You are on page 1of 23

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADE - 9

NOLI ME TANGERE
Aralin 4.2
Tuklasin

I. Layunin
1. Nakikilala ang mga tauhan ng nobela.
2. Nailalarawan ang mga katangian ng bawat tauhan
II. Nilalaman
Paksa: Mga Tauhan sa Noli Me Tangere
Akdang Pampanitikan : Nobela
Wika : Pagsulat ng Liham Pangkaibigan
Kagamitan: Tulong Panturo
III. Istratehiya sa Pagtuturo/Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng liban sa klase
B. Panlinang na gawain
a. Aktibiti
Pangganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga sikat na personalidad na may mahalagang kontribusyon sa

lipunan at tukuyin ang mga sinasagisag nito

Kontribusyo
Larawan Sagisag
at

Katangian
b. Analisis
Ugnay – Panitikan
Pagbasa sa Lunsarang Teksto
Pagkilala sa mga pangalan at
katangian ng mga tauhan ng Noli Me
Tangere.
Paglalahad ng Mahahalagang Tanong

A.) May kaugnayan ba ang mga tauhang likha


ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere sa kanyang
buhay?
B.) Sino ang sinisimbolo ng mga tauhang
nilikha ni Rizal sa kanyang akda?Magbigay ng
mga patunay.
C. Aplikasyon
Pagpapayaman sa Akda
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat
pangkat ay bubuo ng tableau hango sa tunay na
buhay na nagpapakita ng nakalaang pag-uugali.
Iprisinta ito sa klase.
Pangkat I – Maginoo
Pangkat II- Mapanuri
Pangkat III- Sunud-sunuran
Pangkat IV- Matiisin
Pangkat V- Mapaghiganti
D. Assessment
Pagtataya
Panuto : Hulaan kung sino sa mga tauhan ng Noli Me Tangere ang nagwika ng
sumusunod na pahayag. Gamitin ang clue para madaling maibigay ang sagot.

1.“ Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking
kaligayahan”
C __ I __ __ S T __ M __ __ B __ __ R A
2.“ Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit
nakahanda akong magtiis at mamatay rito. Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay
magiging kasawian ko rin “
E __ I __ S
3. “ Ang karunungan ay para sa lahat ngunit huwag mong lilimuting iya’y natatamo ng
mga may puso lamang.”
G __ R __
4. “ May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- Ang hinaharap ay nabubuksan
pa lamang para sa iyo, Sa akin ay ipinipinid na…”
D __ N R A __ A __ L
5. “ Dapat bigayang-dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa hindi kung patay
na.”
P I __ O S __ P __ N __ T A __ Y O
Linangin

I. Layunin:
1. Nailalarawan ang mga katangian ng
bawat tauhan at ang kahalagahan ng
bawat isa sa nobela.
2. Nabibigyang kahulugan ang
matatalinghagang pahayag.
II. Nilalaman
Paksa: Mga Tauhan sa Noli Me Tangere
Akdang Pampanitikan : Nobela
Wika : Pagbibigay kahulugan sa mga
matatalinhagang pahayag
Kagamitan: Tulong Panturo
III. Istratehiya sa Pagtuturo/Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng liban sa klase
B. Panlinang na gawain
a. Aktibiti
a.1 Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mga tauhan sa
teleseryeng “Ikaw Lamang”at “ Carmela”. Mula
dito ay pipiliin nila ang mga tauhang sa palagay nila
ay may mahalagang ginagampanang papel sa
teleserye. Ipaliwanag kung bakit siya ang napili.
a.2 Aktibiti
Mula sa akdang Noli Me Tangere, Pipili ang mga
mag-aaral ng anim na tauhan na sa tingin nila ay
mahalaga. Iranggo ang pagpapahalaga sa
pamamagita ng bilang 1 hanggang 6.
A. Presentasyon
b.1 Pagpapayaman sa akda
b.1.1 Pabubuuin ang mga mag-aaral ng isang dayagram kung saan magkakaugnay ang
mga tauhan ( Kolaboratibong Gawain).

Maria

Clara

Tiya
Kapitan
Isabel
Tiyaga

Tiya

Isabel
Input ng Guro:
Ilalahad ng guro ang mga taong
kinakatawan ng ilang tauhan sa Noli Me
Tangere.

