You are on page 1of 30

FILIPINO 8

Guro: Mariel R. Geonzon


MAGANDANG UMAGA!
MGA TANONG:

• Ano ang karunungang bayan?

2. Anu-ano ang uri ng karunungang bayan?

3. Bakit kailangang maging malinaw ang pag-unawa sa salawikain, sawikain


o kasabihan at bugtong?
BALIK-ARAL

• bukas-palad - matulungin
• amoy-pinipig - mabaho
• kilos-pagong - mabagal
• butas ang bulsa - maraming pera
• nagsusunog ng kilay - masipag mag-aral
KARUNUNGANG
BAYAN
KARUNUNGANG BAYAN

• isang likhang pampanitikan na


pamamaraan para maipahayag ang mga
kaisipan na napapabilang sa bawat kultura
ng isang lahi, tribo, o bayan.
Ang taong tahimik
Kapag nag-isip ay malalim
Ang taong mabunganga
Walang kuwenta ang salita
SALAWIKAIN

- karaniwang patalinghaga na may


kahulugang nakatago.
- karaniwang nasusulat ng may sukat at
tugma kaya masarap pakinggan kapag
binibigkas.
Ang tumatakbo ng
matulin, pag masusugat ay
malalim
Kung kailan mo pinatay,
saka pa humaba ang
buhay.
KANDILA
BUGTONG

-uri ng palaisipang nasa anyong patula.


- isang pangungusap o tanong na may
nakatagong kahulugang nilulutas bilang
isang palaisipan.
Ang abot ng paa ko'y abot
rin ng ilong ko. Anong
hayop ako?
ELEPANTE
bahag ang buntot
Duwag
SAWIKAIN

- ay patambis, ginagamitan ng mga salitang


eupemistiko, patayutay o idyomatiko upang
maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag at hindi nakakasakit ng
damdamin.
mahaba ang kamay
magnanakaw
Kung ano ang itinanim ay
siya rin ang aanihin
KASABIHAN

-ito'y hindi gumagamit ng mga


talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang
kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay
masasalamin.
Ang buhay ay parang gulong,
minsan nasa ibabaw, minsan
nasa ilalim.
PANUTO:
Iguhit ang iyong sariling pagpapakahulugan
ng salawikaing nasa ibaba.

PULUTIN ANG MABUTI,


IWAKSI ANG MASAMA
PANUTO:
Tukuyin ang tamang uri ng karunungang-bayang ginamit sa pahayag. Hanapin
sa kahon ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. Bugtong b. Salawikain c. Sawikain d. Kasabihan

• Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.


• Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
• Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
• Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
• Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
a. Bugtong b. Salawikain c. Sawikain d. Kasabihan

6. Anak na di paluhain, ina ang patatangasin.


7. Ang taong matiyaga, matutupad ang ninanasa.
8. Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
9. Heto na si bayaw, dala-dala ay ilaw.
10. Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.
TAKDANG-ARALIN
GAWAIN: Bumuo ng sariling karunungang-bayan na
nagpapakita ng mga pangyayari na kadalasang naganap sa
kasalukuyang panahon.

• Bugtong
• Salawikain
• Sawikain
• Kasabihan
MARAMING
SALAMAT!

You might also like