You are on page 1of 8

Montessori Children’s House of Learning

San Esteban, Nabua, Camarines Sur


Taong Panuruan 2017-2018

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 9

Mahalagang Pangyayari sa Tauhan: Crisostomo Ibarra


(Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes)
9:45-10:45

Ika-29-30 ng Enero at ika-5 ng Pebrero, 2018


I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minutong aralin, ang 75% na mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mahahalagang pangyayari na kinasasangkutan ni Crisostomo Ibarra sa
Nobelang “Noli Me Tangere”;
b. nakapagbabahagi ng sariling saloobin o damdamin hinggil sa pinakamahalagang
pangyayaring naganap kay Crisostomo Ibarra ; at
c. nakasusulat ng tula tungkol sa pagiging isang makabayan.
II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: “Mahalagang Pangyayari sa Tauhan: Juan Crisostomo Ibarra”
b. Batis: Modyul: Noli Me Tangere, pahina 258-259
https://www.youtube.com/watch?v=4NhCxx6XN7w
https://prezi.com/_nejr_9ehx-l/mga-tauhan-ng-noli-me-tangere/
https://prezi.com/kgwqcmwmx12p/mga-tauhan-sa-noli-me-tangere/
http://www.joserizal.ph/no02.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Noli_Me_T%C3%A1ngere
c. Kagamitang Panturo: Laptop, Projector, Speaker, Pisara, Tsok, Mga larawan,
Powerpoint Presentation, Mga kagamitang biswal at pedagohikal (graphic organizer),
Manila paper, Pentel pen at Sipi ng Nobela.
d. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral: Naipapamalas ng mga mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo, replektibo at mapanuring pag-iisip at pag-unawa’t
pagapahalagang pampanitikan sa mga saling-akdang Asyano.
e. Konsepto: Nakaimpluwensya kay Dr. Jose Rizal upang makalikha siya ng mga
natatanging tauhan sa akdang Noli Me Tangere; mga tauhang ibinatay niya sa mga taong
nakapaligid sa kanya na nagbibigay ng inspirasyon upang kumatawan sa kaniyang mga
tauhan.
f. Halagang Pangkatauhan: Pagpapahalaga at pagbibigay ng lunsarang katuturan sa ibat-
ibang anyo ng panitikan na may respeto, pag-unawa at integrasyon; Kooperasyon at
Disiplina.
g. Integrasyon sa mga Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan.
h. Estratehiya: Pagtukoy sa mahalang pangyayari, Paggagalugad-isip at paggawa ng tula.
i. Metodolohiya: 4P’s Approach o Dulog
III. PROSESO NG PAGKATUTO:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan
4. Pagtala ng liban sa klase
5. Pagpasa o pagwasto ng kasunduan
6. Pagbabalik-aral
B. Paunang Gawain
1. Pagganyak
“Sino ang bida sa buhay ko?”

(Ang guro ay magbibigay ng mapaghamong tanong sa mga mag-aaral)


C. Paglalahad ng Aralin
1. Paglalahad ng Paksa
3. Paghawan ng Sagabal
PANUTO: Ang salitang may salungguhit ay may katumbas na kahulugan na maaari ninyong
malaman sa tulong nang pagtukoy sa mga nawawalang titik sa patlang na nasa ibaba ng
pangungusap.
1. Basbasan natin ang bagong kasal

B_ N D _ S _ O _

2. Si Don Rafael Ibarra ang yumaong ama ni Crisostomo.


N_M_T_ _
3. Gumimbal sa lahat ang pagdating ni Crisostomo Ibarra.
GU_U_AN_A__
4. Sa oras ng kagipitan laging maasahan si Elias.
P _ NG_ NG_ I _ _ NG _ N

4. Pagtalakay
PANUTO: Kayo ay pipili ng mahalagang pangyayari na naganap kay Ibarra at ipapaliwag ninyo ito
sa paraang masining. Bibigyan ko lamang kayo ng 5 minuto sa paghahanda at 2 minuto naman sa
presentasyon.
PAMANTAYAN
Nilalaman – 5 puntos
Pagkamalikhain – 3 puntos
Kooperasyon at - 2 puntos
Disiplina 10 puntos

5. Pagtataya
“TULA KO PARA SAYO BAYANI”
PANUTO: Sumulat ng tula na naglalaman ng pagiging isang makabayan. Kinakailangan na ito ay
mayroon sukat at tugma na hindi bababa sa dalawang saknong. Ang bawat taludtod ay
kinakailangang mayroong lalabindalawahing pantig.

