You are on page 1of 22

1. Ano ang paksa ng larawang nakita?

2. Sa anong paraan inilarawan ng may akda ang mga


bagay, lugar, tauhan, kaganapan o pangyayari sa teksto?
3. Anong mga pahayag ang ginamit sa teksto na tumutukoy
sa paglalarawan?
4. Paano ninyo bibigyang kahulugan ang tekstong
deskriptibo ayon sa tekstong inyong binasa?
5. Paano ninyo bibigyang katangian ang tekstong
deskriptibo?
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Maiihalintulad sa isang larawang ipininta o
iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay
parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.
Subalit mga salita ang ginamit ng
manunulat
upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
Mga pang-uri o pang-abay ang
karaniwang ginagamit ng mga
manunulat upang ilarawan ang
tauhan, tagpuan, mga kilos o
galaw, o anumang bagay na nais
niyang mabigyang- buhay sa
imahinasyon ng mambabasa
Madalas ding ginagamit ang pang-
uri ng paglalarawan tulad ng
paggamit ng pang-ngalan at
pandiwa gayundin ang mga
tayutay tulad ng pagtutulad,
pagwawangis, pagsasatao at iba pa.
2 URI NG PAGLALARAWAN

SUBHEKTIBO
OBHEKTIBO
SUBHEKTIBO
ANG PAGLALARAWAN KUNG ANG
MANUNULAT AY NAGLALARAWAN NA
NAPAKALINAW AT HALOS MADAMA NA
NG MAMBABASA SUBALIT ANG
PAGLALARAWAN AY NAKABATAY
LAMANG SA KANIYANG MAYAMANG
IMAHINASYON AT HINDI NABABATAY
SA KATOTOHAN NG BUHAY
OBHEKTIBO
ANG PAGLALARAWAN KUNG ITO AY MAY
PINAGBATAYANG KATOTOHANAN
ang paglalarawan ay batay sa katotohanan at aktwal
na anyo ng bagay ,tao o lugar. Walang halong
dagdag na katangian bukod sa pagsasaad ng totoong
imahe ng inilalarawan
Cohesive Devices o Kohesyong Leksikal
Ang paglalarawan ay ginagamitan ng mga
salitang magkakaugnay na mga kaisipan
kayat kailangan ang mga salitang
magbibigay ng Kohesyon upang higit na
lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng
bawat bahagi nito.
1. REPERENSIYA-
Paggamit ng mga salitang maaring tumukoy o maging

paksang pinag-uusapan sa pangungusap.

1. ANAPORA- Nauuna ang Pangalan bago ang Panghalip


2. KATAPORA- Nauuna ang Panghalip bago ang Panggalan
1.Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging
mabuting kaibigan ( Anapora)
2.Siya ang nabibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa
umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matamis niyang
ngiti at mainit na yakap sa aking pag-uwi sa aking
pagdating ay sapat na para sa kapaguran hindi lamang ng
aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si
TamTam, ang bunso kong anak na nag-iisang taong
gulang pa lamang.(Katapora)
 Burger ang paborito kong bilhin sa Mc.Do. Iyon kase ay mura at masarap
(Anapora)

 Ikaw ang nagbigay sa akin ng buhay at bumuo ng aking pagkatao ang


pinagkakautangan ko ng lahat. Si Nanay Milagros ang Dakilang Ina ng aming
pamilya (Katapora)

 San Pablo City ang lungsod ng pitong Lawa ay natatangi sa lahat. Doon mo
makikita ang magandang tanawin na walang katulad, tunay na kahanga-hanga.
(Anapora)
 Sila ang paborito kong Kpop Group, magaganda at mahuhusay sumayaw.
Momoland kung tawagin sa Korea (Katapora)
2. Substitusyon- Paggamit ng ibang salitang
ipapalit sa halip na ulitin ang salita

Nawawala ko ang aklat mo. Ibibili nalang kita ng bago


Naubos ko ang ulam, magluto ka na lamang ng isda sa kusina
Kinain ng pusa ang ulam sa lamesa. Magluto ka na lang ng
itlog.
3. ellipsis- May binabawas na bahagi ng salita
subalit buo pa din ang mensahe

Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo lamang.


Kumain si Tom ng limang mangga at si Tam naman ay isa.
Natapos ko ang mga siyam na modules habang si Lea ay nakagawa lamang ng
dalawang modules
PANG-UGNAY

Ang nanay ang ilaw ng tahanan at si tatay naman ang haligi


nito.
Sasama ako sa parke bukas kapag pinayagan ako ni nanay

Minahal niya ang kaibigan na parang tunay na kapatid ngunit


hindi niya pinahalagahan ang lahat.
Kohesyong Leksikal
Reiterasyon- Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang
beses
1. Pag-uulit o repetisyon-
Maraming bata ang hindi nakakapag-aral.Ang mga batang ito ay
biktima ng kahirapan
Ang mga Sibilyan ang mga biktima ng digmaan sa Eukraine.
Mga sibilyang nagnanais mamuhay ng tahimik at malaya.
May mga bansang nais tumulong sa Eukraine. Ang mga bansang
ito ay kabilang sa NATO na natatakot sa kahahantungan ng
digmaan.
2. Pag-iisa-isa-
Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga
ito ay sitaw,talong ,kalabasa
AT OKRA
3. Pagbibigay-kahulugan
Marami sa mga manggagawa ay nagmula sa
pamilyang dukha. Mahirap sila kaya nagtitiis sa
mababang sahod.
b. Kolokasyon- Mga salitang ginagamit na magkapareha

nanay-tatay, puti-itim, mayaman-mahirap

labas-pasok, bata’t matanda, urong-sulong, kaliwat-kanan


Sumulat ng Tekstong Deskriptibo gamit ang mga
katangian nito tungkol sa sarili, pamilya at
pamayanan.

Rubric
Kaugnayan sa Tema 40%
Paggamit ng salita 35%
Nilalaman 25%
Kabuuan 100%
 

You might also like