You are on page 1of 5

St.

Mary’s College of Baliuag

Baliuag, Bulacan

ISO 9001:2015 Certified

Certificate No. 01 100 1534708
PAASCU Level III

Asignatura: Filipino Baitang at Pangkat: Grade 11 Markahan: Ikatlo

sa Piling Larangan
Blg. ng Modyul: 1 Paksa: Akademikong Sulatin

I. PANIMULA
Ang mga impormasyon ay mahalagang yunit ng ating pag-aaral dahil dito
tayo humuhugot ng mga datos upang makabuo ng isang dokumento.
Kinakailangan na handa ang ating isip sa iba’t ibang ideya at kaalaman na ating
mababasa at makikita upang maiwasan ang hindi pantay na pagtingin o
paghusga sa isang akda. Mahalaga rin na alam natin kung ano ang
kinakailangan na mga tandaan upang masabing tama at sapat ang ating
nakukuhang mga impormasyon.

II. Ang Modyul na ito ay nilikha upang iyong:

 Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
 Naisasagawa ang ano? nang malaman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin

III.TALAKAYAN
A. Dapat Mong Malaman

ANO ANG AKADEMIKONG SULATIN?

 Isang uri ng sulatin ang akademikong sulatin.

 Magkatambal ang pag-sulat at pag-iisip.

 Taglay din ng lawak ng pag-iisip ang imahinasyon na pangunahing sangkap sa

pagpapalawak ng isang uri ng sulatin.

 Pinabibisa ang tamang paggamit ng salita, kataga, ekspresyon, at kalipunan ng

mga pangungusap
St. Mary’s College of Baliuag
Baliuag, Bulacan

ISO 9001:2015 Certified

Certificate No. 01 100 1534708
PAASCU Level III

Akademikong Sulatin Iba Pang Sulatin

• Kaugnay ng Pagsulat • Personal

akademikong • Malikhain
Disiplina • Propesyonal
• Isinusulat sa • Kasanayang • Eksperimental
iskolarling paraan dapat
malaman at
mapaunlad

Ang Akademikong Sulatin ay makikilala sa:

 Layunin
 Katangian
 Anyo

Tulad ng iba pang uri ng pagsulat, ang akademikong sulatin ay nagtataglay ng tiyak na
hakbang o proseso. Sa paraan ng paggawa ng isang akademikong sulatin, makikita
ang taglay nitong mga katangian.

Ito ay ang mga sumusunod:

 Komprehensibong Paksa
 Batay sa interes ng manunulat.
 Isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay
sa aspektong
o Pangkabuhayan
o Pampolitika
o Pangkultura, at iba pa
 Angkop na Layunin
 Mithiin ng manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t ibang
impormasyon:
o Katotohanan
o Manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad
o Suportahan o pasubalian ang mga dating impormasyon
 Gabay na Balangkas
 May tatlong uri ng balangkas:
o Balangkas sa Paksa
o Balangkas na Pangungusap
o Balangkas na Talata
 Halaga ng Datos
 Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng
anumang akda.
 Dalawang uri ng pinagkukuhanan ng datos:
o Primarya o pangunahing sanggunian- ito ay mga orihinal na
dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon
St. Mary’s College of Baliuag
Baliuag, Bulacan

ISO 9001:2015 Certified

Certificate No. 01 100 1534708
PAASCU Level III

o Sekondaryang sanggunian- ito ay sariling interpretasyon batay sa

pangunahing impormasyon

 Primaryang
Epektibong sanggunian
Pagsusuri Sekondaryang sanggunian
• Talaarawan Reaksyion sa isang aklat:
• Pakikipanayam • Aklat
• Liham • Palabas
• Orihinal na gawang sining • Manuskrito
• Orihinal na larawan • Pahayag ng isang tao
• Orihinal na pananaliksik • Buod ng anumang akda
• Mga sinulat na panitikan

 Kailangang lagpasan ang opinyon at mapalutang ang katotohanan

 Malagpasan ang mga tsismis o sabi-sabi
 Tugon ng Konklusyon
 Ilang paalala sa pagsulat ng konklusyon:
1. Huwag magpasok ng bagong materyal.
2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng tawad sa isang
bagay na pinaliwanag mo na.
3. Huwag magtapos sa “cliff hanger”, na iniiwang bitin ang mga
mambabasa.

PAGSU

B. Gawin Mo Ito!

1. Ano ang akademikong sulatin?

______________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan ng akademikong sulatin sa atin?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

A. Pagsikapan Mo Pa!
St. Mary’s College of Baliuag
Baliuag, Bulacan

ISO 9001:2015 Certified

Certificate No. 01 100 1534708
PAASCU Level III

1. Bilang isang Ignacian Marian, paano mo pinapahalagahan ang mga likha ng

mga mananaliksik?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang ibang akademikong sulatin sa mga susunod na

henerasyon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

IV. IYONG TANDAN

 Ang akademikong sulatin ay isang sulatin na kinakailangan ng pag-iisip
upang makapagbigay ng impormasyon sa malikhaing pamamaraan.
Naglalaman ito ng mga ideya at kaalaman na makatutulong para sa mga
eksperto na naghahanap ng mga sulatin o dokumento na nagtatala ng iba’t
ibang pangyayari sa bawat taon.
 Ito ay makikilala sa pamamagitan ng layunin, anyo at katangian.
Kinakailangan din na pinag-isipang mabuti ang paksa na batay sa interes
ng manunulat upang maging lohikal ito at maiwasan ang hindi pantay na
pagtingin sa mga impormasyon.

B. Kaya Mo Ito!
A. AKADS MUNA.
Sagutin at piliin ang tamang kasagutan tungkol sa mga sumusunod na pahayag
tungkol sa akademikong sulatin.
A. TAMA
B. MALI
1. Ang akademikong sulatin ay makikilala sa kanyang layunin, katangian at anyo.
2. Ang akademikong sulatin ay uri ng mga sulatin mula sa personal at mga
eksperimental na karanasan.
3. May kaugnay ng akademikong disiplina ang bawat paksa.
4. Isinusulat ang akademikong sulatin sa tinatawag na “iskolarling paraan.”
5. Ang pagsulat ay isang kasanayang dapat malaman at mapaunlad ng isang tao
sa kanyang sarili.
6. Maaaring pantay o hindi pantay ang paglalahad ng mga ideya.
7. Organisado at sistematiko ang isang akademikong sulatin.
8. Ang pagsusulat ay katambal ng pag-iisip.
9. Pinabibisa ng mga akademikong sulatin ang tamang gamit ng salita, kataga,
ekspresyon at kalipunan ng mga pangungusap na binuo ng kaisipan ng
manunulat.
10. 3k: Kahulugan, Kalikasan, at Kaayusan

V. SANGGUNIAN
 S. Generoso. 2018. Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larangan.
https://www.slideshare.net/StemGeneroso/akademikong-sulatin-sa-filipino-sa-
piling-larang
St. Mary’s College of Baliuag
Baliuag, Bulacan

ISO 9001:2015 Certified

Certificate No. 01 100 1534708
PAASCU Level III

Sagot sa A. AKADS MUNA.

1. A
2. B
3. A
4. A
5. A
6. B
7. A
8. A
9. A
10. B

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Bb.Wencie Alarba Gng. Annabel Gonzales

Guro sa Filipino Tagapag- ugnay sa Filipino

Kinilala ni: Pinagtibay ni:

G. Perfecto Austria Gng. Ma. Clara Sepacio

Pang- akademikong Tagapag- ugnay Punong-guro ng IBEd

You might also like