PAMANTAYAN
Nilalaman/Konsepto – 5 puntos
Sukat at Tugma - 5 puntos
10 puntos
6. Pagpapaha-laga
Bilang isang mag-aaral o kabataan paano mo masasabi na ikaw ang pag-asa ng
bayan?

7. Paglalahat
Sa muli, ano nga ulit ang paksa na ating tinalakay sa araw na ito?

IV. PAGTATAYA

Pagpapaliwanag (5 puntos)

 Pumili ng isang mahalagang pangyayari na kinasangkutan ni Crisostomo Ibarra at


ipaliwag kung bakit ito ang iyong napili at nagustuhan?

Ika-6 ng Pebrero, 2018


IV. KASUNDUAN

1. Gumawa ng poster batay sa mga pangyayaring naganap kay Ibarra. Pumili lamang kayo ng
tatlo o apat na pangyayari na iguguhit ninyo sa isang puting kartolina. Ipaliwanag ang mga
pangyayari sa anyong patula. (Maytugma ngunit maaaring walang sukat)

2. Pag-aralan ang mga pangyayari na pinagdaanan ng isang mayuming at mapagmahal na


ina na si Sisa.

Montessori Children’s House of Learning


MCHL Bldg. San Esteban, Nabua

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino


Sisa
(Noli Me Tangere)
Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes)
9:45 n.u – 10:45 n.u

Ika-6-7-9 ng Pebrero, 2017


I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minutong aralin, ang 75% na mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari kay Sisa sa nobelang
“Noli Me Tangere ”;
b. nakapagbabahagi ng saloobin o damdamin hinggil sa simbolismo ni Sisa sa kasalukuyang
panahon sa paraang paglalahad; at
c. nakasusulat ng islogan tungkol sa pagpapahalaga at pagmamahal sa ina.
II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: “Sisa”
b. Batis: Modyul sa Noli Me Tangere, pahina 279-280,
Mga Tulong sa Pag-aaral sa Noli Me Tangere ni Tomas C. Ongoco
Sangguniang Pang-elektroniko:
http://www.joserizal.ph/nos02.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Noli_Me_T%C3%A1ngere
http://www.slideshare.net/maybelyncatindig/mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-
16137273
https://www.youtube.com/watch?v=4NhCxx6XN7w
https://prezi.com/_nejr_9ehx-l/mga-tauhan-ng-noli-me-tangere/
https://prezi.com/kgwqcmwmx12p/mga-tauhan-sa-noli-me-tangere/
https://www.youtube.com/watch?v=tOEbkoqObGI
https://www.youtube.com/watch?v=YBvDpg_BUS4
https://tl.wikibooks.org/wiki/Noli_Me_Tangere/Kabanata_16_:_Si_Sisa
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Sisa
http://www.oocities.org/saliksikan/16.htm
https://xxxg4m30v3rxxx.wordpress.com/2012/08/13/sisa/

