Professional Documents
Culture Documents
DLP-OBSERVATION - Q4-Week 1-BAITANG-9-TAUHAN
DLP-OBSERVATION - Q4-Week 1-BAITANG-9-TAUHAN
School
Guro Bb. Rubie Clare C. Bartolome Asignatura Filipino
MASUSING
Petsa at Oras Mayo 18, 2023 Markahan Ikaapat
BANGHAY-
ARALIN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-
unawa sa isang obra maestrang pampanitikan
ng Pilipinas
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakikilahok sa
pagpapalabas ng isang movie trailer o
storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng
Noli Me Tangere na binago ang mga
katangian (dekonstruksiyon)
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/Layunin natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan
sa nobela (F9PN-IVc57);
C. Pagganyak
TOK-UHAN (Toktok Tauhan)
Panuto:
Sa likod ng bawat pinto ay huhulaan ninyo kung sino ang mga bida sa mga natatanging teleseryeng Pilipino.
Tukuyin ang karakter na ginampanan ng mga ito at kung saan sila mapapanood.
1. Paglalahad ng Aralin
Iuugnay ng guro ang mga larawan sa pagganyak sa panibagong paksa
Gabay na tanong:
1. Ano ang tawag natin sa mga taong gumaganap sa mga palabas o kwento tulad na lamang ng mga taong
nabanggit kanina sa ating gawin?
Inaasahang sagot: Tauhan
2. Ano ba ang kaugnayan ng mga tauhan sa ating tatalakayin?
Ipapakita ng guro ang larawan ni Rizal at ipatutukoy sa mga mag-aaral ang mga kilalang obra
nito.
Inaasahang sagot: Noli Me Tangere
2. Pagtalakay sa Aralin
Pagpapakilala sa mga piling tauhan ng Noli Me Tangere
Hanap-TAUHAN
o Ipahahanap sa mga mag-aaral ang mga larawan ng tauhan na nakatago sa loob ng kanilang silid-aralan.
Ang makahahanap ng larawan ang siyang aatasan na basahin ang mga sa katagang nakasulat sa likuran
ng larawan.
Mga Tauhan
Crisostomo Ibarra
Maria Clara
Elias
Kapitan Tiyago
Padre Salvi
Padre Damaso
Sisa
Basilio at Crispin
Pilosopong Tasyo
Paskil-PAGKAKAKILANLAN
o Matapos basahin ang kataga, huhulaan lamang ng mga mag-aaral kung sino ang nagwika nito sa
pamamagitan ng pagdikit nito sa pisara.
Pag-unawa sa paksa
Mga tanong: HOTS (Kritikal na Pag-iisip)
1. Ano-ano ang mga katangian ng mga tauhan?
2. Bakit mahalaga na matukoy ang mga katangian ng bawat tauhan sa nobela na ating tatalakayin?
3. Ano-ano ang maaring isimbulo ng mga tauhan mula sa nobela na makikita sa kasalukuyang panahon?
3. Paglalapat
Unang pangkat
Lumikha ng isang maikling pagtatanghal ayon sa dalawang napiling tauhan mula sa tinalakay.
Ikalawang pangkat
Pumili ng isa sa mga tauhang nagustuhan mula sa nobela at itala ang mga katangiang nagustuhan mula sa tauhan
sa pamamagitan ng paggawa ng isang character profile.
Ikatlong Pangkat
Lumikha ng isang slogan tungkol sa halaga ng pagkakaroon ng mabuting katangian para sa pagpapanatili ng
isang maayos na pakikipagkapwa-tao.
Ikaapat na Pangkat
Lumikha ng isang tulang may dalawang saknong tungkol sa napiling tauhan mula sa nobela at bigkasin ito sa
klase.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
KATEGORY NAPAKAHUSA MAHUSA KATAMTAMA NANGANGAILANGA PUNTO
A Y Y N N NG PAGSASANAY S
(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman Malinaw na Malinaw Bahagyang Hindi naipakita ang mga
(35%) malinaw ang ideya ang ideya at natalakay ang inaasahang ideya at
at kabuuang kabuuang ibang ideya at kabuuang nilalaman ng
nilalaman ng nilalaman kabuuang awtput.
awtput. ng awtput nilalaman ng
awtput
Orihinalidad Malikhain at Malikhain May Hindi kinakitaan ng
at pagiging kakaiba ang ngunit may pagkamalikhain pagiging malikhain at
malikhain ginawang awtput kahawig na ngunit may orihinalidad ang
(25%) ideya ang ginayang umiiral ginawang awtput
ginawang na awtput.
awtput
Istilo, Wasto ang May Bahagyang Hindi kinakitaan ng
gramatika, at paggamit ng mga naiibang nakalilito ang kaayusan ng gramatika,
pamamaraan gramatika at may estilo o estilo at estilo, at pamamaraan
(25%) naiibang estilo at pamamaraa pamamaraan at
pamamaraan sa n ngunit may mga
pagtatanghal ng may ilang pagkakamali sa
awtput. pagkakamal gramatika.
i sa
gramatika.
Kaangkupan Angkop na angkop Angkop ang May kalituhan sa Hindi naaayon sa iniatas
ng Gawain ang naging daloy naging naging daloy ng na gawain ang naging
( 15%) ng pagtatanghal sa daloy ng pagtatanghahal pagtatanghal
gawaing iniatas. pagtatangha
l sa gawaing
iniatas
KABUUAN /20
(100%)
4. Paglalagom at Pagpapahalaga
Pagpapahalaga
Ako naman bilang pangunahing tauhan ng kuwento ng aking buhay ay mahalaga rin dahil
______________________.
5. Pagtataya
Maikling Pagtataya
Panuto: Basahin ang pahayag. Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI naman kung ito ay mali.
1. Si Basilio at Crispin ay mga anak ni Sisa; kapuwa sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San
Diego.
2. Si Maria Clara ay kasintahan ni Crisostomo Ibarra na may lihim na pagkatao. Ipinakikita ang magandang
karakter ng mga Pilipina.
3. Si Tiya Isabel ay ina ni Maria Clara na namatay pagkatapos na siya ay isilang
4. Si Sisa ay mapagmahal na ina subalit nagkaroon ng asawang pabaya at malupit.
5. Si Pedro ay mabait at mapagmahal na asawa ni Sisa
MGA KASAGUTAN:
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
6. Karagdagang Gawain
Basahin at unawain ang Kabanata 7 “Suyuan sa Asotea” ng Noli Me Tangere sa pahina 8 hanggang 9 ng
modyul 4.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (remedial)?Bilang
ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan
ng pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro
Inihanda ni:
Sinuri nina:
Unang pangkat
Lumikha ng isang maikling pagtatanghal ayon sa dalawang napiling tauhan mula sa tinalakay.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Lumikha ng isang slogan tungkol sa halaga ng pagkakaroon ng mabuting katangian para sa pagpapanatili ng isang
maayos na pakikipagkapwa-tao.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Lumikha ng isang tulang may dalawang saknong tungkol sa napiling tauhan mula sa nobela at bigkasin ito sa klase.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA