BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
IKAAPAT NA KWARTER
A. Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin
- ating sariwain ang alaala ng buod nang Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga sumusunod na
pangyayari.
Nabatid ni
Sa halip na Inanyayahan ni Matapos ang
Ipinahukay ni Maria Clara ang
maghiganti ay Kapt. Tiyago si pitong taon na
Padre Damaso diumano’y
ipinagpatuloy ni Ibarra sa pag-aaral sa
ang labi ni Don pagkamatay ni
Ibarra ang kanyang piging Europa, bumalik
Rafael upang Ibarra kaya siya
pagpapatayo ng kung saan si Juan
ipalipat ito sa nawalan ng Crisostomo
paaralan ngunit hinamak si
libingan ng mga pag-asa at
muntikan na Ibarra ni Padre Ibarra sa
Instik pumasok ng
syang mamatay Damaso Pilipinas
kumbento
B.Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang nakalimbag nang pahilig. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Bigyang pansin ang mag-aaral na nahihirapan sa pagbigkas at pagtukoy ng mga salitang nasa talasalitaan.
Magbigay ng karagdagang salita na magpapakilala dito
C. Pagganyak
* Panuorin ang maikling clip at sagutin ang mga tanong.
https://www.youtube.com/watch?v=CcXNR4o0YBE
*Paghahabi sa layunin ng aralin
- Anu ang masasabi nyo sa inyong napanuod na trailer?
- Anu ang nagbigay ng pagkasabik na damdamin sa inyong napanuod?
- Importante bang merong tauhan sa bawat kwento/ nobela na ating binabasa ?
- Anu ang mangyayari kung ang isang kwento /nobela ay walang tauhan ?
- Base sa ating nabasang buod noong nakaraang linggo, sinu-sino ang mga tauhang nabanggit? Ibigay ang papel na
kanilang ginampanan sa kwento.
D. Pagpapaunlad
Basahin at kilalanin ang mahahalagang tauhan sa nobelang “ Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal.
Muli, bigyang pansin ang mga mag-aaral na nahihirapang magbasa o makita ang mga salita sa pamamagitan ng
pag-gabay sa pagbasa at pagbibigay ng malinaw na kopya na kanilang mahahawakan.
Mga dagdag na tauhan.
E. Pakikipagpalihan ng kaalaman
Gawain sa Pagkatuto :
Basahin ang bawat monologo at ibigay ang katangian ng tauhan batay sa sumusunod na pahayag.
1. “ Gaganahan silang mabuti sa pagkain. Malayo ang kanilang pinanggalingan”
Katangian ni Sisa: _________________________________
2. “ Hamunin mo siya sa isang paglalaban ngayon din, at kung hindi ay ipagtatapat ko sa lahat kung sino ka”.
Katangian ni Donya Victorina: ____________________________
3. “ Bakit Isabel, kahibangan bang ipakasal ang kaisa-isa kong anak kay Linares? Tandaan mong bukod sa Espanyol ang
binatang iyan napakayaman na ay may mga koneksyon pa”.
Katangian ni Kapitan Tiago: ____________________________
4. “ Kung ako’y malaki-laki na ay ipamamanhik ko sa kanilang ako’y pagkatiwalaan ng isang maliit na lupa upang aking
linangin”.
Katangian ni Basilyo: ____________________________
5. “ Aalis na ako. Ipagtabi mo ako ng pansugal ko”.
Katangian ni Pedro: ____________________________
PAKATANDAAN:
- Ang monologo ay isang uri ng pagtatanghal na ginagawang mag-isa ng sinumang gaganap sa karakter ng tauhang nais
niyang itanghal sa madla.
- Ang Pang-uri ay salitang ginagamit upang maglarawan sa tao, bagay,hayop, at pook o lugar.
KARAGDAGANG GAWAIN: Suriin mabuti ang mga larawan at bumuo ng makabuluhang pangungusap na ginagamitan
nang Pang-uri.
V. PAGTATAYA
Noli Me Tang- CHARADES
Ang mga mag-aaral ay igugrupo sa tatlong pangkat at pipili ng pangalan ng mga tauhan mula sa nobelang Noli Me
Tangere. Ang tauhan na kanilang napili ay kailangan nilang iakto at pahuhulaan sa kabilang grupo. Ang makakahula
ay magkakaroon ng puntos.
(bago simulant ang aktibidad, ilalatag muna ang tuntunin at kalakaran)
VI. PAGNINILAY
Ano ang mapapansin ninyo sa pabalat na aklat na ito?
sa mga sagot na kanilang ibibigay, ihayon ang pag-uusap sa sitwasyon(kaguluhan,digmaan) noong panahon na
naisulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang ito at kung paano sila mag-rereact kung sila ang nasa sitwasyon na iyon.
Ano ang nais iparating ng mga tauhan sa nobela?
Bilang mag-aaral sa kasalukuyang panahon, paano natin pananatilihin ang aral ng nobelang nilikha ni Rizal?
VII. TAKDANG ARALIN:
Sagutin ang katanungan ng may malawak na pagpapaliwanag.
Paano ko isasabuhay ang natutunan kong aral sa bawat karakter sa Noli Me Tangere?
Inihanda Ni: LYKA G. DACUTAN Sinuri Ni : MYRA C. PUZON, Ph.D.
Teacher I Principal IV