c. Kagamitang Panturo: laptop, projector, modelo ng puso, slides (powerpoint


presentation), mga kagamitang biswal at pedagohikal (graphic organizer), makukulay
na papel, pentel pen at sipi ng nobela.
d. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral: Pagsasalita, Pagsusulat, Pag-unawa sa
binasa o napakinggan, Pagsusuri sa nobela at Pagmamahal sa ina.
e. Konsepto: Ang tunay na pagmamahal ay walang hinihinging kapalit, walang kondisyon.
Ibinibigay ang lahat maipadama lamang ang pagmamahal. Hangga’t may mga ina at
asawang patuloy na nagmamahal sa kanilang pamilya at mga anak nang walang
hinihinging kapalit, walang kondisyon, mananatiling may Sisa pa rin sa kasalukuyang
panahon.
f. Halagang Pangkatauhan: Pagpapahalaga at pagbibigay ng lunsarang katuturan sa iba’t
ibang anyo ng panitikan na may respeto, pag-unawa at integrasyon; Kooperasyon at
Disiplina.
g. Integrasyon sa mga Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan.
h. Estratehiya: Mga tanong na nakadikit sa ilalim ng upuan bilang pagbabalik-aral,
Paggamit ng mga numero sa pagtukoy ng mga salita sa paglinang ng talasalitaan,
mensahe sa loob ng puso, pagtula, tableau, pag-awit, pagbabalangkas at pagsulat ng
islogan tungkol sa pagpapahalaga at pagmamahal sa ina.
i. Metodolohiya: 4A’s Approach o Dulog (Aktibiti, Analisis, Abstraksyon, Aplikasyon)

III. PROSESO NG PAGKATUTO


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan
4. Pagtala ng liban sa klase
5. Pagbabalik-aral
6. Pagpasa o pagwasto ng Kasunduan
7. Pagganyak

PAUNANG GAWAIN “MENSAHE PARA SA AKING INA”

PANUTO: Kumuha ng ika-4 na bahagi ng papel at isulat dito ang mensaheng nais mong ipabatid sa
iyong minamahal na ina at ihulog ito sa loob ng puso na makikita sa harapan. Bibigyan ko lamang
kayo ng 2 minuto para sa gawaing ito.
1. Paglalahad ng Paksa
Iuuganay ng mga mag-aaral at ng guro ang isinagawang paunang gawain sa paksang
tatalakayin.
Ilalahad ng guro ang paksa.

2. Paglalahad ng Layunin
Sa pagtatapos ng 60 minutong aralin, ang 75% na mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari kay Sisa sa nobelang
“Noli Me Tangere ”;
b. nakapagbabahagi ng saloobin o damdamin hinggil sa simbolismo ni Sisa sa kasalukuyang
panahon sa paraang paglalahad; at
c. nakasusulat ng islogan tungkol sa pagpapahalaga at pagmamahal sa ina.

3. Paghawi ng Sagabal

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap at ibigay ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit. Makatutulong sa inyong pagsagot ang mga numerong nasa ibaba
ng patlang. Ito ay tatawagin nating

“SIKRETO NG MGA NUMERO”

1. Nilustay ni Pedro ang pagmamahal ni Sisa sa kanya.

Sagot: Sinayang

2. Si Sisa ay isang ulirang ina.

Sagot: Huwaran
3. Ang pamilya ni Sisa ay salat na salat dahil sa kagagwan ng kaniyang asawa.
Sagot: Walang-wala

A. Aktibiti: “C.O.C” Clash of Classmates

PANUTO: Hahatiin ko ang klase sa tatlong pangkat at bawat pangkat ay bibigyan ko ng gawain.
Bibigyan ko lamang kayo ng 3 minuto para sa paghahanda at 2 minuto naman sa presentasyon
ng bawat pangkat.
Ikalawang
Unang Pangkat - Tula, ang tula ay kinakailangang may kaugnayan sa Unang tagpo ang Pangkat –
pagmamalupit ng asawa ni Sisa sa kanya at ang pagmamahal niya sa kanyang mga Tableau,
anak.
kinakailangan ito ay may kaugnayan sa ikalawang tagpo ang pagpunta ni Sisa sa simbahan at
pagdakip sa kanya ng mga guwardiya sibil.

Ikatlong Pangkat – Awit, kinakailangan ito ay may kaugnayan sa ikatlong tagpo ang paghahanap ni
Sisa sa kanyang mga anak na sina Crispin at Basilio hanggang sa kanyang pagkabaliw at
pagkamatay nito.

