You are on page 1of 7

MGA KARUNUNGANG BAYAN

SALAWIKAIN (Proverb)
- Ito ay nasusulat na may sukat at tugma, patalinghaga at kinapapalooban ng
mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal.
- ay karanungang-bayan na nagsasaad ng umiiral at mangingibabaw na saloobin ng
mga tao (Boswell at Reaver, 1969).
- ito'y maikli at malalamang mga pahayag na naglalarawan ng mga karanasan,
katotohanan, kagian, at kalagayan (Clavel, 1972).

Ayon kina Consolacion Sauco (1978: 16), ang mga salawikain ay mga butil ng
karunungang hango sa karanasan ng matatanda. Ito'y kinapapalooban ng mabubuting
payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalaala tungkol sa batas ng mga kaugalian.

Ang salawikain ay galing sa mga payak at maiikling pagpapahayag ng mga tao na nasa
anyong kasabihan.
Dahil ang mga naturang maiikling pahayag ay nagpasalin-salin sa iba't ibang
henerasyon, ang naging bunga nito'y ang pagkilala sa kanilang tradisyunal na
kalikasan. Di naglaon, ang mga maikling pahayag na ito ay nagiging salawikain (Clavel,
1972).

Halimbawa:

Ang taong nagigipit,


Sa patalim kumakapit

Walang matimtimang birhen


Sa matiyagang manalangin.

Taong walang kibo


Nasa loob ang kalo.
Ang mahirap kunin
Ay masarap kanin

PAKSAIN

Sa masusing pag-aaral na ginawa ni Damiana Eugenio tungkol sa mga salawikain sa


Pilipinas, hinati niya sa anim na pangkat ang mga ito (Gonzales, et al., 1982):

1. Nagpapahayag ng panlahat na paningin sa buhay gayundin sa batas ng buhay .

Halimbawa:
Ang buhay ng tao'y gulong ang kahambing
Sa ibabaw ngayon, bukas sa ilalim.

Paliwanag:
Maaaring sa kasalukuyan, naghihikahos ang isang tao ngunit dahil sa kanyang
pagsisikap, bukas-makalawa'y magiging masagana rin ang kanyang pamumuhay.

2. Pangmabuting-asal

a. Ginintuang tuntunin
Halimbawa:
Ang masama sa iyo
Huwag mong gawin sa kapwa mo.

Paliwanag :
Ito'y isang payo na ang ibig sabihin ay ang bagay na hindi mo ibig na gawin sa iyo ay di
mo dapat gawin sa iyong kapwa. Kung ganito ang susundin, mananatili ang isang
magandang pagsasamahan.

b. Pagtukoy sa kabababang-loob at ang pag-aaglahi sa


kayabangan.

Halimbawa:
Ang asong tahimik
Mariin kung kumagat.
c. Tumpak at wastong asal sa pagsasalita at pagkilos.

Halimbawa:
Ang bibig ng ilog iyong masasarhan,
Ang bibig ng tao'y di mo matatakpan.

Paliwanag:
Ang malaking kapintasan ng pagiging mahayap ng dila ng mga tao at ang pinsalang
nagagawa nito.

3. Pagpapahayag ng pagpapahalaga ng mga tao o ang pagbibigay-pansin at


pagsasaalang-alang sa sistema ng mga kaugalian.
Nagsasaad na ang mga bagay na ispiritwal ay higit na itinatangi ng mga tao kaysa
mga bagay na materyal.

Halimbawa (1):
Ang ginto mo man ay isang kaban,
pilak mo man ay isang tapayan,
Kung wala kang kaibigan,
wala rin itong kabuluhan.

Paliwanag:
Ang yaman ay kanais-nais o kaibig-ibig na bagay dahil sa pamamagitan nito,
mapapasaiyo ang sekyuridad sa buhay. Ngunit kung minsan, labis ang paggasta ng
isang tao. Bilang pagsalungat sa pagmamalabis ng tao ang ipinamamalas nito.

4. Nagpapahayag ng panlahat na katotohanan at pagmamasid sa buhay at kalikasan ng


tao.

Halimbawa (1):
Apoy man ay itago, lalabas pa rin ang aso.

Paliwanag (1):
Ang lihim, gaano man ang pagtatago nito, mabubunyag ding balang araw.

Halimbawa (2):
Hindi magkapareho ang mga daliri ng tao.

Paliwanag (2):
Ang ibig ipakahulugan ng salawikaing ito ay magkaiba ang ugali ng kahit na
magkakapatid; magkaiba ang kakayahan, katangian, at kalagayan sa buhay ng mga
tao.

5. Nakapagpapatawa

Halimbawa (1):
Kung wala ang pusa, naglalaro ang daga.

Halimbawa (2):
Utos na sa pusa, utos pa sa daga.

6. Maikling pahayag na may iba't ibang paksa.

Halimbawa (1):
Busog ka man at nasa panganib.
Mabuti pa ang gutom na nasa tahimik.

Halimbawa (2):
Walang malaking nakapuuwing
Pawang maliit ang nakahihirin.

