You are on page 1of 2

UNANG MARKAHAN (3)

ARALIN 1.1: PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO

ARALIN 1.1.3
A.PANITIKAN: EPIKO

EPIKO- ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing


tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan at pawang kababalaghan at
di-kapanipaniwala.Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang salawikain o
awit.
•Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang)-Pedro Bukaneg- Ilokano
•Ibalon at Hadiong- Bicolano
•Maragtas- Visayas
•Darangan-pinakamahabang epiko sa Pilipinas- Mindanao
-nakapaloob sa Darangan ang mga kilalang epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari.
•Hudhud at Alim- Ifugao

MGA TANDA NG EPIKO


1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling bayan.
2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.
4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
5. Patuloy na pakikidigma ng bayani.
6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan.
7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.
8. Pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay na muli ng bayani.
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
11. Pag-aasawa ng bayani.

B. WIKA- PANG-ABAY NA PAMARAAN

Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap,nagaganap o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan: (1) panandang nang at (2) na/ng.
HALIMBAWA:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Natulog siya nang patagilid.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Lumapit dito ng tumatakbo ang bata.
Naluluha siya nang nagpapasalamat.

Ano pinagkaiba ng NG at NANG?


Wastong gamit ng NG at NANG,
Alam mo ba kung ano pinagkaiba? Saan ginagamit ang ng at kailan ginagamit ang nang?
Kung susuriin ang dalawang salita pareho lamang sa pagbigkas tanging sa spelling o baybay lamang
nagkaiba. Narito ang mga sumusunod na wastong paggamit ng nasabing dalawang salita.

NG
1. Kapag sinasagot ang tanong na ANO
Halimbawa:
Ano ang kinain ni Jeffrey?
Kumain si Jeffrey ng pansit.
2. Kapag sinasagot ang tanong na KAILAN
Halimbawa:
Kailan umuwi si Ben?
Umuwi ng tanghali si Ben.
3. Kapag PAGMAMAY-ARI
Halimbawa:
Nakakabingi ang tahol ng aso.
4. Kapag tungkol sa ORAS O PETSA
Halimbawa:
Darating ako bukas ng umaga.
NANG
1. Kapag sinasagot ang tanong na PAANO
Halimbawa:
Paano tumakbo si Maria?
Tumakbo si Maria nang nakapikit.
Tumakbo si Maria nang nakapaa.
2. Kapag UMUULIT ang KILOS
Halimbawa:
Takbo nang takbo si Maria kahapon.
Kanta nang kanta si Maria habang naliligo.
3.Ibang salita sa NOONG (When)
Halimbawa: Wala na raw pagkain nang dumating ako sa handaan.
4.Ibang salita sa PARA at UPANG
Halimbawa: Hugasan mong mabuti nang mawala ang sebo sa mga plato.

GAMIT NG NA:
Inilalagay ang na sa pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang nauuna'y nagtatapos sa
katinig maliban sa n.
Halimbawa:
masarap na pagkain
malinis na bahay
masinop na tao
matatag na kinabukasan
marangal na pag-uugali
maayos na pamumuhay

You might also like