You are on page 1of 4

Filipino 10

Module 8: Paghahambing
Subject Teacher: Mikko L. Domingo

Lesson Description:

Sa araling ito ay alam naman natin na napaka halaga ng mga bahagi ng pananalita kaya naman ating tatalakayin
ang isa sa mga bahagi nito at ito ang pang-abay.

Course Objective:

A. Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at panlunan

B. Natutukoy ang tamang gamit ng pang-abay sa pangungusap

  Pagtalakay

Kilalanin ang 9 na Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito

URI NG PANG-ABAY – Narito ang siyam(9) na uri ng


pang-abay at ang mga halimbawa ng bawat isa.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na maraming uri ay ang


pang-abay. Isa rin ito sa mga bahagi ng pananalita na
kadalasan ay makikita sa mga pangungusap.

Ano ang pang-abay?

Ang pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na


nagbibigay katuringan o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa,
o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay tinatawag na adverb sa wikang Ingles.

Ang bahagi ng pananalita na ito ay may maraming uri. Sa katunayan, mayroong siyam(9) na uri ng pang-abay –
pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, panang-ayon, pananggi, pamitagan, pampanukat, panulad, at
pamitagan,

1. Pang-abay na Pamanahon

Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos


ng pandiwa. Ito ay nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa,
o gagawin ang kilos.

Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi

2. Pang-abay na Pamaraan

Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.

Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan


3. Pang-abay na Panlunan

Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay


tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o
pangyayari.

Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.

4. Pang-abay na Pang-agam

Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi


lubusang katiyakan tungkol sa isang bagay o kilos.

Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka

5. Pang-abay na Panang-ayon

Ang pang-abay na panang-ayon ay


nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang
bagay o pangyayari.

Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay

6. Pang-abay na Pananggi

Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lamang.

Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.

7. Pang-abay na Pamitagan

Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang pang-abay na pamitagan. Ito ay
nagpapakita ng paggalang.

Halimbawa: Saan po ba ang punta ninyo mamayang gabi?

8. Pang-abay na Pampanukat

Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay


turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o
bagay.

Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang


layo ng bahay nina Geoffrey at ng pamilya
niya sa bahay ni Tiya Mirasol.

9. Pang-abay na Panulad
Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad.  ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng
dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari.

Mga Halimbawa: Higit, Mas, Magkasing

-The End-

NAME: ________________________________ YEAR & SECTION: ________________

Panuto:

Magbigay ng dalawang halimbawa bawat uri ng pang-abay.

1. Pang-abay na Pamanahon 1.1

1.1 1.2

1.2
3. Pang-abay na Panlunan

2. Pang-abay na Pamaraan 1.1


7. Pang-abay na Pamitagan
1.2
1.1
4. Pang-abay na Pang-agam
1.2
1.1

1.2
8. Pang-abay na Pampanukat
5. Pang-abay na Panang-ayon
1.1
1.1
1.2
1.2

6. Pang-abay na Pananggi
9. Pang-abay na Panulad
1.1
1.1
1.2
1.2

ACTIVITY/OUTPUT

Gumawa ng isang komiks kung saan kakikitaan ang mga diyalogo ng mga uri ng pang-abay gamiting gabay ang
mga tinalakay upang makabuo ng mahusay na diyalogo.

You might also like