You are on page 1of 6

GRADE 1 TO 12

D A I L Y L E S S O N PLAN
(Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo)

Paaralan
SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL
:
Petsa: Enero 17, 2022 Guro:
Araw: Lunes Markahan: Ikatlo
8:00-9:00 Asignatura: Filipino 9

Oras at Deskripsyon: Imahe at Simbolo


Pangkat
/
Seksyon: Sinuri at
Binigyang-Pansin ni:

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng
A. Pamantayang
Pangnilalaman Silangang Asya.

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


Pagganap pagiging isang Asyano.

C. Mga Kasanayan
sa Pagkatuto
Nabibiigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento. F9PT-IIe-f-48
(Isulat ang code
ng bawat
kasanayan)
- Naibibigay ang sinisimbolo ng mga larawan.
D. Detalyadong -Natutukoy ang mga imaheng nakapaloob sa akda.
layunin - Napapahalagahan ang gamit ng mga simbolo at imahe.
II. NILALAMAN

A . Sanggunian Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro

2. Mga pahina sa Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino pahina 23-26


Kagamitang Pang-
Mag-aaral

3. Mga pahina sa
Teksbuk

4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning Wala
Resource

B. Iba pang
Kagamitang Panturo Laptop, Slide deck, larawan

IV. PAMAMARAAN
 Ano-ano ng aba ang iba’t ibang estilo sa pagsisimula at pagwawakas ng Maikling
A. Balik-Aral sa Kuwento.
nakaraang aralin at/o
 Anong estilo ng pagsisimula ang pahayag na nasa loob ng kahon?
pagsisimula ng
bagong aralin.
a. Takipsilim na nang dumating si Jose sa isang makipot na
daanang kanilang pinag-usapan.

b. Si Josefina ay bugtong na anak ng mag-asawang G. at Gng


Cruz.

B. Paghahabi sa
layunin ng aralin

 Ano ang kaisipan o sinasagisag ng mga larawan? Ipaliwanag


 Mahalaga ba na marunong tayong umunawa kung ano ang nais ipakahulugan ng
mga simbolo at imahe?

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin Mahusay ang pagkakasulat ng isang maikling kuwento kung tuloy-tuloy at
ayaw nang bitawan ng mambabasa ang pagbabasa nito. Bukod dito, damang
dama niya ang mga pangyayari. Ang isa pa sa kinalulugdan sa pagbabasa ng
maikling katha ay ang mga hulagway o imahe at simbolo na ginamit ng
kuwentista para mas mapalutang ang rikit ng kaniyang katha.

-Pagpapanood sa klase ang video ng Maikling Kuwento na nagmula sa Silangang Asya


“ Lura ng Demonyo” ni Hiroshi Naito na isinalin ni Lualhati Bautista

- Ano-ano ang naging impluwensiya ng mga Tsino sa ating mga Pilipino pagdating
sa pang-araw-araw nating pamumuhay? Ibahagi niyo nga ang inyong alam?

https://www.youtube.com/watch?v=T62fbtL-GFg&t=199

D. Pagtalakay ng Mga Gabay na tanong:


bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #1 1. Ano ang pangunahing problemang kinaharap ng pangunahing tauhan sa
kuwento? Paano ito nalutas?

2. Sa palagay mo, bakit nagsimula ang kuwento nang malapit nang gumabi at
nagtapos naman ng umaga? Anong diwa o kaisipan ang maikakabit natin sa
gabi at sa araw? Ano ang sinisimbolo nito?

3. Ano ang kinakatawan o sinisimbolo ng Bagong Taon, at ang okasyon na ito


ang napili ng may-akda ng kuwento?

4. Ano ang maiuugnay sa paglura sa mukha? Kung walang balak patayin ng


mga demonyo ang lalaki, bakit siya nila niluraan sa halip na saktan,
tadyakan, pasuhin ng apoy o saksakin?

E. Pagtalakay ng Alam mo ba na…….


bagong konsepto at
paglalahad ng bagong Imahe
kasanayan #2
 representasyon ng isang bagay tao o ideya;
 larawan na binubuo ng isang akdang pampanitikan;
larawang ginagamit para maging sentral na representasyon ng isang akdang
pampanitikan

Simbolo
 mga salita na nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa pero
dapat na di-nalalayo ang kaniyang interpretasyon sa nais ipaabot ng may-akda
 bagay na kumakatawan, tumatayo o nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan,
paniniwala o aksiyon

Halimbawa:
Ang mga sumusunod ay sumisimbolo o sumasagisag nang:

Kulay Asul o Bughaw- Kapayapaan

Itim na pusa- Kamalasan

Buwaya – Katiwalian o pagiging gahaman

Ahas- Taksil o traydor

F. Paglinang sa Pangkat 1: Balikan ang binasang maikling kuwentong “Lura ng Demonyo”, Itala ang mga
Kabihasaan Imahe at Simbolo na ginamit ng may-akda, tukuyin kung anong kultura ang nais nitong
(Tungo sa ipahiwatig na bahagi ng pamumuhay ng mga Tsino at ihambing ito sa ating kultura gamit
Formative
ang Vien Diagram.
Assessment)

Tsino Pilipinas

Tsino

Pangkat 2: Bumuo ng isang awit gamit ang mga Imahe at simbolo na nakapaloob sa akdang
“Lura ng Demonyo”.

