang pahambing na palamang kung ang ikinukumpara ay may


mas mataas o nakahihigit na katangian. Gumagamit ito ng mga salitang higit, lalo,
mas, labis, at di-hamak.
1. Lalo – Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at hindi kasahulan
kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan,
kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.

Halimbawa: Lalong nakamamangha ang ganda ng tanawin sa aming bayan


kaysa sa bayang ito.

2. Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili nagsasaad ng kalamangan kung


ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa: Higit na kapuri-puri ang pagdaraos ng SEA games ngayong 2019
sa ating bansang Pilipinas kaysa sa nagdaang edisyon ng pagdaraos nito ditto

3. Labis- tulad din ng higit o mas


Halimbawa – Labis na kahanga-hanga ang kabutihang ipinamalas ng Pinoy
surfer na si Roger Casugay sa pagsagip sa katunggaling Singaporean surfer
kaysa sa iba pang mga manlalaro.
4. Di-hamak – kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri.
Halimbawa: Di-hamak ang positibong pagtanggap kay Lea Salonga bilang Kim
sa Miss Saigon sa kaniyang iniisip na pagtanggap sa kaniya.

Epiko
- ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat
sa lipi ng mga Diyos o Diyosa.
- Ang paksa ng mga Epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang
paglalakbay at pakikidigma.
- Ang salitang Epiko ay galing sa Griyego na “epos” na nangangahulugang
salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

Hudhud:
Ang Kuwento ni Aliguyon
(Epiko ng mga Ifugao)
Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang
mandirigmang Ipugaw na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni Antalan,
isa ring mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong ng kanyang
ama. Ang unang larangan ng digma ni Aliguyon ay ang matitigas na lupa sa tabi ng kanilang
tahanan. Ang unang sandata niya ay ang trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong
ito ay ang mga bata rin sa kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang kanyang
trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo,
tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng kanyang kalaban.
Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit ng buhay ng
matapang na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at matutuhan
ang mga makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon.
Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng
loob. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal
na niyang kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang-handa na si Aliguyon,
nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni
Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki
nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama
sa pakikipaglaban upang maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan.
Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa
pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng sibat.
Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng
sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang kalaban.
Aabangan ng matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib.
Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at
nagmistulang awit sa hangin.
Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang
humahanging sibat. Saksakin mo siya, Dinoyagan!
Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.
Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot ng linggo, ng
buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-lundag,
patalun-talon sa mga taniman.
Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila
ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa sila’y lubusang huminto ng pakuluan ng sibat.
Walang nasugatan sa kanila. Walang natalo.

PAG-UNAWA SA BINASA
Ang pag-unawa sa akda ay prosesong pangkaisipan sa anumang babasahing mga
teksto na maaaring maiuugnay sa sariling karanasan ang mga impormasyong nilalaman nito
upang mabigyang kahulugan.

1. Pagkilala ng Layunin
 Ayon sa diksiyunaryo ang layunin ay tumutukoy sa tunguhin, pakay o
hangarin. Sa pagbabasa ng akda isa sa mga kasanayan sa pagbasa ay
ang pagkilala sa layunin ng tekstong binasa. Maaaring ang nais
iparating ng manunulat ay magbigay impormasyon, mang-aliw o
manghikayat.
Halimbawa: Naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang tiyak
na karanasan o sitwasyon?

2. Paghihinuha
 Ayon sa diksiyunaryo, ang hinuha ay ang nabubuo sa isip ng
sinuman tungkol sa anumang bagay, batay sa sariling kuro-kuro at
palagay. Nakapagbibigay ang mambabasa ng hinuha kapag
nailalarawan niya ang pangyayari sa nabasa nang may reaksiyon na
parang nasaksihan niya ang tunay na mga pangyayari.

Ang Epiko ng Nalandangan:


Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin

Pinilit ni Matabagka ang kaniyang kapatid na si Agyu na sabihin sa kaniya


ang babalang ibinahagi ng tumanod (gabay na kaluluwa). Napansin kasi ni Matabagka na
hindi mapakali ang kaniyang kapatid noong nakaraang mga araw
dahil sa babalang ito.
Ikinuwento ni Agyu na sinabi sa kaniya ng tumanod na naghahandang
lusubin ni Imbununga ang Nalandangan, ang kaharian ni Agyu. Kapag nangyari
ito, mawawasak ang Nalandangan at mamamatay ang lahat ng nakatira rito, dahil
si Imbununga ang may hawak ng makapangyarihang taklubu, na kayang lumikha
ng napakalakas na mga ipuipo, at ang baklaw, kung saan nakatira ang
pinakamarahas na mga bagyo.
Nang marinig ito, tumawa lang si Matabagka, at sinabi sa kapatid na wala
siyang dapat ipag-alala. Iniwan ni Matabagka si Agyu, pumunta sa kaniyang silid,
at naghanda upang umalis.
Kinuha niya ang kaniyang libon - ang sisidlan ng mga nganga at kung ano-ano pa.
Sumakay siya sa kaniyang sulinday, isang malaking salakot na nakalilipad.
Tahimik na tahimik siyang lumipad palayo ng Nalandangan. Nang malaman ni Agyu
ang pag-alis na ito ng kaniyang kapatid, nag-utos siya sa kaniyang mga kawal na hanapin ito.
Nagpadala siya ng mga sundalo upang harangin si Matabagka at ibalik siya sa Nalandangan.
Malayo ang nilipad ni Matabagka, ngunit narating niya ang bahay ni Imbununga. Bumaba
siya sa gitna ng silid kung saan nakaupo si
Imbununga, na nagulat sa biglang paglitaw ng isang napakagandang dalaga sa
kaniyang harapan. Para kay Imbununga, parang isang sinag ng araw ang pagdating ni
Matabagka.
Nagkunwari si Matabagka na naligaw lamang papuntang Nalandangan.
Nagtanong kung paano makapunta rito, sa pag-iisip na sasabihin ni Imbununga
ang ilan sa mga plano niya sa paglusob sa Nalandangan. Hindi nagtagumpay ang
plano ni Matabagka. Sinabi ni Imbununga na hindi siya magbibigay ng kahit anong
impormasyon hangga’t hindi siya pinakakasalan ni Matabagka. Hindi rin makaaalis si
Matabagka dahil pinipigil ni Imbununga ang paglipad ng sulinday gamit ang kaniyang
kapangyarihan ng hangin. Napilitan si Matabagka na pakasalan si Imbununga. Samantala,
hindi rin nagtagumpay ang paghahanap ng mga tauhan ni
Agyu kay Matabagka. Naging mabuting asawa si Matabagka. Ngunit hindi niya
nalilimutan ang kaniyang misyon. Nang makita niya kung saan itinatago ni
Imbununga ang taklubu at baklaw, nag-isip siya agad ng isang plano.
Binigyan ni Matabagka ng isang nganga na may halong pampatulog si
Imbununga. Nang bumagsak ang diyos at nakatulog dahil sa nganga, agad na kinuha ni
Matabagka ang taklubu at baklaw, at tumakas sakay ng kaniyang sulinday.
Nang magising si Imbununga, napansin niya agad na nawawala si
Matabagka. Napansin niya rin na nawawala ang kaniyang taklubu at baklaw.
Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na habulin ang tumakas na si Matabagka.
Gamit ang kaniyang kapangyarihan ng hangin, pinigil ni Imbununga ang paglipad ng
sulinday. Bumagsak ito sa dalampasigan, sakay si Matabagka.
Nahabol ng mga sundalo ni Imbununga si Matabagka. Subalit napakahusay
makipaglaban ni Matabagka na napatay niya ang marami sa mga sundalo.
Nahihirapan ang mga sundalong makipaglaban sa kaniya, lalo na dahil iniutos ni
Imbununga sa kanilang huwag siyang sugatan. Tumagal ang labanan nang maraming araw.
Nakarating ang ingay ng labanan sa mga sundalo ni Agyu, na napadaan sa
dalampasigan. Sumugod ang mga sundalo at tinulungan nilang makatakas si Matabagka.
Dumiretso siya sa Nalandangan.
Natuwa si Agyu na makita si Matabagka. Sa pagkapagod, ni hindi makaakyat ang
babaeng kapatid sa hagdan paakyat ng kanilang bahay. Agad siyang inalagaan ng mga
manggagamot, at binigyan ng nganga na may kakayahang magbalik ng lakas ng sinumang
ngumuya nito.
Ikinuwento ni Matabagka kay Agyu ang lahat ng nangyari, lalong-lalo na ang pag-
aalala sa kaniya ni Imbununga at ang utos ng diyos
sa kaniyang mga sundalong huwag siyang sasaktan.
Naisip ni Agyu na tapusin na ang laban, at makipag-usap kay Imbununga. Nagpunta
siya sa dalampasigan, at hinarap niya nang mapayapa ang diyos ng hangin. Pumayag si
Imbununga na wakasan na ang digmaan kung malalaman lang niya ang nagnakaw ng
kaniyang taklubu at baklaw. Ikinuwento ni Agyu ang lahat, mula sa babalang natanggap niya
hanggang sa ginawang pagnanakaw ni Matabagka.
Ngumiti nang malaki si Imbununga, at nagpahayag ng paghanga sa
katapangan ni Matabagka. Subalit napawi ang ngiting ito nang makita niya ang
napakaraming namatay dahil sa digmaan. Sinabi ni Agyu na kayang ibalik ni Matabagka ang
lahat ng pumanaw. Dahil dito, ipinatawag ang bayaning babae, at iniutos na bitbitin din ang
taklubu at baklaw.
Nang makarating sa dalampasigan, ibinalik ni Matabagka ang taklubu at
baklaw sa diyos ng hangin. Iwinasiwas ni Imbununga ang taklubu, at umihip angisang
napakalakas na ipu-ipo sa mga naglalabang sundalo. Nanghina ang mga sundalo dahil sa
malakas na hangin, kung kaya’t natigil silang lahat sa pakikidigma.
Nang matapos ang digmaan, isa-isang nilapitan ni Matabagka ang katawan ng mga
pumanaw. Sinubuan niya ng isang ngangang nakapagbibigay ng buhay ang bawat isa sa mga
patay. Nawala ang mga sugat ng mga ito; at ilang saglit pa, muli.
Pumunta ang lahat ng mga sundalo—kay Agyu at kay Imbununga—sa Nalandangan.
Nagdaos sila ng pista upang ipagdiwang ang pagsasanib ng puwersa ng bayani ng Bukidnon
at ng diyos ng hangin ... na hindi magiging posible kung hindi dahil sa katapangan ng
babaeng bayaning si Matabagka

You might also like