Katangian, Kaanyuan, at Estilo


Ang saling-bibig na mga pahayag na ito ay may anim na katangian (Gonzales, et al.,
1982):
1. maikling pangungusap
2. payak
3. karaniwang mga pananalita
4. kinasasalaminan ng puna sa buhay
5. may tugma ang karamihan at
6. pag-uulit ng mga salita

Kasasalaminan ng mga nasabing katangian ang sumusunod na


mga salawikain:

Halimbawa:

Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib.
Ang taong tamad
Walang pag-unlad.

Ang maniwala sa sabi-sabi


Walang bait sa sarili.

Ang taong nagigipit


Sa patalim ma'y kumakapit.

Ang maiikling pahayag na ito ay binubuo ng lima hanggang dalawampung pantig bawat
taludtod. Subalit karamihan nito'y binubuo ng walong pantig bawat taludtod gaya ng:

Halimbawa:
Putik din lamang at putik
Tahakin na ang malapit.

Ang taong mapanaghili


Lumigaya man ay sawi.

Kung estilo ang pag-uusapan, ang mga salawikain ay gumagamit ng (1) paghahambing,
(2) pagsasatao o pagbibigay-katauhan, at (3) pagmamalabis.

Maaaring ang mga larawang-diwang ginagamit sa paghahambing ay mga halaman at


hayop.

Halimbawa (1):
Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.

Paliwanag (1):
Nangangahulugan lamang ito na wala nang halaga o silbi ang isang bagay kung wala
nang gagamit nito.

Halimbawa (2):
Kung anong puno
Siyang bunga.

Paliwanag (2):
Tumutukoy ito sa uri ng ugali na maaaring manahin ng isang anak sa kanyang mga
magulang.

Maaari ring maging larawang-diwa sa paghahambing ang mga karaniwang bagay na


ginagamit.

Halimbawa (1):
Kung ano ang butones
Ganyan din ang chales.

Paliwanag (1):
Ang salawikaing ito ay tumutukoy sa kalagayang panlipunan ng mga tao kung saan
ipinapakita ang pagtutugma ng mga bagay-bagay o pangyayari.

Halimbawa (2):
Pahirin mo muna ang uling sa mukha,
Bago mo pahirin ang uling ng iba.

Paliwanag (2):
Ang uling ay tumutukoy sa kasiraan o kapintasan ng tao.
Ibig sabihin dito ay may mga taong naninirang-pari ng kanilang kapwa ngunit nasa
kanilang katauhan din ang kasiraan o kapintasan.

Ang sumusunod ay halimbawa ng mga salawikaing ginagamitan ng larawang diwang


pagsasatao.

Halimbawa (1):
Pag ang ilog ay magaslaw
Tarukin mo at mababaw.

Halimbawa (2):
May tainga ang lupa
May pakpak ang balita.

Ang estilong pagmamalabis ay matutunghayan sa salawikaing ito:

Ang bibig ng ilog iyong masasarkan,


Ang bibig ng tao'y di mo mapipigilan.
Bilang kabuuan, ang mga salawikain ay nagsisilbing patnubay sa buhay ng mga
kabataan o sa mga tao. Ang mga naturang kasabihan daan tungo sa kabutihan at sa
pag-unlad ng pagkatao ng isang indibidwal. Kalimitan ang mga ito'y nagsasaad o
nagpapaliwanag ng magagandang aral at kaasalang moral. Sa madaling sabi, ang mga
naturang salawikain ang humuhubog sa kaisipan at katauhan ng mga tao tungo sa
mabuting landas at pagkilala sa tungkulin sa sarili sa pamilya, sa kapwa, sa
pamayanan, at sa bansa sa kabuuan.

BUGTONG (Riddle)
- ay mga palaisipan o suliraning pasalita na lumaganap dahil sa nagpasalin-salin sa
bibig ng mga tao.
- mga tradisyunal na katanungan na ang mga kasagutan ay parang hindi inaasahan;
isang uri ng panlilito na isinaalang-alang ang kalutasan sa pamamagitan ng
paghihinuha ng mga bagay sa paligid. Ito'y isang paraan upang linangin ang katalasan
ng isipan ng madla o ng mga nakikinig o nagmamasid.
Ayon sa Webster's New World Dictionary, ang "riddle" (bugtong) ay isang palaisipan sa
kaanyuang patanong o pahayag na nangangailangan ng katalinuhan ng isip upang
lutasin at masagot ang itinatanong.
Ayon kay Angelina Santos (1984: 70), ang bugtong ay paglalarawang binibigkas nang
patula na humihingi ng isang tiyak na kasagutan. Batay sa paglalarawan, pakikilusin ng
tinatanong ang kanyang imahinasyon hanggang ganap na mabuo sa kanyang isipan
ang kasagutang panumbas sa inilalarawan. Ang paglalarong ito ng bugtong ay
tinatawag na "bugtungan," ang katutubong laro ng isip, a naging bahagi na ng buhay ng
mga Pilipino.

You might also like