You are on page 1of 2

Ang 

pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na nagbibigay katuringan o


naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay
tinatawag na adverb sa wikang Ingles.
Siyam na Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay
nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi

2. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap.

Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan

3. Pang-abay na Panlunan
Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay tumutukoy sa pook kung saan
naganap ang kilos o pangyayari.

Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.


4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol
sa isang bagay o kilos.

Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka

5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o
pangyayari.

Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay


6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa,
ginagawa, o gagawin pa lamang.

Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.


7. Pang-abay na Pamitagan
Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang
pang-abay na pamitagan. Ito ay nagpapakita ng paggalang.

Halimbawa: Saan po ba ang punta ninyo mamayang gabi?


8. Pang-abay na Pampanukat
Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng
isang tao o bagay.

Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang layo ng bahay nina Geoffrey at ng


pamilya niya sa bahay ni Tiya Mirasol.
9. Pang-abay na Panulad
Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad. Ayon sa Answers, ito ay
nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o
pangyayari.
Mga Halimbawa: Higit, Mas, Magkasing

You might also like