Pumili ng tauhan sa Noli Me Tangere at


sabihin kung sino ang kinakatawan nito
o sinisimbolo.
b.2 Rubrics / Pamantayan sa Pagganap
Pamantayan sa pagganap sa tauhang
ipinapakilala.
Who am I?
Napakahusay 5 puntos
Mahusay 4 puntos
Katamtaman 3 puntos
Di gaanong mahusay 2 puntos
Lubhang di- mahusay 1 puntos___
KABUUAN 15 Puntos
b.3 Pangkatang Gawain:
Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang
pangkat. Bawat pangkat ay magsasagawa
ng pagpapakilala ng bawat tauhan sa istilo na
kanilang ninanais . ( Who am I? Acitivity)
b.4 Pagbabahaginan
b.5 Fidbaking
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng puna
hinggil sa isinagawang aktibiti. Magbibigay
din ng pinal na fidbak ang guro.
C. Pagsasanib Gramatika At Retorika

Ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na matatalinhagang pahayag ng mga


pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere.

1. “ Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa


ang aking kaligayahan”

2. “ Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan


ngunit nakahanda akong magtiis at mamatay rito. Hangad ko na ang lahat ng
Inang Bayan ay magiging kasawian ko rin “

3. “ Ang karunungan ay para sa lahat ngunit huwag mong lilimuting iya’y


natatamo ng mga may puso lamang.”

4. “ May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- Ang hinaharap ay
nabubuksan pa lamang para sa iyo, Sa akin ay ipinipinid na…”

5. “ Dapat bigayang-dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa hindi


kung patay na
Assessment
Tutukuyin ng mga mag-aaral kung
sino ang tauhan ng nobela ang
kumakatawan sa kanya. Ipaliwanag
ang dahilan kung bakit niya napili ito.
Pagnilayin at Unawaiin
I. Layunin:
1. Nakikilala ang mga tauhan ng nobela batay
sa napakinggang pahayag ng bawat isa.
2. Naiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa
tunay na kalagayan ng lipunan noon at sa
kasalukuyan.
II Nilalaman:
A. Paksa : Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
B. Akdang Pampanitikan : Noli Me Tangere
III Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng liban sa klase
B. Panlinang na Gawain:
a. Aktibiti
1. Pagganyak
Video Clip : Magpapakita ang guro ng mga
piling tagpo mula sa teleserye na nagpapakita
ng iba’t-ibang taung na maihahambing /
maiuugany sa mga tauhan ng Noli Me Tangere
2. Balik-aral
A. Pagbabalik-Aral:
1. Graphic Organizer:

Makatotohanan ba ang mga tauhang nilikha ni Jose Rizal ?

Oo Hindi

Mga Patunay

Kongklusyon
B. Analisis

Mahalagang Konsepto:

Dugtungan Natin : Dudugtungan ng mga mag-aaral ang pangungusap upang mabuo


ang mahalagang konsepto
Natutunan ko na ang mga tauhan sa Noli Me Tangere ay____

C. Aplikasyon

Pangkatang Gawain:
Pangkat I :
Magsasadula ng isang tagpo mula sa Noli Me Tangere na maiuugnay sa tunay na
buhay.

Pangkat 2 :
Pagbabahagi: Magbabahagi sa klase ang mga myembro ng pangkat ng mga gawi /
ugali ng mga myembro ng kanilang pamilya na sumasalamin sa Noli Me Tangere.

Pangkat 3 :
Awit: Pipili ang pangkat ng isang kanta na aakma sa kabanatang tinalakay at aawitin
ito.
Magkakaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro sa pagitan ng guro at mga mag-aaral patungkol sa
mga gawaing isinagawa.
ILIPAT
I.Layunin
1. nakasusulat ng isang liham
pangkaibigan
2.nakakapagpahayag ng
damdamin sa pagsulat ng liham
II. Nilalaman
Paksa: Pagsulat ng Liham Pangkaibigan
Akdang Pampanitikan: Nobela
Kagamitan: papel at panulat
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng liban sa klase
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Panonood ng video clip (isang liham)
B. Aplikasyon

Pagsasagawa ng Produkto
G- Makasulat ng isang liham pangkaibigan na may
paghahambing sa isang tauhan ng Noli Me Tangere
R- Indibidwal na Gawain
A- Guro at Mag-aaral
S- Upang makalikha ang mga mag-aaral ng isang liham na
may kaangkupan,lohikal at maayos at makatotohanan.
P- Pagsulat ng Liham
S- Pamantayan sa Pagpupuntos
1.Kaangkupan 30 %
2.Lohikal at maayos
( pormat at teknikal na
aspeto ng pagsulat ng liham 30%
3.Makatotohanan 40%
Kabuuang Puntos 100%

You might also like