PAMANTAYAN:
Nilalaman/Pagtatanghal 5 puntos
Pagkamalikhain 3 puntos
Kooperasyon at Disiplina 2 puntos
10 puntos

B. Analisis

Unang Pangkat
 Itinuturing ninyo bang huwarang asawa si Sisa? At ina? Dapat ba siyang tularan? Bakit?
Pangalawang Pangkat
 Dapat bang maging huwaran si Sisa ng mga babaeng Pilipina? Pangatwiranan?
Pangatlong Pangkat
 Sa tingin ninyo ano-anong mga pangyayari ang nagpabalisa kay Sisa na naging dahilan
para siya ay mabaliw?

Pangkalahatang Tanong
 Sino ang sinisimbolo ni Sisa sa kasalukuyang panahon?

C. Abstraksyon

Panuto: Sa bawat sulok ng inyong silid-aralan ay may mga makikita kayong pangyayari tungkol kay
Sisa. Kinakailangan ko ng apat na mga mag-aaral upang tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng mga
mahahalagang pangyayari. Makakatulong sainyong pagtukoy ang Fishbone Diagram.
Pag-aalala sa kalagayan ni
Basilio, pagtungo sa simbahan Pagbalik sa katinuan, pagkilala
upang hanapin si Crispin. Pagdakip ng guwardiya sibil at
kay Basilio at pagkamatay nito. Paglaya sa tulong ng Alperes.

Pananakit at pag-aalipusta ng Pagkabalisa at pagkabaliw.


kaniyang asawa.

Sagot:

D. Aplikasyon “Mga Salitang Iaalay Ko kay Inay”

Panuto: Sumulat ng islogan tungkol sa pagpapahalaga at pagmamahal sa inyong ina. Kinakailangan


na ito ay maisagawa ninyo gamit lamang ang sampung salita, maaari rin na lagyan ninyo ito ng
tugmaan. Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong minuto para gawaing ito.

PAMANTAYAN:
Pagtatanghal 4 puntos
Tugma at mga salitang ginamit 4 puntos
Kooperasyon at Disiplina 2 puntos
Kabuuan 10 puntos

E. Pagpapahalaga
 Muli nating balikan ang Modelo ng Puso na ginamit natin kanikanina lamang. Ano ang
napapansin ninyo sa buong estruktura nito?

(Pag-uugnay ng paksa sa modelo ng puso)

F. Paglalahat

 Ano ang paksang tinalakay natin sa araw na ito?


 Ibigay ang pagkakasunod-sunod na pangyayari?
 Sino ang sinisimbolo ni Sisa sa kasalukuyang panahon?
IV. PAGTATAYA
PANUTO: Lagyan ng bilang (1-5) ang patlang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa.
______1. Pagbalik sa katinuan, pagkilala kay Basilio at pagkamatay nito.
______2. Pag-aalala sa kalagayan ni Basilio, pagtungo sa simbahan upang hanapin si Crispin.

______3. Pananakit at pag-aalipusta ng kaniyang asawa.


______4. Pagdakip ng guwardiya sibil at Paglaya sa tulong ng Alperes.

______5. Pagkabalisa at pagkabaliw.


Susi sa pagwawasto:

1. 5
2. 2
3. 1
4. 3
5. 4

I. Pagpapaliwanag (5 puntos)

 May katulad pa ba si Sisa sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.

Ika-9 ng Pebrero, 2017


I. KASUNDUAN
1. Pangkatang Gawain (Dating pangkat lamang)
PANUTO: Gumawa ng Komiks Strip batay sa pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang
pangyayari sa buhay ni Sisa sa nobelang “Noli Me Tangere.”

2. Pag-aralan ang susunod na aralin Si Basilio at Crispin.


Sanggunian:
Modyul sa Noli Me Tangere,
Pahina 285-290
Inihanda ni:

Kenneth Rey C. Leona


Guro sa Filipino

You might also like