Pangkat 3: Bumuo ng tula gamit ang mga Imahe at simbolo na makikita sa loob ng akdang
Lura ng Demonyo. Bigkasin ito ng may wastong emosyon o damdamin.

Pangkat 4: Gumuhit ng mga simbolo o Imahe na inyong nakikita sa atin o sa inyong lugar sa
kasalukuyan at ipaliwanag kung ano ang nais iparating nito. Iulat ito sa paraang pagbabalita.

Rubrik sa Pangkatang Gawain


Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (3) Nagsisimula (1)

Nilalaman Naipakita ng lubos Di gaanong naipakita Walang kaugnayan sa


ang kaugnayan sa ang kaugnayan ng kasalukuyan ang
kasalukuyan ng mga binsang parabula sa naipakita.
kaisipang inilahad sa mga nagaganap sa
pabula. kasalukuyan

Organisayon Ang ipinakita o Ang ipinakita o Ang ipinakitang o


itinanghal na gawain itinanghal na gawain itinaghal ay walang
ay ogranisado. ay di-gaanong kaayusan.
organisado.
Pagkamalikhain Buong husay na Naiulat at Kaunti lamang ang
gumamit ng naipaliwanag ang naiulat o
kakaibang teknik sa pangkatang gawain naipaliwanag sa
pangkatang gawain sa klase. pangkatang gawain.

Kooperasyon Naipamalas ng Naipamalas ng halos Naipamalas ang


buong miyembro lahat ng miyrembro pagkakaisa ng iilang
ang pagkakaisa sa ang pagkakaisa sa miyembro sa
paggawa ng paggawa, ngunit may paggawa ng
pangkatang gawain isang miyembro ang pangkatang gawain.
di nakiisa
KABUUAN 20 PUNTOS

 Fidbak ng guro at ilang mag-aaral pagkatapos ng pag-uulat.

G.Pagpapayaman I- Panuto: Ibigay ang sinisimbolo ng mga sumusunod na larawan.

H. Paglalahat ng
Aralin Ilahad ang inyong pagkakaunawa sa imahe at simbolo na ating nakikita sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay.

I. Paglalapat ng aralin  Ang kaalaman natin umunawa ng mga imahe at simbolo ay paano nakakatulong sa ating
sa pang-araw-araw na pang-araw-araw na pamumuhay? Mahalaga bai to?
buhay
Panuto: Piliiln ang titik ng tamang kahulugan ng mga Imahe o simbolong ginamit sa
J. Pagtataya ng Aralin sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

_______1 Nagwagayway ng panyong puti ang mga kalaban. Nangangahulugan ito


na:
A. Gusto pa nilang lumaban
B. Sumusuko na sila sa laban
C. Ipinaparating nila na mananalo sila
D. Masaya sila sa laban

_______ 2. Ikaw ang ilaw na dumating sa aking buhay.


A. may ilaw siyang dala kaya may liwanag.
B. siya ang pag-asa sa kaniyang buhay.
C. dumating na ilaw sa kanilang tahanan.
D. Ginagamit na liwanag
_______ 3. Ito ang iyong tatandaan na huwag mong dudungisan ang iyong mga
kamay.
A. Huwag gagawa ng masama
B. Maligo araw-araw
C. Huwag dudumihan ang katawan
D. Palaging maglilinis

_______ 4. Sa kilos at gawi ay tila isa kang Maria Clara.


A. Mabilis kumilos
B. Mabagal kumilos
C. Mahinhin kumilos
D. Ayaw kumilos

_______ 5. Ang kanilang Tiyuhin ay itinuring nilang ahas ng pamilya.


A. matalim tumingin
B. Sutil sa mga habilin
C. Mailap sa pakikipag-usap
D. Traydor at hindi mapagkakatiwalaan

INDEX OF MASTERY
4-5
3
2-1

J. Karagdagang Sa isang bond paper gumuhit ng isang bagay na maaaring sumimbolo ng inyong pagkatao.
gawain para sa Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
takdang-aralin at
remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba
ang remediation?
Bilang ng mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
nakaranasan na
solusyunan sa
tulong ng aking
punongguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like